2

3.3K 102 19
                                    

Napapaligiran ng mga itim na sasakyan ang buong building na inuwian ng binatang matagal nawala sa Pilipinas.

"Anong meroon dito?"
Maging ang kan'yang mga kasamahan ay hindi siya masagot sa kan'yang katanungan. Walang nakakaalam.

He stepped out of the car and smelled blood in an instant.

"Get your weapons ready."

 Over time, he managed to have the coldest voice that he could possibly achieve.

All of a sudden they heard a woman's voice laughing.

"So, malayo-layo na rin pala ang narating mo, King Jeremy?"

He faced a woman wearing a black mask. You wouldn't have a hint of her identity if it wasn't for her healed Queen's Mark.

"Rosebud? Buhay ka?"

"Oh yes, my dear! Gulat na gulat ka yata? Ngayon ka palang ba nakakita ng taong nabuhay mula sa Queen's mark?"

"Paano siyang nabuhay? Kung mayroon siyang marka ng lakas at galit ni Ela?" isip ni Jeremy.

"Anong binabalak mo?"

Patuloy siyang lumapit sa binata, puno ng dugo ang puti niyang damit. At ngayon  lang napansin ni Jeremy ang mga katawan na nakahandusay sa sahig dahil sa ...Queen's mark.

"Oo, wala si Autumn at oo, gawa ko 'yan."

"Sa tingin mo ba sa ginagawa mo na 'yan ay makakaganti ka kay Autumn? Na maaabot mo 'yong taas na naabot niya? No, never." Mahigpit na hinawakan ni Rosebud ang dalawang matatalas na katana niyang may bahid ng dugo at patuloy na naglakad palapit kay Jeremy.

"Sa tingin mo ba talaga Jeremy ginawa ko ito para maging kasing taas ni Autumn? Nagkakamali ka, pinapalabas ko lang ang nagtatagong Reyna para harapin na niya ako!" Sa isang iglap lang ay bumagsak ang isang bantay ni Jeremy at ang babaeng may kagagawan nito ay nakangiting nakatutok naman ang katana sa leeg ng isa pa.

"Bitawan mo siya." 

Galit ang tanging makikita sa mukha ni Jeremy habang nakatutok ang baril sa ulo ni Rosebud.

"Ganoon nalang ba ako katanga para sumugod mag-isa?" Lumabas ang isang kasama ni Rosebud na naka mask habang nakayakap at nakatutok ang baril sa ulo ng taong kilalang - kilala niya.

"Xander! Anong ginagawa mo rito?"

"Bro, hindi ganito ang surprise na iniisip ko!" the poor guy shouted from the send floor of the building.

"Isang maling galaw mo lang Jeremy, alam mo ang mangyayari."

-

"Papasok pa ba ako?"

 Naubos na ni Sheak ang ika-lima niyang lollipop sa paghihintay na pumasok si Angela sa Restaurant ni Xander. Ngayon na kasi ang reunion ng Section 3D, ang unang klase na tinuruan niya.

"Bossing Beshicakes, kapag ikaw hindi pa pumasok ngayon magkaka-diabetes na ako, kaya please,pumasok ka na!" Huminga nang malalim si Angela bago niya hawakan ang doorknob. Nakahinga naman nang maluwag si Sheak at nag handa na sa pagpasok nila. Lampas 30 minutes na siyang naghihintay na mawala ang kaba ni Angela.

"Buti naman! Gutom na gutom na ako! Gusto ko na rin makita si Beshicakes Jeremy ko miss ko na 'yong mokong na 'yon!"

"Teka, " Angela stopped. "Mga five minutes pa pala, wait lang."

"Beshicakes! Pasensyahan na pero sa ngalan nang kumukulong sikmura!"

Sunod-sunod ang pagmumura ni Angela dahil sa biglaang paghatak sa kan'ya ni Sheak papasok. Pero sa loob, kahit na nabigla ang lahat sa pagdating niya, hindi nila kayang maging masaya.

Gangster Teacher II: The New EmpireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon