1

4.2K 143 49
                                    

"Ang sabi nila may isang killer daw ang gumagala noon dito sa lugar natin," pigil hiningang kwento ng isang binata sa kan'yang mga kaklase habang nababalot ang mga ito sa takot.

"Nagagalit daw siya kasi tinago daw sa kan'ya 'yong lalaking mahal niya."

Nakikinig lamang ang lahat habang nakaupo sa sahig ng classroom nila na binalutan ng itim na kurtina habang nakatirik at nakapalibot ang napakaraming mga kandila.

"Dati raw siyang kilala bilang ang babae na pinakamalakas sa ilegal na mundo. Nawala raw 'yong lalaki na dapat ay magiging asawa niya, kaya naman hinahanap niya kung sino ang nagtago o kumuha sa kan'ya. Hanggang sa mabaliw na ito."

Kumuha pa ang binatang nagkukwento ng kandila at itinapat ito sa harapan niya.

"Sinasabi na 'yong lalaki raw, high school student at iniisa-isa no'ng babaeng nabaliw ang lahat ng estudyante. Isa-isa na rin silang nawawala, at kung makikita man sila, wala na silang buhay at may marka sa kanilang katawan na ekis."

"Pero dahil sa paghahanap ng kasagutan, napag alaman na 'yong lalaki na hinahanap niya ay nandoon lang sa kuwarto ng babae, duguan at wala ng buhay dahil sa ekis na sugat, halos pumutol na ito sa katawan niya, ang lalaking hinahanap niya pala... pinatay niya."

"Waah!"

Habang nangingilabot ang mga lalaking estudyante ay nangibabaw naman ang sigaw ng isang babae na nagtatago sa ilalim ng lamesa.

"Ano ba?! Bakit nandito ka na naman?"
"Kainis naman! Hilig sumulpot!"
"Ang ganda na ng kwentuhan eh!"

"Grabe natatakot ako!" Lumabas si Angela sa ilalim ng isang lamesa na pawis na pawis at namumutla. Nakalugay pa ang kan'yang buhok at nakatakip ito sa kan'yang mukha.

"Waah!"

Hindi nakatulong ang madilim na kuwarto at nakapalibot na kandila sa itsura niya. Siya ang kinatakutan ng mga estudyante!

"Ano ba? Nakakainsulto na kayo ah."

Binuksan niya ang ilaw kaya naman napahinga nang maluwag ang mga estudyante niya.

"Tara na, tara na! ayusin na natin 'yong room patapos na ang homeroom period."

"Mag isa mo."
"Tngina nito pakialamera."
"Igapos niyo nalang yan dun sa puno."
"Sakalin kita eh."

Angela giggled at how her students reacted.

"Awe, how sweet," she responded. Halos malaglag ang bawat isa sa mga upuan nila. Paano nakakatagal ang teacher nila at nagagawa pa nitong ngumiti?

"Sige na sige na, ayusin niyo na 'yang mga 'yan. Itabi niyo 'yong kandila sayang."

Naiinis man, sinunod nila ang utos ng guro at malamyang nagayos. Napangiti naman siya dahil dito.

"Oo nga pala, sino 'yong nag kukwento kanina? Ikaw ba 'yon Goku?"
Umiling naman ang lalaki na tinanong niya sa 'code name' na pauso nila. Hindi kasi sasagot ang mga estudyante niya kung hindi sila tatawagin nang ganito.

"Oo ako 'yon, pero hindi ako si Goku, si Gohan ako. Hanggang ngayon ba hindi mo pa rin kami natatandaan?"

"Ay sorry! Oo nga pala, teka konting memorya nalang. Bakit ba kasi ayaw niyo na sa list ko nalang sundan." Umupo si Angela at binuksan ang kan'yang folder.

"Gohan, kanino mo 'yon natutunan?"

"Kinwento lang sa akin ng pinsan ko."

"Sinong pinsan mo?"

"Pakialam mo?"

"Taray! Ahitin ko kilay mo eh, nang hindi ka na maging super saiyan." sagot ni Angela. Binatuhan niya lang ng masamang tingin si Angela.

Gangster Teacher II: The New EmpireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon