Angelo/Blade's POV
"Oh no this is bad"bulong ni Rose na nasa likuran ko.
Tahimik lang akong nakatingin kay Danny na nakangiting naglalakad papunta sa direksyon namin.
"Buti naman at palabas ka na,di na ako mahihirapan pang hanapin ka."nakangiting sabi ni Danny sa akin.
"Tsk"
Napahinto naman sya sa pagngiti sa akin at seryoso akong tiningnan.
"Kahit kailan talaga wala ka pa ring galang sa akin.So how are you?"tanong nya.
"Im fine"tipid kong sabi sa kanya.
"How about your mission?"tanong nya na ngayo'y nakangisi na sa akin.
"Let's talk about it later alam ko namang nandito ka kase pinapahanap ako ni Tito"sabi ko sa kanya.
"You are intelligent kid"sabi nya at ngumiti sa akin.
Tsk.tinuturing nya pa din akong bata.
He is Danny Robero,55 years old.Isa ding witch hunter,matagal na syang naglilingkod sa pamilya namin. Isa siya sa nagtuturo saming tatlo ni Rose kung paano ang tamang paghuli ng mga witch at kung paano maging mabisa sa pakikipaglaban sa mga may kapangyarihang nilalang. He is one of the brave witch hunter, isa din siya sa barkada nila dad at tito.
"Hi pala professor"singit ni Rose.
"Hello Rose,Im so sorry di kita nakita agad"nakangiti nyang sabi kay Rose.
Napakunot naman ang noo nya nang makita si Zia.
This is not good.
Sobrang alam ni Danny ang mga kilos at wangis ng mga witch,paano kong mabisto nya na isang witch ang kasama namin ngayon?
Kinilatis nya naman si Zia mula ulo hanggang paa at ngumiti sa kanya.
"Who are you lady?"tanong nya kay witch.
"Ahmm ako nga po pala si Zia"pagpapakilala nya kay Danny.
"Kaibigan po ni......"
"Girlfriend po ni Blade ay Angelo"singit ni Rose.
Napakuyom ako ng kamao at napapikit sa galit.
Kahit kailan talaga tong si Rose pahamak.
Ilang ulit na syang nagsasabi ng nonsense word.
Kay daming pwedeng ipapalusot, girlfriend pa ang napili nya.
"Di po.."
Magsasalita na naman sana ang witch ngunit mabilis naman syang dinilatan ng mata ni Rose.
Mapapatay ko talaga ang babaeng to mamaya.
"You are his boyfriend huh?"sabi ni prof Danny sa witch.
Napakagat labi naman sya at nagdadalawang isip na tumango pero dinilatan na naman sya ng mata ni Rose kaya napatango naman sya.
"And sino naman yang si An..."
We need to get out of here,baka mabisto ako sa mga pinaplano ko.
"Let's go"sabi ko sa kanya.
Pinutol ko na ang sasabihin nya sana.
"Rose ito dalhin mo na tong mga pinamili ko,umuwi na kayo"sabi ko kay Rose.
Tumango lang sya sa akin.
Sinulyapan ko muna saglit ang salot na ngayo'y nagtataka sa mga pangyayari.
Tsk.
"Let's go"sabi ni Danny sa dalawa nyang kasama,tumingin muna sya kila Rose bago nag paalam.
BINABASA MO ANG
Falling To An Incredible Witch
FantastikZia-isang dalagang witch na napadpad sa mundo ng mga tao.Lahat nawala sa kanya(pamilya at tahanan)para sa kanya isa syang napakamalas na witch. Hindi nya alam kung saan sya patutungo,isa lang ang nasa isip nya at yun ay ang ipaghihiganti ang panig n...