"Zia!Ok ka lang ba?".
Lumingon ako sa likod ko at nakita ko si Angelo habang hawak hawak ang kamay niyang may benda.
Pinahid ko ang mga luha ko saka ngumiti,"Ok lang ako"sabi ko.Umupo naman sya sa tabi ko.
"Umiiyak ka. Diba? Alam kong may dinaramdam ka.Wag kang mahiyang mag sabi sa akin dahil baka matulungan kita."sabi nya.
Lumingon ako sa kanya at napabuntong hininga.
"Naalala ko lang ang totoo kong nanay"sabi ko.
Kumunot naman ang noo nya."So it means di mo totoong nanay si Nay Anding?"tanong nya.
Tumango lang ako sa kanya.
"Ahh,bakit?ano ba ang nangyari sa totoo mong nanay?"tanong nya.
"Pinatay kasi siya sa mga walang modong nilalang"sabi ko sabay punas sa mga luhang muling tumulo galing sa mga mata ko.
"Wag kang umiyak, magpakatatag ka para hindi ka maging kaawa-awa.Pareho lang tayo ng sitwasyon pero naging matatag ako at natoto akong lumaban."sabi nya sa akin.
"Bakit ano ba ang nangyari sa magulang mo?"tanong ko.
Bigla nalang bumilis ang pagtibok ng puso ko nang lumingon sya sa akin at nagtama ang mga mata namin.
Nakakatakot ang tingin nya,makikita mo talaga na may masakit na nangyari sa kanya at ramdam na ramdam mo talaga na may malaking galit sya sa isang bagay.
"Pinatay din sila sa mga walang kwentang nilalang,"sabi nya habang dinidiin ang mga salitang binibitawan nya.
"S-sino naman sila?"hindi ko alam kong bakit nalang biglang lumabas ang mga katagang yun sa bibig ko.
Tumingala muna sya sa langit bago sinagot ang tanong ko.
Bigla nalang akong namutla at kinabahan sa sinagot nya.
"Witch,witch ang mga nilalang na pumatay sa aking mga magulang. Handa akong pumatay ng ganoong klaseng nilalang basta ay makapaghigante ako"galit na sabi ni Angelo.
Lumingon ako sa harap ko at doon ko itinuon ang mga mata ko ng ilang minuto.
Tumahimik na kaming dalawa pagkatapos ng usapan namin.
Tumayo ako dahil hindi ko gusto ang katahimikang bumabalot sa amin.
"A-angelo pasok muna tayo ang init na kasi dito"sabi ko sa kanya.
Kumunot naman ang kilay nya"May sakit ka ba Zia?"tanong nya.
"H-ha?bakit?wala naman akong dinaramdam na sakit ah"utal na sabi ko.
"Ah akala ko meron,namumutla ka kase"sabi nya sabay tayo na din.
Pagkatapos ng pag-uusap namin ay pumasok na kami sa loob
"Oh mga anak?ba't ang seryoso ng mga mukha niyo? Ano ba ang nangyari sa inyo?"tanong ni nay Anding sa amin.
"Wala po nay nag-usap lang kami tungkol sa kung ano-ano"sabi ni Angelo kay nay Anding.
Naramdaman kong lumingon si nanay sa akin habang ako ay nakayuko.
"Kumain muna tayo ng almusal mga anak, handa na ang pagkain natin"sabi ni nanay sa amin.
Tumango lang kami at pumunta na sa kusina.
Kasalukuyan kaming kumakain ng tahimik ngayon.
"Mga anak anong problema at ang tahimik nyo yata"takang tanong ni nanay sa amin.
Sabay kaming lumingon ni Angelo kay inay.
"Wala naman po nay"sabay naming sambit.
Nagkatinginan naman kaming dalawa at ako na ang unang nag iwas ng tingin.
BINABASA MO ANG
Falling To An Incredible Witch
FantasíaZia-isang dalagang witch na napadpad sa mundo ng mga tao.Lahat nawala sa kanya(pamilya at tahanan)para sa kanya isa syang napakamalas na witch. Hindi nya alam kung saan sya patutungo,isa lang ang nasa isip nya at yun ay ang ipaghihiganti ang panig n...