"Sung Hye Yoon and the sought-after bachelor Josue Tolentino are now revealed the date of their wedding. First week of spring. Josue----."
"Hindi mo ba titigilan 'yan? Naririndi na ko sa kakabasa mo!" Pairap na sabi niya sa kapatid. Nakatambay ito sa opisina niya dahil may hinihinging tulong sa kanya. At mula pa kanina ng dumating ito ay nagbabasa na ng magazine na hindi niya napansing dala pala nito.
"Talaga bang hindi kana affected?" Nangalumbaba ito sa harapan niya. Abala siya sa pagbabasa ng Income summary nila nitong last quarter.
Binitawan niya ang hawak na folder at hinarap ito. "Hindi. Na. Ako. Affected!" Pagdidiin niya. "At saka saan na namn ba papunta itong usapang ito? My God! It's been six months! Ako palang ba ang nakakamove on?" Na sinabayan niya ng pagtirik ng mga mata.
May anim na buwan na ang nakakalipas mula ng maghiwalay sila ni Josue. Simula noon ay hindi na sila nagkitang muli. Iniwasan na rin niyang makibalita tungkol dito. At ang nalalapit na kasal nito ay ngayon lamang niya muling narinig.
Delaney swivelled her chair backward at saka ipinatong ang paa sa lamesa niya. "At bakit hindi ganoon ang nakikita ko sa mga mata mo? Nang marinig mo ang pangalan ni Kuya Josue kanina habang binabasa ko ang column na 'yon. Halata sayong interesado kang malaman eh!" Natahimik siya. "Umamin ka nga ate.. Nakamove on ka nga ba talaga o nagpapanggap ka lang sa harapan namin?"
Tumayo siya at binuksan ang filling cabinet. Naghahalungkat siya doon kahit wala naman siyang hinahanap. Gusto niyang iwasan ang tanong ni Delaney.
Siya ang nagtaboy kay Josue. Siya ang dahilan kung bakit sumuko ang binata. Itinaboy niya ito dahil nasaktan siya. Tapos ano? Kapag ba inamin niyang nasasaktan pa rin siya may mababago ba? Babalik ba ang binata sa kanya? Siya pa rin ba ang pipiliin nito? Paano kapag sinabi niyang handa na siya? Pero ito'y pagod na maghintay? May magagawa pa ba siya?
Naramdaman niya ang kamay ni Delaney sa braso niya. "Ano ate? Dahil mahal mo pa rin siya? Umaasa ka pa rin na sana ikaw at siya ang nakasulat sa peryodiko at inaanunsiyo ang pagpapakasal niyo at hindi ang kung sino sinong babae."
Marahas siyang napahawak sa buhok. "Tama na Delaney! Tama na!" Nangilid ang luha sa mga mata niya. Mas masakit pala talaga ang katotohanan. Ang katotohanang umaasa pa rin siya kahit alam niyang wala nang pag asa. "Oo! Mahal ko pa rin siya. Oo umaasa pa rin ako. Masaya kana?" Aniya at tinalikuran ito.
"Till when Pare?" Tinungga ni Josue ang hawak na basong may alak bago humarap kay Raphael.
Nagkibit balikat siya. "I don't know." Napailing ang kaibigan niya.
"Alalahanin mo galit pa rin sayo si Taddeos dahil sa ginawa mo sa best friend ng misis niya." Alam niya iyon. Walang kapatawaran ang ginawa niya kay flor. Naiintindihan niya kung bakit galit na galit ang babae sa kanya. Miski ang buong pamilya nito.
"Nagsisisi ako kung bakit nasaktan ko siya. Inakala ko kasi na kapag iniharap ko siya sa pamilya ko. They won't arranged me to someone i don't love." Aniya at uminom ulit.
"Exactly. You. Don't. Love. So, what about her? Do you really love her?" Nagpalipat lipat ang tingin niya dito at sa basong hawak.
Humarap siya ng matiim s abaso. Na para bang mukha ng babaing mahal niya ang makikita niya doon. "I love her. So much.. That i can't even breathe without thinking her."
"Poor boy. Cheers to your broken heart!" Itinaas nito ang basong hawak. Parang tangang ginaya niya ito. Tinungga niya ang alak niya. Anim na buwan na. Ilang linggo nalang at ikakasal na siya. Matatali na siya sa wakas. Mawawalan na siya ng dahilan humanap ng iba. At makukuha na niya ang karapat dapat na para sa kanya.
Muli siyang ipinagsalin ni Raphael ng alak sa baso. "Curious lang ako. Bakit ka magpapakasal sa kanya?"
Maraming dahilan ang pagpapakasal niya. At ang lahat ng dahilan na 'yon ay mahalaga. Higit na mahalaga sa ano pa man.
Tinungga niya ang alak na sinalin nito. "Because, this is what flor wants.. Marry the woman i want to marry."
Naalala niya ang huling sinabi ni Flor sa kanya. Wala itong kaideideya na sobra siyang nasasaktan. Na hindi nito alam ay para siyang pinapatay.
Hindi na mahalaga kung mahal mo ako. Pakasalan mo na ang babaing pakakasalan mo.
Tinapik siya ni Raphael. "Good luck sa kasal mo. Don't worry I'll be there. It's such an honor to witness your life sentence." Na sinamahan nito ng pagtawa.
Mapait siyang ngumiti. Sana lang sa gagawin niyang pagpapakasal ay maging simula na ito ng bago niyang buhay. Buhay na bubuuin niya kasama ang magiging pamilya niya. Kasama ang babaing papangakuan niya ng habambuhay na pagsasama at ang mga magiging anak nila.
To be continued...
------
Naririnig ko na ang wedding bells.. Tsik! Poor Josue..
No UD for a couple of months?
Kaya? Hahaha
BINABASA MO ANG
GENTLEMAN Series 11: Josue Tolentino
General FictionGENTLEMAN Series 11: Josue Tolentino Nakatali sa isang matandang tradisyon ang yaman na mamanahin ni Josue. At ang tradisyon na 'yon ay ang pakasalan ang huling babae sa lumang kwentong panitikan sinaunang lahi nila. And it happened that Nikita Kim...