WITCH11: Blade Who?

8 2 0
                                    

Angelo/Blade's POV

Tick...Tock....Tick...Tock..

Tahimik naming pinagmasdan ni Rose ang natutulog na witch sa sofa ko, tanging orasan lamang ang ingay na naririnig namin ngayon.

Pagkatapos ng mga pangyayari kanina kinuha muna namin ang sasakyan ko bago umuwi sa unit at dahil siguro sa kapagoran nakatulog ang walang kwentang Witch na to,naglaan pa ako ng oras sa paghahanap sa kanya pati na din ang pagbuhat sa kanya papunta sa Condo ko.Tsk

"I can't believe it.Akala ko ba pangit lahat ng mga Witch?"biglang sambit ni Rose sa akin."Naalala ko ang mga witch na nahuli nilang Tito,diba sobrang pangit nila?"

Tiningnan ko naman sya habang nakanunot ang noo.

Naramdaman naman nya ang presence ko kaya lumingon din sya sa akin at nag what look.

"What do you mean by that?"tanong ko sa kanya.

Napairap naman sya sa akin at tumingin sa mahimbing na natutulog na Witch.

"Really?di mo gets?Look at her"sabi nya sa akin at tinuro nya ang Witch.

Tumingin din ako sa direksyon kung saan natutulog ang walang kwentang nilalang.

Kinilatis ko naman ang mukha nya.

Maputi,Matangos ang ilong,maganda ang pagka form ng pilik mata,maganda ang katawan.

Pwede nang sabihing maganda.

"Oh ano? Tama ako diba?"proud nyang tanong sa akin.

"Tsk"

Yes may ganda sya sa panlabas pero sigurado akong pangit ang kalooban nya.

Tiningnan ko lang sya ng masama at tumayo para pumunta sa kusina.

Nakaramdam kasi ako ng gutom.

Binuksan ko ang ref para kumuha sana ng pagkain pero wala itong laman.

"Kailangan mo nang mag grocery"sabi ni Rose sa akin habang naka sandal sa mesa.

Tiningnan ko lang sya at kinuha ang cellphone ko para magpa deliver.

Pagkatapos kong magpadeliver hinarap ko si Rose na nakaupo na ngayon sa mesa.

"Ang sabi ko kailangan mo nang mag grocery,di magpa deliver"sabi nya sa akin.

Tiningnan ko lang sya ng masama.

"Alam ko,teka wag ka nga'ng umupo dyan may upuan oh"inis kong sabi sa kanya.

Tsk Childish talaga ng babaeng ito.

Sumalodo naman sya sa akin at umupo sa upuan.

"So...Sama ako ah"nakangiting sabi ni Rose sa akin.

Kumunot naman ang noo ko.

"Where?"

"Syempre sa Main Hideout,ihahatid na natin yang si Miss gandang witch kay Tito"sabi nya sa akin.

"No di muna natin sya ihahatid dun."seryoso kong sabi sa kanya.

"Bakit naman?"taka nyang tanong.

"I have a plan at gagamitin natin sya sa planong yun"

"So what's the plan?"tanong nya.

Sinabi ko naman sa kanya lahat ng plinano ko nung nakaraang araw.

Silang dalawa lang ni Leo ang mapagkatiwalaan ko.

"Hahaha nagpapatawa ka ba?"tanong nya."Kung ganun epektebo sya"sabi nya at tumawa.

"I'm being serious here"nakapoker face kong sabi sa kanya.

Falling To An Incredible WitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon