8

2.4K 84 11
                                    

"TALAGA?!" Kung makapag react at chismisan sa loob ng cr ang tatlong Saiyan, iisipin mo na daig pa talaga nila ang mga babae.

"Oo! At ang narinig ko pa pinipilit nila na ipakilala sa kanila yung lalaki kasi nga araw-araw na nilang napapansin na hatid-sundo siya!" Pabulong pa na nagkukwento si Trunks habang taimtim na nakikinig ang dalawa at tumatango tango pa.

They're talking about the mystery boyfriend of Angela, narinig kasi ni Trunks ng mapadaan siya sa ofdice ang tungkol dito.

"Tapos yung sasakyan pa daw mga tol, Tesla! Akalain mo yun? May ganun na pala sa Pilipinas? Yung nag dadrive mag-isa yun diba?"

"AAACCKKK--AH?" Nagkunwari na nabubulunan si Gohan at Goku.

"Kung totoo man na yun na nga ang boyfriend ni Lopez, hindi ba kayo naiintriga? Bakit ang yaman? Ano yun killer? Assassin? Okaya naman DOM." Napatingin silang tatlo kay Goku.

"Ano yung DOM?"

"DIRTY OLD MAN."

"ANO?! HINDI PWEDE! KAILANGAN MAKITA TALAGA NATIN YAN! HINDI MATATAHIMIK YUNG KATAWANG LUPA KO!" Sumangayon naman sila Goku at Trunks kay Gohan.

"Mga gago kayo! Isinusumpa ko yung mga esophagus ninyo gago! Ang iingay ninyo!" Nagulat silang lahat sa boses na bigla nalang lumabas mula sa isang cubicle. Sino ba naman ang hindi? Halos twenty minutes na silang nag kulong dito at ang alam nila, walang tao.

"Hoy Taragis bakit nandito ka? Tuwing tapos na English natin nawawala ka na a?"

"Travis gago" Tama sila, klase lang ni Angela ang pinapasukan niya. Malamang dahil kailangan lang niya bantayan si Angela pero tapos na talaga siya sa Highschool.

"Anong ginagawa mo? Bakit ka nandito?"

"Wag kayong maingay may natutulog sabi! Sumabog sana tonsils mo." Pinilit ni Gohan na akyatin ang pintuan ng cubicle at dito bunulaga ang kalagayan ni Sheak.

Naka upo siya sa bowl at ang ulo niya ay nakapatong sa bag niya na ginawa niyang unan. May baon pa siyang sarili niyang kumot na sakto lang upang hindi malamigan ang mga kamay niya.

"Adik ka talaga! Hindi ka ba nandidiri dito?"

"Gohan, parang awa mo na. Ako yung duty kagabi please kailangan ko matulog."

"Huh? Duty saan?"

"Police pangkalawakan ako. Tumahimik ka barilin kita jan eh." Imbis na makinig sa sinasabi ng lutang na naka pikit na si Sheak ay pinilit abutin ni Gohan ang lock upang mabuksan ang cubicle.

"Hoy gising! Mag didismissal na may lakad pa tayo!"

"At kailan pa ako sumama sa trip ninyo? Patulugin niyo ako parang awa niyo naaaaa" Hinila ni Goku ang bag ni Sheak dahilan upang mauntog ito pero nanatili parin siyang nakapikit at nagpipilit makatulog. Si Gohan naman ay winiwisikan na siya ng tubig pero hindi niya pinapansin. At si Trunks naman pilit na hinihila siya patayo.

"Anong importanteng bagay ba ang gagawin at ginugulo niyo yung buhay ko ha?" His eyes were half open habang basang basa ang mukha niya sa tubig. He looks dead pero wala siyang magawa sa kakulitan ng mga batang ito.

"Susundan natin si Lopez! Hatid sundo daw siya ng Boyfriend niya at dismissal na!" Nakatulala parin si Sheak kay Gohan.

"Oh ano naman?"

"Ibig sabihin makikita na natin ngayon yung lalaki!" May kung anong pumasok sa isip ni Sheak kaya bigla siyang napatayo. Naalala niya na hindi nila maaring makita si Jeremy. Kahit may pagka abnormal man itong lalaki na ito, hindi naman siya ganon kabaliw para makalimutan ang dapat niyang gawin.

Gangster Teacher II: The New EmpireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon