WITCH1: Zia The Witch

8 4 0
                                    

Witch POV

Seryoso ang mukha ko habang naglalakad dito sa gubat.

Sobrang tahimik ng gubat na ito.Yapak lang ng mga paa ko ,huni ng mga ibon at ang mga alulong lang ng mga lobo ang naririnig ko ngayon dito sa gitna ng napakadilim na gubat.

Naghahanap ako ng mga halaman para ihahalo sa aking Gayuma.

Ilang beses na akong nakapunta dito dahil dito ko lang mahahanap ang mga sangkap na kakailanganin ko sa paggawa ng potions.Sobrang dilim din dito dahil natatabunan ng mga malalaking puno ang liwanag ng araw.

Sa ilang oras na paglalakad ko dito sa gubat,sa wakas at nahanap ko rin ang isang halaman na nababagay sa gagawin kong bagong gayuma mamayang hating gabi.

pumitas ako ng ilan sa mga halaman at naglakbay ng muli para umuwi.

Naghintay ako ng ilang taon para lang makagawa ng bagong potions.Kailangan kasing hintayin ang paglabas ng Pulang buwan at nagpapasalamat ako dahil mamaya ay lalabas na din ang pinakahinihintay kong Eclipse .

Ang paggawa ng mga potions ay isang mahalagang tungkulin sa aming mga Witch.

Kaya nagsumikap ako na makagawa ng napakaraming Potions.

Ang unang Reyna namin ang unang nakagawa ng napakaraming Potions.

Mga 500+ na potions ang nagawa nya,kaya hinahangaan ko talaga sya ng sobra.

Pero hindi ko na nakita ang una naming Reyna dahil sa Umibig daw sya ng isang nagpapanggap na White Wizard at nagkaanak sila kaya hinatulan sya ng kamatayan.

Kamatayan ang parusa sa ganyang sitwasyon.Kamatayan ang parusa pag iibig ka at magkaanak sa ibang lahi.Mga Witzard ang naghatol sa kanila ng kamatayan para daw sa ikabubuti ng aming lugar,pati na rin ang anak nilang bagong silang ay napaslang din sa araw na yun.

Ang mga WitZard ay ang mga Witch at Wizard na isa sa may mataas na posisyon sa aming lugar, kasali sa Witzard ang mga may malalaking posisyon noon katulad ng mga Pinagkakatiwalaang mga tauhan ng Hari at Reyna noon, mga witch at wizard na nagpapakita ng kabutihan sa aming lugar at marami pang iba.Namumuhay sila sa mahigit isang daang taon kaya sobrang tanda na ng mga Witzard.Sila ang tumutulong sa pangkasalukuyang Hari't Reyna sa paggawa ng mga batas.Naniniwala sila na ang Batas ay Batas kahit ano man ang posisyon ng buhay mo.

Ang kapatid ng una naming Reyna na si Haring Porter ang namumuno sa amin kasama ang kabiyak nyang si Reyna Edimia.

Pero namatay sila nang nag karoon ng malaking laban ang Dark at White Witch.Ang grupong Dark Witch ay ang kinasusuklaman kung Grupo ng mga Witch dahil wala silang sinasanto sa pagpatay.

Lahat ng memorya na yun ay gusto kong kalimutan ngunit kahit isang katiting lang ay wala parin akong nakalimutan.

Kasalan ng Dark Witch kung bakit namatay ang mama ko.

Kung bakit wala nang namumuno sa mga white witch.

Kung bakit hindi ko na alam kung meron pa bang natitirang white witch na katulad ko.

At kung bakit nandito ako ngayon sa mundo ng mga tao.

Galit na galit ako sa kanila,kaya sisikapin ko na makagawa ng paraan para matalo sila.

Kaya ko bang lumaban mag isa sa mga kalaban ko?.Kakayanin ko,Sisikapin ko.

"Wag kayong mag alala at ipaghihiganti ko kayo sa mga Witch na kasing sama ang ugali sa Patay at Mabahong hayop ".

Sa ilang oras kong paglalakad ay nakarating na din ako sa tinitirhan kong bahay.

"Nay Anding nandito na po ako"sigaw ko sa labas ng barong barong.

Falling To An Incredible WitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon