Zia's POV
Nakaupo ako ngayon sa sofa at iniisip ang mga pangyayari kahapon.
Curious talaga ako sa mga nasisilayan ko.
Hayst nakakalito na talaga.
Bakit ba sinabi ni Rose na girlfriend ako ni Angelo?.
Sino ba yung seryosong tao kahapon?
Sino ba talaga sila?
Napatingin naman ako sa Cr ng biglang lumabas si Rose galing dun.
"Hay kay sarap talaga sa pakiramdam pag mailabas mo lahat ng demonyo sa tiyan"bulong nya.
Yang si Rose,sobrang nagtataka na talaga ako sa mga kinikilos nya.
"Oh anong problema?,may dumi ba mukha ko?"tanong nya sa akin at kinapa-kapa ang mukha nya.
"Ahm wala naman"sabi ko at iniwas ang tingin sa kanya.
Nagtaka naman ako ng wala akong nararamdamang presensya ni Angelo.Kahapon pa sya wala,gabi na kaya ngayon.
Tumingin ulit ako kay Rose.
"Ahm Rose nakauwi na ba si Angelo?"tanong ko sa kanya.
"Hmm di pa,baka mamaya pa yun"sabi nya at pumunta sa kusina.
Tumango lang ako,bigla ko namang naalala yung seryosong lalaki kahapon.
Sino kaya yun?
Wala naman sigurong masama pag itatanong ko diba?
"Rose sino ba yung lalaki kahapon?"tanong ko sa kanya
Ayan lumabas na talaga sa bibig ko.
Sumilip naman si Rose sa akin galing sa kusina.
"Ah si prof Danny?.Ahm tagaturo yun sa'min ng ibat-ibang martial arts at kung paano ang tamang paghawak ng mga weapons"sabi nya.
Martial Arts?Weapons?
"Bakit naman kayo nag aaral nyan?"tanong ko.
Naglakad naman sya papunta sa direksyon ko habang may dala-dalang pagkain.
"Self defense"tipid nyang sabi at umupo sa kaharap ko'ng upuan.
Tumango-tango lang ako.
"Bakit mo natanong?"tanong nya.
"W-wala lang,I'm just curious"sagot ko at yumuko.
"Kontrolin mo minsan ang curiosity mo,baka kase may malaman kang hindi maganda pag nagkataon"sabi nya.
Tumingin naman ako sa kanya.
Anong ibig nyang sabihin?.
Binalewala ko nalang ang sinabi nya.
Dapat di na ako mag-isip pa ng kahit ano,nagbibigay lang kase ito ng sakit sa ulo.
"Zia wag na wag kang lumabas ah"sabi nya at tiningnan ang relo nya.
Kunot noo ko naman syang tiningnan.
"Saan ka pupunta?"tanong ko.
"May gagawin pa kase akong importante"sabi nya at ngumiti."Basta ah wag kang lumabas"ulit nyang sabi at lumabas na.
Ako nalang mag isa dito.
Tumayo ako at naglakad-lakad sa bahay.
Di ko pa kase sobrang kabisado ang lugar na'to.
BINABASA MO ANG
Falling To An Incredible Witch
FantasyZia-isang dalagang witch na napadpad sa mundo ng mga tao.Lahat nawala sa kanya(pamilya at tahanan)para sa kanya isa syang napakamalas na witch. Hindi nya alam kung saan sya patutungo,isa lang ang nasa isip nya at yun ay ang ipaghihiganti ang panig n...