Zia POV
"Nay nakakuha na po ako ng halaman"pasigaw kong sabi kay nanay dahil nandun sya sa kabila nitong ilog.
Ngumiti at tumango lang si Nanay sa akin at tumalikod na para kumuha ng ibang halamang gamot.
Umupo muna ako habang binababad ang mga paa ko sa ilog.
Pumikit ako at dinama ang preskong hanging dumampi sa mukha ko.
Hayy! May kasama pa kaya akong natira?.
Kung buhay lang sana si Mama baka hindi na ako umabot sa ganitong sitwasyon.
Pero kahit ganun nandito naman ang pangalawa kong Inay,si Nay Anding.
Napadilat ako ng mata sa gulat dahil may naramdaman akong nakatingin sa akin.
Nung una binalewala ko lang yun dahil baka mga hayop lang ito na naninirahan dito sa gubat, pero ilang saglit lang biglang gumalaw ang isang kumpol ng dahon kaya dali dali akong tumayo at dahan dahang lumapit dun.
Nang nasa harap na ako ng kumpol ng dahon, hinawi ko agad ang gitna nito para tingnan kung sino ang nasa likod nito.
Hindi Tao, hindi rin hayop ang sumalubong sa akin kundi isang Papel.
Dahan dahan ko itong kinuha at tiningnan.
Isa pala itong sulat,pero sa amin ba to?.
Tinitigan ko ito ng maayos at nahagip sa aking mga mata ang isang napakaliit na sulat ng pangalan ko.
Lumingon muna ako sa gawi ni Inay na naghahanap at kumukuha parin ng mga halamang gamot.
Binaling ko na ulit ang aking paningin sa sulat at dahan dahan ko itong binukasan at binasa.
Pagkatapos ko itong basahin ay bigla na lang akong nakaramdam ng kaba.
Maging alisto ka,dahil nandito lang ako sa paligid.Kung hindi ka magiging alisto.Mawawalan ka talaga ng hininga bata.
mas kinabahan ako ng may humawak sa likod ko."S-sino ka?"utal kong tanong.
"Anak anong problema at parang nanginginig ka"tanong ni Inay.
Dahan-dahan akong lumingon kay Nanay.
"Ikaw lang pala Nay,ahm wala naman po nay giniginaw lang po ako"sabi ko kay Inay at ngumiti.
"Sigurado ka?baka naman natatakot ka na."sabi ni Inay sa akin.
Nagtaka naman ako sa tono ng boses ni Inay.
Hindi ko nalang yun pinansin baka dahil lang to sa kaba ko ngayon.
"Opo nay ok lang po ako"sagot ko syaka ngumiti.
"Oh sya halika na at umuwi na tayo"sabi ni Inay at naglakad na kami.
Habang naglalakad kami papuntang labas nitong gubat parang may nag utos sa akin na lumingon sa kabilang panig nitong ilog.
Nag alangan ako nung una pero lumingon parin ako dun.
Mas kinabahan ako sa nakita ko.
Meron kasing isang imahe ng matanda na nakahandusay.
"Nay?"mahina at natataranta kong tanong.
Tiningnan ko ang katabi ko at nagulat ako ng nakatingin pala sya sa akin.
Tumawa sya bigla"Nakita din kita sa wakas ZIA.Ang White Witch na pinapahanap sa akin para paslangin.Hmmm kamusta ka na?Kailangan ko pa pala gawin ang Misyon ko dito"sabi nya at ngumisi.
" F-fienden "nauutal kong sabi (Fienden-kalaban,Enemy)
Tumawa sya sa sinabi ko at nagpalit sya sa kanyang orihinal na anyo"Buti naman at nakilala mo ako"sabi nya sa akin.
Kumuyom naman ng kamao ko dahil sa nakita kong isa talaga itong Dark Witch.Isang babaeng taga Dark Witch.
"Wala kang awa pinatay mo ang isang inosenteng tao,VONYEZZA!"sigaw ko sa kanya
(Vonyezza-wala kang hiya)
"Hmmm,galit ka?ano naman ang magagawa mo?"parang demonyo nyang tanong sa akin at nilaro-laro ang magic Stick nya.
