32

539 24 22
                                    

"Alam ko na hindi mo aaminin, pero kilalang kilala ko yung mga mata mo." Nakangiti si Cleo kahit na patuloy lang sa pagtulo ang mga luha niya. Ramdam na ramdam niya ang pagsisising kinamuhian niya ang babaeng ito. 

"Gelgel, balita ko naging teacher ka daw. Kumusta? Anong feeling? I missed out huh?" She desperately begged her to talk by longingly looking into her eyes. Tahimik ang buong paligid sa mga kaganapan. 

Autumn stopped herself from crying. Noong bata pa sila, walang ibang alam na gawin si Angela kung hindi protektahan ang sarili niya at ang mga taong malalapit sa kanya. Pero pangarap? Wala siyang maisip. Until the day that they found 'Cleo'. Noong napatunayan na si Cleo ang bangkay ng batang babae noon, ipinag patuloy niya ang pangarap ni Cleo.

All that Cleo wanted was to teach and share her knowledge. Tuwang tuwa ito sa pangangarap na magiging Teacher siya balang araw. But when she's gone, Autumn did her best to live a double life. She studied education and loved every part of it. It became her passion. Dahil sa gusto niyang isipin na pinapanood parin siya ng kaibigan niya mula sa kabilang buhay. At kahit sa kanya man lang, maranasan nito ang pinangarap niyang buhay.

Lumayo muna ang mga kaibigan ni Autumn para mabigyan sila ng space habang tahimik lang na nakaupo sa tabi niya si Jeremy. Alam ni Jeremy kung gaano kahirap para kay Autumn na mag pigil. 

She has a soft heart. Kahit na anong pilit niya na patayin ang mahinang puso ni 'Angela', hindi niya maiiwasan na maramdaman ang tuwa at kirot sa pagbabalik ni Cleo.

"Cleo, I think you need to go. Baka matunugan ka pa ni Black kapag nag tagal ka." Jeremy finally broke the silence. Pinunasan ni Cleo ang mga luha niya habang tumatango.

"Yes, tama ka. Kailangan ko na bumalik kay Black. I will contact you if I have any news." She glanced at Autumn and gave her a weak smile.

"I am very happy to see you. Thank you for keeping my spirit alive." She whispered and walked away. 

As soon as Cleo was out, Autumn couldn't stop herself from sobbing. She curled up to hide her face onto Jeremy's chest.

Jeremy didn't even bother asking. Hinayaan niya nalang ang asawa na ilabas ang lahat ng sama ng loob.

"I became a teacher because of her. I thought that she could watch me from heaven." Parang kinukurot ang puso ni Jeremy sa bawat hikbi ng asawa niya.

Sheak, Nicole and Shaira silently watched from a distance. 

"Hindi ko ma imagine kung gaano kahirap para kay Autumn to." Nicole sighed. Napailing-iling naman si Shaira na umiinom ng latte. 

"Gustong maging masaya ni Bossing kasi buhay pa si Cleo, pero doble noon ang takot niya na baka si Cleo ang kailangan niyang kalabanin bago matahimik ang lahat." Kung may magagawa lang sana ang binata para pagaanin ang loob ng tinuring na din niyang Ate. Dahan-dahan siyang tumayo at nag paalam sa dalawang babae sa tabi niya.

"Bibilhan ko muna si Bossing ng favorite ramen niya. Siguradong magugutom yan pag uwi. Lalo na halos mapuno na niya yung buong shirt ni Je ng luha niya." Pabirong nag flying kiss pa si Sheak habang palabas siya sa kabilang pinto na dinaanan nila kanina. 

Ramdam niya ang bigat ng pag aalala ng lahat sa laban na haharapin nila. Sa tinagal-tagal na magkakasama nila Sheak, Nicole, Shaira, Jeremy at Autumn, ngayon lang siya kinabahan ng ganito. Ngayon lang siya natakot na hindi nila alam ang mga maaaring mangyari. Deep inside, natatakot din siya na baka mali ang naging desisyon niya na lapitan si Cleo o Althea.

Malalim ang iniisip ni Sheak ng mapansin niya ang pamilyar na sasakyan na nakasunod sa kanya. Sinubukan niyang lumiko sa isang kanto na hindi niya naman dapat pupuntahan pero sumunod parin ito. Pasimple siyang napangiwi habang kinakapa at sinisigurado na nasa bewang niya pa ang baril niya. Akmang kokonekta na siya sa earpiece ni Jeremy ng maalala niya na pinapakalma pa nito si Autumn, kaya si Nicole ang tinawagan niya.

Gangster Teacher II: The New EmpireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon