9

2.3K 91 12
                                    

"Sige na please?"

"Je, please din kailangan ko pumasok." Pilit na ng pumiglas si Angela habang yakap ni Jeremy ang bewang niya sa isang kamay at hawak naman ang katana at baril niya sa kabila.

"Bitaw na, kailangan niyo na din mauna ni Sheak! Hindi natin alam kung ano na ang lagay nila doon. Unahin mo na muna yung Empire." Kahit na alam ni Jeremy na tama naman siya, hindi parin niya mahayaan si Angela.

Napaka taas kasi ng lagnat nito at talagang masama ang pakiramdam niya. Pruweba na din na hindi niya makayanan na itaboy si Jeremy kahit na isang kamay lang ang gamit nito.

"Babe, hindi mo kaya. Kahit naman ikaw na yung pinaka malakas na amazona sa mundo nagkakasakit ka parin!" Angela looked at Jeremy straight in the eyes.

"Jeremy,let me go to school. Kailangan ko talaga mag turo, ill feel better that way."

"Promise kaya mo?" She smiled and he couldn't resist the urge to smile as well.

"Osige, mag iingat ka ha?"

"Matagal pa ba, mga malalandi kayo?! Tutubuan na ako ng ugat dito hindi pa kayo tapos mag landian!" Sheak as usual scolded them. Paano ba naman, kanina niya pa hawak lahat ng armas na dadalhin nila sa tapat ng sasakyan ni Jeremy at hindi niya pa ito inuunlock. Ngawit na ngawit na yata siya.
————————————————
"Oh, hindi ka yata hinatid nu boyfriend mong mayaman?" Patapik tapik pa sa pintuan mg katabing sasakyan ni Angela si Gohan habang si Goku at Trunks naman ay naka crossed arms pa.

"Busy siya, may kailangan pa kasing gawin. Tara na baka malate tayo." Unang beses na halos malate na si Angela dahil sa mabagal siyang magpatakbo. Nahihilo na kasi siya at pinilit niya lang ipakita kay Jeremy na kaya niya pare tumuloy ang binata sa Empire na kasalukuyang nilulusob.

"Akin na nga yan!" Kusang hinablot ni Goku ang laptop niya at ang dalawa ay dinala naman ang mga libro niya.

Kahit hindi nila sabihin, ramda ni Angela ang pag aalala nila sa kanya. Hindi na din nila maitatago na talagang may pag aalala na sila at respeto sa kanya.

"ARAY!" Nagtawanan silang tatlo bago pa man nila tulian si Angela na nauntog at napaupo sa poste.

"Tara na, lampa lampa! Tayo na ja—Ha! May lagnat ka!Sobrang init ng katawan mo!" Bago pa makaangal si Angela ay kinuha na ni Trunks lahat ng gamit niya at sina Goku at Gohan naman ay bigla nalang siyang binuhat.

"BITIWAN NIYO NA AKO!"
"HINDI! CLINIC! CLINIC!"

"UMAYOS KAYO! NAKAPALDA AKO! KUN BUHATIN NIYO AKO PARANG IAAALAY NIYO AKO!"
————————
"ANO?! ANONG SABI?!"Sumisigaw si Jeremy para marinig siya ni Sheak sa gitna ng kaguluhan. Nasa labas palang sila ng kampo ni Jeremy ay punong puno na ng mga sumusugod sa kanila.

" Dinala daw nila sa Clinic!— AAAAHH! Winasiwas ni Sheak ang katana niya sa harapan ng armadong lalaki na sumugod sa kanya. Mabilis siyang tinawagan nila Gohan dahil sa pag aakala na kasama niya ang iba niyang mga kaklase sa classroom.
Mabilis na binaril ni Jeremy ang lalaking malapit na siyang mabaril.

"Sheak! Bilisan na natin dito! Kailangan na natin siyang puntaha—AAAHH!GAGO KA!" Sinaksak niya ang lalaking sumakal sa kanya.

Sa tinagal na din ng inilagi ni Sheak sa underworld, hindi maitatago ang husay niya sa pakikipaglaban. Maging si Jeremy na hindi naman lumaki sa mundog ito ay malaki na ang ipinag bago. Ang bawat kilos ng kamay niya ay siguradong nakamamatay sa mga nag tatangka sa kanila.

"Je formation na bessy!" Tumango si Jeremy at mabilis silang tumakbo palapit sa isa't isa. Nag talikuran sila at gamit ang mga baril nila'y inubos na ang mga lalaking pumalibot sa kanila.
————
"Okay na nga sabi, tara na may pasok pa ako." Itinali nila sa kama sa clinic si Angela gamit ang mga panyo nila. Natatawa pa sila dahil sa nanghihinay pumipiglas si Angela.

Gangster Teacher II: The New EmpireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon