Angelo/Blade's POV
Breaking News
Limang tao ang namatay sa isang mall dahil sa isang pangyayaring di kapanipaniwala. Isang babaeng nakaitim naglabas ng isang bagay na di maipaliwanag gamit kanyang kamay at isang stick,sinubukan syang pigilan ng mga pulis ngunit bigla nalang sya'ng nawala sa kanyang kinatatayuan. Subaybayan ang kuha ng CCTV footage ng Mall.
"Ziaaaa asan ka na?" nakakatakot na sabi ng nakaitim na babae sabay tawa.
Napakunot ang noo ko sa narinig ko.
"Zia?"bulong ko.
Bakit nya hinahanap ang salot?
Agad kong hinanap ang phone ko at tinawagan si Leo.
"Hello Blade"sabi ni Leo.
"Hello Leo. I already saw the news, may hinahanap yata ang witch na yun"
"Yeah and it is Zia"sabi ni Leo.
"This is the time."sabi ko at pinatay na ang tawag.
Gagawin ko na ang plano ko. Ito na ang tamang oras upang masagawa lahat ng bagay na napagplanohan ko.
Ang gamitin ang salot sa paghuli ng mga kasamahan nya.
Pababagsakin ko lahat ng mga witch at ipapatikim sa kanila ang paghihigante ko.
>>>>
SOMEONE'S POV
"Ate ano na ang susunod nating hakbang?" tanong ko kay ate.
"Sa ngayon di ko alam basta kailangan nating kunin ang bagay na yun,dahil yun lang ang makakatulong sa atin upang tayo ay magtagumpay."sabi nya sa akin.
"How I miss my mom"malungkot kong sabi kay ate.
"Meowww"
Napatingin ako kay Kitty,pumunta naman sya sa lap ko at humiga dito.
"Ako nga din miss ko na sila.Kamusta na kaya sila do'n? Sana mapigilan nila ng kunti ang gulo na nangyayari sa atin"sabi ni ate.
Ipinatong ko ang kamay ko sa ulo ni Kitty at hinaplos-haplos ito.
"Sana nga ate,kaya madaliin natin ang mission natin sa panahong ito upang makauwi na tayo sa panahong ating ginagalawan" sabi ko habang nakatingin sa natutulog kong pusa.
"Tama ka Zangga"
>>>>>
Zia's POV
"Gumising ka na dyan at kumain na"
Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko nang marinig ko ang boses ni Rose.
Bumangon ako sa kama at tumingin sa bintana.
Umaga na pala.
"Anong oras na Rose?" tanong ko sa kanya.
"Hmmm 8:00 na"sabi nya." Sige sumunod ka na agad ah nando'n na din si Bla..ay Angelo sa hapag. Aalis na din ako kase may mission pa akong gagawin. At pupunta din ako dito mamaya para di ka naman ma boring" sabi nya.
BINABASA MO ANG
Falling To An Incredible Witch
FantasíaZia-isang dalagang witch na napadpad sa mundo ng mga tao.Lahat nawala sa kanya(pamilya at tahanan)para sa kanya isa syang napakamalas na witch. Hindi nya alam kung saan sya patutungo,isa lang ang nasa isip nya at yun ay ang ipaghihiganti ang panig n...