10

2.1K 84 16
                                    

"Lion, tumakas ka na." Hinang hina na boses ni Angela ang narinig nilang lahat. Halos takpan na nga ni Sheak ang bibig ni Angela dahil sa mga sinasabi nito.

"Hoy Lopez, baliw ka na ba? Papatakasin mo yang gagong yan?!"

"Jeremy, tama na. Umalis na tayo!"

"Bossing?! Bakit mo pinipigilan si Twinnie?" Lion is the last man standing. Hindi siya makagalaw dahil sa nakakatensyong lagay niya sa harapan ni Jeremy. Alam niya na sa lagay ni Jeremy at sa tindi nitong lumaban kanina ay walang wala siya kumpara dito.

"Hindi ko inakala na ganito ang kalalabasan nito. Hindi ko alam na ganito ang mga hakbang na gagawin mo." Inakala niya na sa pag kuha niya kay Angela ay matatakot niya si Jeremy at magagawa niya itong matalo. Pero iyon na siguro ang pinaka malaki niyang pagkakamali.

"Babe please, gusto ko nang matulog." Mahirap man para kay Jeremy na pabayaan nalang si Lion ay wala na siyang mgawa lalo na at nanlambing na si Angela at yumakap na sa kanya.

"Tumatakas na siya!" Gusto din na sundan ng mga Saiyan si Lion ngunit sapat na ang pag iling ni Jeremy para pigilan sila.

"Lets go, Sheak ikaw na ang bahala sa mga bata. Mauuna na kami ni Ela. "  
                                                                                                                                                                        
"Babe, tara na uuwi na tayo." Duguan man ang kamay ni Jeremy, niyakap niya si Angela na nakaupo at nanghihina sa sahig. Nakapalibot parin ang tatlo niyang estudyante na halos mabato na sa lahat ng nakita nila. Maging si Sheak na lumapit sa kanila ay hindi na nila matignan ng kagaya ng dati.

"Oh ano mga beshie? Hindi na ba gumagana yung mga eyeballs and mouth ninyo? Hindi namin kayo papatayin no?! Wag niyo akong matignan tignan ng ganyan." Kung dati ay babatukan lang nila si Sheak kapag nangungulit siya ng ganito, hindi na nila magawa ngayon. Lalo na at puno ng dugo ng mga taong napatay niya ang kanyang mga kamay at tumulo pa papunta sa katanang hawak niya.

"Alam ko na naguguluhan kayo, pero please mamaya na kayo mag tanong. Kailangan na nating iuwi si Ela." Natauhan naman sila at hinarap si Angela na binubuhat na ni Jeremy. Dinala na din nila ang mga katana ni Jeremy na basta nalang niya binitawan sa pag aalala kay Angela.

"Sheak! Open the door!" Sinunod naman siya ni Sheak. Ang sasakyan ni Angela ang sinakyan at minaneho ni Jeremy. Samantalang ang kotse naman ni Jeremy ang ginamit nila Trunks at Goku kasama si Sheak at sumunod sa kanila si Gohan.

"Salamat." Iyon lang ang mga salitang nabanggit ni Sheak. Kinakabahan na din kasi siya sa lagay ni Angela at sa kung papaano niya ipapaliwanag ang mga nakita nila kanina..

"So killer kayo?" Trunks asked all of a sudden,Sheak smiled.

"Hindi kami basta pumapatay, ginagawa namin yun para mailigtas ang mga taong nakapalibot sa amin." Natahimik silang saglit pero hindi na nila maikaila ang emosyon nilang sobrang namamangha sila sa napanood nila.

"Ilan na napatay mo?"
"Kailan ka pa nagsimula?"
"Pwede ba sumama?"
"Sige na isali mo kami!"
"Ang swerte mo siguro no? Sidekick ka ni Jeremy!"

"Tumahimik kayo! Papasabugin ko lungs niyo sige!" Tumahimik naman din sila.
"And, hindi ako Sidekick! Walanghiya kayo. Hinding hindi ko kayo mapapatawad." Sa puno ng galit at sakit na paraan ng pagkakasabi ni Sheak ay nagsimula na ang tawanan ng mga magkakaibigan.

————————————
Nag park sila sa loob ng isang napaka laking lupain na may napaka tataas na gate gawa sa simento  na hindi mo makikita ang nasa loob o labas nito. Mapapanganga ka nalang sa ganda ng mala palasyong mansyon at napaka gandang hardin na narito.

Gangster Teacher II: The New EmpireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon