WITCH12: Propesiya

7 2 0
                                    

Zia's POV

♬Shout out to my ex, you're really quite the man
You made my heart break and that made me
who I am♬

Kasalukuyan kaming nagbabyahe ngayon papunta sa Mall para daw mag grocery.

Nandito ako sa likuran ng sasakyan habang si Angelo ang nagmamaneho at si Rose ay katabi nya habang kumakanta.

♬Here's to my ex, hey, look at me now, well, I
I'm all the way up, I swear you'll never bring me
down♬

Nagtalo pa silang dalawa kanina kung sino ang mag go-grocery pero napagdesisyonan din nilang sila nalang dalawa ang bibili at sinama na din nila ako para daw di ako bigla-biglang mawala.

Hindi naman ako lalayo sa unit nila ah.

♬Shout out to my ex, you're really quite the man
You made my heart break and that made me
who I am♬

Inis namang pinatay ni Angelo ang radyo.

"Wag ka nga'ng maingay Rose"sabi ni Angelo kay Rose.

"Psh KJ talaga nito"sabi ni Rose at umirap.

"Ang sakit sakit sa tenga,akala mo naman sobrang ganda ng boses mo"inis na sabi ni Angelo kay Rose habang nakafocus lang ang tingin sa dinadaanan namin.

"Ang sabihin mo lang naiinggit ka sa akin ang ganda kase ng boses ko eh,diba Zia?"tanong ni Rose at humarap sa akin.

"Ahm..Oo"sagot ko at tumango.

"See sumang-ayon nga si Zia sa akin "sabi ni Rose at bumalik na sa dati nyang pwesto.

"Tsk"

"Yan lang ang sagot mo? TSKKK?"tanong ni Rose kay Angelo.

Di naman pinansin ni Angelo si Rose.

"Ang cold mo talaga"sabi ni Rose at di nalang din pinansin si Angelo."Oh andito na pala tayo"

Napatingin naman ako sa labas ng sasakyan.

Woww ang laki at ang ganda naman dito.

Pinagbuksan naman ako ni Rose at lumabas na .

"Thanks"sabi ko sa kanya.

Ngumiti lang sya sa akin.

Ang cute nya talaga.

"Let's go"sabi ni Angelo at umuna nang lumakad papunta sa loob.

Naglakad na kaming tatlo papasok sa loob,as usual nandito na naman ako sa likuran nila.

Pagpasok namin sa mall nakaramdam ako ng ginaw.

Kay sarap sa pakiramdam,sobrang init kase sa labas.

"Wow ang daming tao"bulong ko at tiningnan ang paligid ng mall.

"Ahemm ahemm miss marami pang nakasunod sayo pwede bang magmadali ka,wag kang matulala dyan"sabi ng guard sa akin.

"Ay sorry"sabi ko at tumakbo na papunta kina Angelo.

"Woahh" 

Bulong ko at nagpalingon-lingon sa paligid.

Ang ganda naman dito.

"Zia halika na baka sumabog si ano nga yun? Angelo? oo baka sumabog si Angelo"sabi ni Rose sa akin sabay hila.

Palingon lingon pa rin ako sa paligid habang hila-hila ako ni Rose.

"Rose"tawag ni Angelo kay Rose.

Falling To An Incredible WitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon