A very short Update.
>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>
"Third Persons POV"Nakarating ng ligtas si Blade patungong ilog.
Pagkadating na pagkadating nya dun ay dali dali syang nagtago aa isang puno.
Lahat ng nangyari sa kinasusuklaman nyang mga Witch ay napanood nya pati na rin nung pinatay ng isang witch si Nay Anding.
Napakuyom sya sa kanyang kamao ng dinamay nila ang isang inosenteng tao.
Pero maya-maya pa ay napangisi sya habang pinagmamasdan ang dalawang babaeng Witch na nag aaway.
"Marami na pala kayo dito sa mundo namin"bulong nya.
Pagkatapos ng labanan ng dalawang witch ay nanalo ang witch na nakasoot ng puting bestida.
nagulat sya ng tumingin ang babaeng nakaputi at nginitian sya.
Akala nya papatayin sya pero hindi..
Nang nakita nya na wala na ang mga kasapi ng salot na witch na si Zia ay dali dali nyang pinuntahan si Nay Anding.
Isa lang ang nasa isipan nya ngayon ang mamatay ang mga salot,basta mabuhay lang ang isang inosenteng nadamay na si Nay Anding.
Blade's POV
"Inay ?Nay Anding lumaban po kayo at dadalhin kita sa malapit na Hospital"sabi ko kay Inay.
Akmang bubuhatin ko na sana si Inay ng bigla nyang hinawakan ang kamay ko.
"W-wag na iho m-mamatay lang din naman ako.Nanghihina na ako"mahinang sabi ni Inay.
"Nay wag po kayong magsalita ng ganyan ,maliligtas ka po"sabi ko kay Inay.
Ngumiti lang si Inay sa akin
"Wag na apo S-salamat p-ala sa pag-aalala"sabi nya sa akin at ngumiti"Iho pwede bang humiling?"mahinang tanong ni Inay.
Tango lang ang tanging sagot ko kay Inay.
"Pwede ba a-alagaan mo ang apo kong si Zia,humihiling ako na....na iligtas mo sya"nanghihinang sabi ni Inay sa akin.
Kahit isang araw ko lang syang nakilala napalapit agad ang loob ko sa kanya.
Hindi ko alam kong bakit napatango ako sa sinabi nya.
"Pangako?"mahinang tanong ni Inay.
Nag-isip pa ako ng ilang segundo bago sya sinagot.
"P-pangako "nauutal kong sabi.
Pagkatapos nun bigla nalang tumulo ang luhang galing sa isa kong mata.
Naalala ko lang ang pangyayari sa amin noon,Pinatay ng mga Witch ang mga magulang ko sa harapan ko pa mismo.
"Pasensya na po Nay pero mukhang di ko matutupad ang pangako ko sayo.Patawad"sabi ko sa hindi na gumagalaw na katawan ni Inay.
Tumingin naman ako sa walang malay na Salot.
Tumayo ako at pumunta sa pwesto ni Zia.
"Zia,Zia!"sambit ko sa pangalan nya.
Zia POV
"Zia,Zia!"tawag sa akin ng isang lalaki.
Unti unti kong minulat ang mga mata ko at may naaninag akong imahe ng lalaki na nakatingin sa akin.
"A-angelo?"mahina kong tanong.
Unti unting luminaw ang paningin ko at nakita ko si Angelo.
"Oo ako nga ito"sabi nya.
Ngumiti ako sa kanya at mayamaya pay biglang nasagi sa isipan ko si Nay Anding.
"Angelo si Inay?"natataranta kong tanong.
Yumuko lang sya at hindi sumagot.
Umupo ako ng maayos at dun ko napagtantuhan na nasa ilog parin kami.
Humagulhol ako sa iyak "Hindi!Nasaan si Inay Angelo?"nanghihina kong tanong.
"Wala...wala na sya Zia"mahina nyang sagot.
"HINDI.!!Nasaan siya?"tanong ko habang may mga luhang tumutulo sa mga mata ko.
Lumingon lang sya sa gilid ko at nakita ko si Inay na nakahandusay at duguan.
"Nayy,ba't nyo po ako iniwan ang daya daya nyo.Kayo nalang po ang natira sa akin"Sabi ko habang niyayakap si Inay.
"Mahal na mahal ko po kayo nay.Ipaghihiganti ko kayong lahat"galit kong sabi habang iniisip ang mga Dark Witch.
"Tama na yan Zia"mahinang sambit ni Angelo at niyakap nya ako"Lahat naman ng tao ay mapupunta sa ganyang sitwasyon"bulong nya sa akin.
Umiyak lang ako ng umiyak sa dibdiban nya.
"Ang malas malas ko talaga.Ng dahil sa kamalasan ko nadamay pa ang isang inosenteng tao"
Maraming salamat sa lahat Inay
Paalam...
>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>
BINABASA MO ANG
Falling To An Incredible Witch
FantasyZia-isang dalagang witch na napadpad sa mundo ng mga tao.Lahat nawala sa kanya(pamilya at tahanan)para sa kanya isa syang napakamalas na witch. Hindi nya alam kung saan sya patutungo,isa lang ang nasa isip nya at yun ay ang ipaghihiganti ang panig n...