Nasaan ako?Bakit sobrang Dilim?"May tao ba dito?"tanong ko kahit di ako sigurado kung may tao ba talaga sa ganitong lugar.
Sobrang dilim.
Sobrang tahimik.
Sobrang misteryoso.
Wala akong makita ni hindi ko nga alam kong saan ako nakaupo pero nararamdaman kong sobrang lambot ng inuupuan ko ngayon.
Nagulat nalang ako ng may isang ilaw na nagbukas hanggang sa dumami ito at nagkaroon na ng liwanag ang dilim.
Nilibot ko ang paningin ko at nakita ko na nasa isang napakagandang silid pala ako.Parang silid ng isang prinsesa o mga dugong bughaw.
"Ang ganda"ang tanging kataga na inulit-ulit kong binubulong habang tinitingnan ang mga kagamitan dito.
Tumayo naman lahat ng balahibo ko ng biglang humangin ng malakas.
Napalingon ako sa isang pintoan na gawa sa salamin at ang mga kurtinang nakasabit nito ay tinangay-tangay ng malakas na hangin.Tinitigan ko naman ito ng miigi.
Kinabahan kasi ako bigla.Hindi ko alam kung ano ba ang misteryosong pakiramdam na nararamdaman ko ngayon.
Napatalon naman ako sa gulat ng may biglang nabasag na bagay.
Liningon ko naman ang direksyon na yun at isa pala itong Vase na may isang pirasong papel.
Teka...isang papel?
Kahawig kasi ng papel na yun ang papel na nakuha ko sa bahay namin ni Nay Anding.
Bigla naman akong nalungkot nang naalala ko si Nay Anding.
Dahan dahan kong linapitan ang nabasag na vase at dahan dahang pinulot ang papel.
Binuklat ko ito at sinimulang basahin.
"NATUTUWA AKONG MAPASAKAMAY KITA.ISA KANG SALOT,ISA KANG NILALANG NA MAMAMATAY TAO.NGAYON,TIKMAN MO ANG MASARAP KONG PAGHIHIGANTE.MGA WALA KAYONG KWENTA!ANG DAPAT SA INYO AY MAMATAY!"
Bigla nalang akong pinagpawisan ng malamig dahil sa mga nabasa ko.
A-anong i-big sabihin nito?
Umatras ako ng umatras.Napasigaw naman ako sa gulat ng may nabasag na namang bagay.Liningon ko agad ito at isa na namang Vase na may kasamang Ballpen at pinakadulo ng ballpen ay nakaturo sa Glass door.
Ano ba talaga ang nandun at bakit hindi ko mapigilang mapatitig sa lugar na yun.
Tumingin ulit ako sa papel.
"Sino ka ba?"bulong ko.
Napatingin na naman ako sa direksyon na yun ng may humalakhak ng tawa.
"Natatakot ka ba?"bigla nyang tanong.
"S-sino ka?"tanong ko
Nanginig ang mga tuhod ko ng bigla nalang napatay lahat ng ilaw.
Naramdaman ko namang lumapit sa akin ang lalaking nasa likod ng kurtina.
"SINO KA BA TALAGA?ANO ANG KAILANGAN MO SA AKIN"sigaw ko.
Palingon-lingon ako sa paligid para hanapin sya at saktong paglingon ko sa likuran ko ay naramdaman ko agad ang presensya nya.
Tinitigan ko sya ng mabuti para makilala pero di ko maaninag ang mukha nya dahil nandun sya sa gilid na sobrang dilim.
BINABASA MO ANG
Falling To An Incredible Witch
FantasyZia-isang dalagang witch na napadpad sa mundo ng mga tao.Lahat nawala sa kanya(pamilya at tahanan)para sa kanya isa syang napakamalas na witch. Hindi nya alam kung saan sya patutungo,isa lang ang nasa isip nya at yun ay ang ipaghihiganti ang panig n...