Tiningnan ko sya ng masama kailangan kong puntahan si Inay.
Bahala na.Bahala na kung ano man ng mangyari sa akin.
Wala na namang saysay ang buhay ko.Nawala na lahat sa akin.
Kung meron lang akong mahika ngayon baka naipag tanggol ko pa si Inay baka naipagtanggol ko pa ang Ibang Inosenteng Pinatay ng mga dark Witch.
Isa lang akong ordinaryong witch pero kaya kong ipaglaban ang mga taong parte ng buhay ko.
"Nayy,Nayy wag nyo po akong iwan,NAYY"sigaw ko at humahagulhol sa iyak.
Nahinto sandali ang pag iyak ko dahil biglang nagsalita si Inay.
"A-anak"sabi ni Inay at ngumiti.
"Nayy pakiusap wag nyo po akong iwan.Nay lumaban po kayo.Nandito pa po ako"sabi ko kay inay habang pinipigilan ko ang iyak ko.
Biglang nag init ang ulo ko dahil bigla nalang may tumawa sa likuran ko.Hindi ko yun pinansin dahil ang mas importante sa akin ngayon si Inay.
Wala naman akong laban sa kanya dahil isa syang malakas na Witch,ramdam na ramdam ko ang lakas nya.
Mabuti nalang ang mamatay.Wala na akong silbi sa mundo.
"Tama na yang iyakan nyo"sabi ng Dark Witch sa amin at tumawa.
Tumayo ako at hinarap sya.
"A-anak tumakbo kana"mahinang utos sa akin ni Inay.
Hindi ko sinunod ang utos ni Inay.
Bigla ko nalang naalala ang tunay kong Ina.Yung pangyayaring hindi ko alam kong ano ang dahilan,yung pangyayaring bumabaha ng Dugo sa aming Panig.
Tinitigan ko ang Dark Witch na nasa harapan ko.
"Kung gusto mo akong patayin.Sige,Sige Sabihin mo na ang kailangan mong sabihin"mahina kong sabi sa kanya.
Ngumisi sya sa akin at tinutok ang Magic Stick nya sa akin.
"Sobrang hina mo pala"sabi nya sa akin at tumawa,huminto naman agad sya sa pagtawa at seryosong tumingin sa akin."Kung ganun madali lang pala kitang patayin,MATAR"nakangisi nyang sabi sa akin.
(Matar--isang spell na kayang pumatay)
Bigla ko nalang naramdaman ang hapdi ng katawan ko dahil sa isang nakakamatay na spell na dumampi sa akin.
Habang unti-unting lumalabo ang paningin ko,may nakita akong isang imahe ng Babae at pinatay ang Dark Witch na nanakit sa amin,nakita kong may hawak syang Wand at lumabas ang puting liwanag galing sa Wand nya.
Isa syang White Witch.Natutuwa akong malaman na meron pa palang natitira na White Witch.
Matapos nyang mapatay yung Dark witch ay naglakad sya papalapit sa akin.
Nang naka harap na sya sa akin gusto kong linawin ang paningin ko upang makita ko sya ng maayos pero nanghihina na talaga ako.
"Wag kang mag-isip na wala ka nang pag-asa dahil sa totoo lang sobrang laki pa nang pag-asa mo.Lumaban ka lang kahit ano man ang mangyari at kahit ilan pa ang kalaban mo Zangga."bulong nya sa akin
(Zangga-prinsesa)
"Balang araw malalaman mo rin ang lahat"sabi nya at tinutok nya ang Wand nya sa akin"Vishna"bigkas nya at tuluyan ng nagdilim ang paningin ko.
( Vishna--spell para gumaling ang isang Witch)
Alam kong hindi sya ordinaryong White Witch.Sobrang lakas nya,kaya nyang gumamot ng isang nakakamatay na spell.
Sino ka ba?
>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>
BINABASA MO ANG
Falling To An Incredible Witch
FantasyZia-isang dalagang witch na napadpad sa mundo ng mga tao.Lahat nawala sa kanya(pamilya at tahanan)para sa kanya isa syang napakamalas na witch. Hindi nya alam kung saan sya patutungo,isa lang ang nasa isip nya at yun ay ang ipaghihiganti ang panig n...