Angelo/Blade's POV
Lakad..
Takbo..
Tago.. Ang ginagawa ko ngayon habang sinusundan sila Nay Anding at ang Salot na Witch papunta sa sinasabi nilang Ilog.
Sumilip ako sa kanila dito sa isang napakalaking puno at nakita ko ang sobrang lapad na ngiti ng Witch.
"Hmm tingnan lang natin kung san aabot yang ngiti mo".
Tumingala ako ng may narinig akong huni ng ibon.
Tinitigan ko naman ang punong kahoy na tinataguan ko ngayon.
Ito din pala yung punong kahoy kung saan kami nagtago noon.
*FLASHBACK*
"Anong balita sa HW Leo?"tanong ko kay Leo na kasalukuyang nakaupo dito sa Bar Counter ng hideout namin at umiinom ng alak.
"Ok lang naman,busy pa din ang mga tao sa paghuhuli ng mga witches"sagot nya sa akin.
Kumuha ako ng baso at sinalinan ito ng vodka.
"Uyy mga brotherhood mukhang seryoso tayo ngayon ah".
Napalingon naman kami ni Leo sa nagsalita.
"Ganun na nga"sabi ko.
"By the way tumawag sa akin si Prof Danny"sabi ni Rose sa amin at lumapit dito sa counter at nagsalin ng alak sa kinuha nyang baso.
"Mission,I guess"tipid na sabi ni Leo.
"You're right Leon"sabi ni Rose kay Leo at ngumiti.
"Then?"tanong ko.
"May tumawag daw sa kanila na isang matandang mangangaso"sabi nya sa amin tapos uminom ng alak.
Tiningnan lang namin ni Leo si Rose at naghintay sa susunod nyang sasabihin.Tumingin naman si Rose sa amin at ngumiti ng napakatamis.
"Tumawag sya dahil may nakita syang Witch"sabi nya.
"Sigurado na kaya yan? Baka panloloko na naman yan"sabi ko.
Naloko na din kasi ang mga kasamahan namin nung nakaraang araw,may tumawag daw sa kanila at sinabing may nakita daw syang witch kaya dalidali nilang kinuha ang location at binigyan sya ng malaking halaga ng pera nila Tito.Pero nung pinuntahan nila ang lugar na yun nabigo sila dahil wala silang Witch na nadetect kaya ang nangyari bubugbugin sana namin ang lalaking nanloko sa amin kaya lang nakatakas.
BINABASA MO ANG
Falling To An Incredible Witch
FantasiZia-isang dalagang witch na napadpad sa mundo ng mga tao.Lahat nawala sa kanya(pamilya at tahanan)para sa kanya isa syang napakamalas na witch. Hindi nya alam kung saan sya patutungo,isa lang ang nasa isip nya at yun ay ang ipaghihiganti ang panig n...