WITCH2: Angelo

12 4 0
                                    

Zia POV

Binuksan ko ang pinto at nagulat ako kasi may dugoang tao.

Isang tao?

Tumingala sya sa akin "Please.Tulungan mo ako"pagmamakaawa nya sa akin.

Lumunok muna ako ng laway bago ko sya inalalayang pumasok sa loob.

Nakakaawa kasi.

Naalala ko ang sarili ko sa kanya nung sugatan ako at humihingi ng tulong ,buti nalang at nandon si Inay Anding nung araw na yun.

"Salamat pala"sabi nya habang ginagamot ko sya.

"Wala yun basta kung may taong nangangailangan nandito lang ako para handang tumulong"sabi ko sa kanya.Dahil tao ang tumulong sa akin nung nangangailangan ako,handa din akong tumulong ng taong nangangailan.

Tumingala ako saglit at tiningnan ang Oras.

3:49 na pala ng umaga.

Napayuko ako at napabuntong hininga.

"Isa na namang kapalpakan" bulong ko.Pangalawa natong nangyari,pangalawang kapalpakan ko na ito sa paggawa ng Potions."

"May sinabi ka ba?"tanong nya

"Wala naman.Teka ano ba ang pangalan mo?"tanong ko.

"Ahm,Angelo.Angelo Ashford"Sagot nya at ngumiti.

Pinag-isipan pa ang pangalan?Nakapagtataka.

"Ikaw ano ang pangalan mo?"tanong nya.

"Ako nga pala si Zia Laine S.."hindi ko natapos ang pagpapakilala ko dahil biglang bumukas ang pinto sa kwarto ni Inay.

"Oh Zia anak sino ba yang kausap mo dyan?"tanong ni Inay sa loob ng kwarto nya at bigla nalang lumabas na dala dala ang tungkod nya,nagulat naman si inay ng makita nya na may ginagamot akong sugatan na tao.

"Diyos ko!anong nangyari sayo iho?"tanong ni inay.

"Magandang umaga po.Pasensya na po at nakakaestorbo ako sa inyo.May kumuha po kasi sa akin at tinangkaan nila akong patayin,buti nalang at nakatakas ako at napadpad dito sa may mabuting puso na mag ina. Salamat po pala sa inyo"sagot nya.

Hindi lang pala mga Dark Witch ang masasama meron din palang tao? Lahat naman siguro meron.

"Ah wala yun iho kay Zia ka magpasalamat.Buti nalang at gising pa si Zia sa oras na yun habang gumagawa sya ng ri.."lumaki ang mga mata ko sa sasabihin sana ni inay buti nalang at parang na realize nya ang sinabi nya"buti nalang at gumagawa sya ng gamot nung oras na yun para sa ubo ko"palusot ni inay"Ah teka lang mga anak ah,may gagawin muna ako saglit"sabi ni Inay sabay punta sa kusina.

Sinundan ko ng tingin si Inay hanggang makapasok na sya sa loob ng kusina.

"Ahmm ano nga ulit yung pangalan mo?"tanong ni Angelo.

"Ako nga pala si Zia Laine Schultz"pagpapakilala ko sabay ngiti.

Tiningnan ko sya at nagtaka ako dahil bigla nalang may galit ang aura nya pero pinalitan nya agad ito ng ngiti.

"Nice Name "pagpuri nya.

"Salamat"sabi ko sa kanya.

"Oh mga anak uminom na muna kayo ng kape,anong oras na ba?"sabi ni Inay sabay tingin sa oras"Oh pasado 4:00 na pala ng umaga,sige na uminom muna kayo para mainitan din yang tiyan nyo"Inabot ni Inay sa akin ang dalawang basong Kape at binigay ko ang isa kay Angelo.

"Salamat po"sabi ni Angelo kay Inay.

"Wala yun iho wag kang palaging magpapasalamat sa akin dahil isang pasasalamat lang sapat na"Ngumiti naman si Angelo dahil sa sinabi ni Inay.

Falling To An Incredible WitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon