Zia's POV
Nakaupo ako ngayon sa isang duyan habang tinitingnan ang mga masasayang batang naglalaro sa isang Slide.
Inaalala ko ang lahat ng nangyari sa akin sa nakaraang araw ko.
Bigla namang na picture out sa aking isipan ang nangyari sa amin nung may mga taong humahabol sa amin.
Buti nalang at nailigtas ako.Akala ko kasi may masama nang nangyari sa akin nung araw na yun.
Sa totoo lang gusto ko nang mamatay pero parang may bumubulong sa akin parati na dapat ay maging malakas ako dahil isang pagsubok lang ang mga nangyayari sa akin,pati na din yung sinabi ng isang white witch sa akin nung araw na...na..nawala si Inay.
"Wag kang mag-isip na wala ka nang pag-asa dahil sa totoo lang sobrang laki pa nang pag-asa mo.Lumaban ka lang kahit ano man ang mangyari at kahit ilan pa ang kalaban mo Zangga."bulong nya sa akin
(Zangga-prinsesa)
"Balang araw malalaman mo rin ang lahat"sabi nya at tinutok nya ang Wand nya sa akin"Vishna"
Bakit nya akong tinawag na Prinsesa?at ano kaya ang ibig nyang sabihin na malalaman ko rin ang lahat balang araw.Aysst naguguluhan na ako.
Nagulat naman ako ng may nagsalita sa katabi kong duyan.
"Hi po"
Tiningnan ko naman sya.
"Uhm Hi"sabi ko sa kanya at binaling agad ang mga tingin ko sa mga batang naglalaro sa isang Slide.
"May kasama ka ba ngayon?"tanong nya sa akin.
"No"tipid kong sabi sa kanya.
Ang dami kong iniisip ngayon.
Bakit ba ang malas malas ko?
"Hindi ka malas ate nasasabi mo lang yan dahil sa mga masamang nangyari sa'yo"sabi nya sa akin habang nakatingin din sa tinitingnan ko kanina.
Kunot noo ko naman syang nilingon.
"Teka.Mind reader ka ba?"tanong ko.
Tumingin naman sya sa akin at nginitian ako"Hmm maybe".
Maybe?
So may posibilidad na makakabasa nga sya ng isipan?
"Alam mo ate magkamukha kayo ng mama ko"Sabi nya at bigla nalang nalungkot.
Para namang gumaan ang pakiramdam ko nang sinabi nya yun sa akin.
"Talaga?nasaan sya ngayon?"tanong ko
"Secret "sabi nya at napalitan ng ngiti ang kalungkutan nya"di ko pwedeng sabihin"
"Bakit naman?"tanong ko.
"Basta"sabi nya at dinuyan ang swing nya.
"Sige nirerespeto ko ang disesyon mo"sabi ko at dinuyan na din ang swing ko.
Hindi ko muna iisipin ang mga problema ko ngayon,kahit ngayon lang.
"Ano pala ang pangalan mo?,ilang taon ka na?,saan ka nakatira?,Bakit ka lumabas ng ganitong oras?gabi na kaya."tanong ko
Di ko talaga alam.Parang sobrang gaan kase ng pakiramdam ko sa batang ito.
Huminto naman sya sa pagduduyan at tumingin sa akin.
"Easy,easy.Dahan-dahan lang sa pagtatanong"sabi nya "ahmm mapagkatiwalaan ka ba?"tanong nya.
tumango-tango lang ako bilang sagot.
BINABASA MO ANG
Falling To An Incredible Witch
FantasyZia-isang dalagang witch na napadpad sa mundo ng mga tao.Lahat nawala sa kanya(pamilya at tahanan)para sa kanya isa syang napakamalas na witch. Hindi nya alam kung saan sya patutungo,isa lang ang nasa isip nya at yun ay ang ipaghihiganti ang panig n...