26

1.3K 52 18
                                    

"Here she is Mr. Black." Mr. Black laughed as soon as he saw Autumn trip on her own, mabilis pa itong napaupo dahil natapilok siya sa nakaangat na tiles sa pintuan. 

"Hindi na talaga matatalo ang bata ko!" Kasama pa nilang tumawa si Armanda habang tinitignan si Autumn. 

She let them lalo na at pinaplano niya talagang ipaisip na mahina siya.

"Nakakahiya! Hindi ka man lang nagpakitang gilas sa harap ng VIP." Armanda laughed. Itinayo niya si Autumn at pabagsak na binitawan kaya't muntik nanaman siyang mapaupo.

"Hindi niyo na ba talaga bibigyan ng magandang laban si Armanda? This girl would be beaten up. Baka wala pa ngang isang minuto ay namatay na yan!" Black started to laugh devilishly once again.

"Pangalawang Autumn na mamatay. I kinda like it." Black immediately turned his head to the most known Amazona.

"Autumn you say? Autumn ang gagamitin mong pangalan?" His eyes instantly turned angry with a hint of disgust.

"Are you a fan of that foolish Gangster Queen?! I would ask Armanda to spare your life pero dahil sa pangalan mo, nagdalawang isip na ako."

"M-my real name is Autumn." She changed her voice para hindi mag duda si Black.

"Well let me tell you, ang mga Autumn, madaling mamatay." Pinipilit nalang ni Autumn na wag magpakita ng emosyon kahit na inis na inis na siya lalo na sa tuwing minamaliit siya ni Black.

"Kung ako sayo, magsimula ka na mag training, para kahit papaano may hininga ka pa sa pagtapos ng laban." Binangga pa siya ni Armanda sa paglabas nila ni Mr. Black.

All she could feel is anger, kung gugustuhin niya lang, madali niyang mapapatay ngayon si Black ngunit masisira ang plano nila.

"Hoy Autumn. Ano pang tinatayo mo dyan? Natatakot ka na ba?" A middle aged lady appeared kaya naman natauhan si Autumn.

"P-po?"
"Start training. Halika na, tuturuan kita na kahit papaano ay pahabain ang buhay mo." Naririnig nila Sheak at Jeremy ang lahat dahil sa earpiece ni Autumn at napapangisi sila sa bawat pangmamaliit na nakukuha ni Autumn.

"Bakit ka pa sumali? Ilang araw nalang ang pagitan. Hindi ka na ba nag iisip?" Autumn didn't answer the Lady.

"Ako si Athena, matagal na akong bilanggo sa letcheng Amazon na to." Mabilis na napalingon sa kanya si Autumn.

"Bilanggo?" Lumapit sa kanya si Athena para bumulong.

"Hindi ka na makakalabas sa buhay na ito. Hanggat humihinga ka, sakanila ang buhay mo. Kahit na uugod-ugod ka na, kailangan mo paring lumaban para sa buhay mo."

"Pero bakit hindi nalang po kayo umalis? Magpakalayo-layo. Para hindi na kayo gamitin dito?!"

"Sinubukan ko na, hindi nila ako hinabol, pero kinuha nila ang anak ko. Pumasok ako para mabigyan ng magandang buhay ang anak ko dahil dati akong boxer. Pero nung umabot na ako ng thirty wala na tumanggap sa akin. Ito nalang ang napasukan ko. Pero noong makaipon na ako ng sapat para sa buhay na pinapangarap namin, hindi ko na natakasan ang buhay octagon." She looks tough, pero nagtutubig na ang mga mata niya.

"Hinayaan lang nila ako ng bigla akong nawala dito. Ang akala ko ayos na, naiintindihan nila. Pero isang araw hindi na umuwi ang anak ko mula sa paaralan. Buong gabi hinahanap ko siya pero hindi parin siya nakikita. Hanggang sa ipinatawag ako dahil hawak nila ang anak ko. Mabubuhay lang ang anak ko kung babalik ako." Autumn cried with her.

"Matatapos din ang paghihirap mo, gagawan natin ng paraan. Makakaalis ka dito, makakasama mo ulit yung anak mo."

"Kapag umalis ako, hindi ko na talaga makakasama si Adrian."

Gangster Teacher II: The New EmpireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon