WITCH7: Mourning

8 4 0
                                    

Zia's POV

Dalawang araw na ang nakalipas mula nung namatay si Nay Anding.Hinding-hindi ko talaga kakalimutan lahat ng ala-ala ko kasama sya.

Nagpapasalamat talaga ako ng sobra kay Inay,hindi nya ako iniwan,sya ang naging sandigan ko dito sa mundo nila.

Merong mga tao na kakilala ni Nay Anding na galit na galit sa akin,sinisisi nila ako sa pagkamatay ni Inay.Napaghinalaan din nila akong isang Engkanto pero mali sila kailangan kong maging mas maingat sa pagtatago ng sekreto ko.Meron din namang ilan na naaawa sa kalagayan ko ngayon.

Ngayong araw na ang libing ni Nay Anding.Dalawampu't ka tao lang ang nandito ngayon.Ang ibang tao ay iba kong makatingin sa akin.

Pagkatapos ng libing ni Inay umalis na agad ang mga tao pero nag pa iwan ako pati na rin si Angelo.

"Wala na akong silbi.Ang sama ko ang sama sama"bulong ko habang nakatitig sa lugar kong saan linagay si Inay.

"No,dont think like that.Alam mo Nay Anding is a good woman and she love's you a lot. I'm sure isa ka ding mabuting tao tulad nya "

Oo pwede akong maging isang mabait katulad ni Inay pero kahit kailan hinding-hindi ako magiging tao dahil isa akong kakaibang nilalang.

"Siguradong malulungkot sya kapag ganyan ka.Masaya na si Nay Anding ngayon sa lugar na kinaroroonan nya dont worry i'm here para tulungan ka nandito ako bilang kaibigan mo"sabi nya sa akin"But hindi ko talaga alam kong matutupad ko ba talaga ang pangako ko kay Inay"bulong nya pero di ko na narinig yun dahil sa ingay ng isang grupo ng ibon na lumilipad sa himpapawid.

Liningon ko muna si Angelo bago nagsalita"Maraming salamat sa iyo Angelo.Pero ano ba yung sinasabi mong lugar kong nasaan si Inay?bakit may chance pa bang buhay pa sya?"taka kong tanong.

Minsan talaga hindi ko din maiintindihan ang mga tao.Meron silang sinasabing di ko naiintidihan kung ano ang kahulugan nito.

Nakita ko ang pagpikit nya saglit.

Yung pagpikit na parang kinakalma ang sarili dahil sa inis.Naiinis ba sya sa akin?wala naman akong ginawa ah.

"Basta Nandun na sya sa Langit.Halika na uuwi na tayo"sabi nya sa akin at hinila nya ako.

I nodded at nagpahila na sa kanya.

..........

"Saan ba tayo pupunta Angelo?"taka kong tanong ng pinakuha nya lahat ng damit at gamit ko.

"Ahmm we have to leave here,gusto kong isama ka sa Manila.Diba sabi ko sayo I will help you"sabi nya sa akin.

"Hindi dito lang ako."sabi ko sa kanya.

"Zia Wag matigas ang ulo,kita mo naman ang ibang tao dito.Galit sila sayo dahil sa pag-aakala na ikaw ang pumatay kay nay Anding"sabi nya

"HINDI KO PINATAY SI INAY! HINDI KO GINAWA YUN"sigaw ko.

"Oo hindi mo nga ginawa pero yun ang iniisip ng mga tao dito"sabi nya.

Napagisip-isip ako na totoo ba talagang mapagkatiwalaan tong si Angelo?Sa nakikita ko kasi ngayon.Hindi lahat ng tao ay mababait.Oo mukha ngang mabait ang taong ito pero hindi ko alam kong ano talaga ang iniisip nya.

Teka lang sa sitwasyon nya.

Hindi naman papatay ang mga witch sa mga tao dahil isang malaking pagbabawal ang pagpatay ng mga tao,pero baka noon yun yung nagkakainitan pa ng ulo ang mga tao at witch.

Ayy naguguluhan na ako..Tumingin naman ako kay Angelo at tumango-tango lang at pumunta na sa silid ko.

Pagkakatiwalaan na muna kita ngayon Angelo dahil wala na akong mapupuntahan,wala akong kilala dito sa mundo ng mga tao.Mukhang wala naman syang masamang binabalak pero ang ikinagambala ko lang talaga ay paano kong malaman nya na isa ako sa nilalang na kinasusuklaman nya?.

Falling To An Incredible WitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon