"Kumusta naman ang nagmamaganda kung pinsan?" kahit di niya lingunin alam na niya kung sino iyon.
"What are you doing here?" inirapan agad niya ito.
"Sus nailove ka lang kay Eldea di mo na ako nilalambing" kunway tampo nito at umupo sa sofa ipinatong pa nito ang paa sa lamesa.
Masama niya itong tinitigan.
"Ako pa ba Adi? Wag ako.. ang malas mo naman ata nalugmok ang pihikan mong damdamin sa taong walang direksyon ang puso." umiiling iling pa ito umaaktong malaki talaga ang problema.
"Utang na loob Finn. Nasusuka ako sa pagiging makata mo parang awa mo sa taenga ko" inis niyang binatukan ito at umupo sa tabi nito.
Inakbayan naman siya nito, yung tipong akbay na nakakasakal.
"Kawawa naman ang baby Adi namin" at ginulo ang kanyang buhok.
Siniko naman niya ito.
"Ano ba?!!!"
"Ang brutal mo na talaga yan ba ang natutunan mo sa pag da-date sa Eldea na yun? Masyado atang advance ang gonggong yun natuto ka na ng self-defense" nakapout pa nitong sabi.
"Pwede ka ng umalis naalibadbaran na ako sa pagmumukha mo" pagtataboy niya rito.
"Adrienne, please kung pwede mong iwasan si Eldea gawin mo muna he is not in good state ngayon. Masaktan ka at magiging rebound lang." seryosong paalala ni Finn.
"Gaano ba niya kamahal si Gianne?" nang ma realize niya ang tinanong gusto niyang bawiin ito.
Mataman din siyang tinitigan ng pinsan, at marahang umiiling.
"wala na uwian na nanalo na si Edea" bahagya niyang kinurot ang tagiliran nito.
"Ouch! my virgin waist!" nakapout pa bahagya ito na hinimas ang may bandang waistline.
Tumindig siya para iwan ang baklang pinsan konting konti na lang mapapatunyan na talaga niyang lalaki din ang gusto.
Naglakad siya patungo sa may veranda.
"Common Adrienne ipapakilala kita sa mga barkada kung mas gwapo at macho kay Eldea" sulsul pa nito sa kanya.
Inirapan na naman niya ito.
"Ikaw ba Finn mahilig talaga sa macho at gwapo? Pinsan nagkahalataan na tayo dito"
"Wag ang aking pagka ganda gandang lalaki ang problemahin mo Adi yang puso mo na nakapikit lumanding" she rolled her eyes naiinis na siya peru mas maigi di na niya patulan ito peru nagpatuloy pa rin ito. Hinawakan nito ang balikat niya at pinaharap siya sa direksyon nito.
"Look Adi, for all those years ay di kami nabahala sayo because you are strong and opinionated woman, you also build a thick wall between you and the guys that will woe you but this time you let your guard down. It's actually fine Adi because we are all hoping you could try to loose your tie from your standards, we believe that you need also to enjoy the experience of love. That someone will color your world with the different emotions braught by that feeling, we're hoping for someone that will also love you and take good care of you aside from us, but Adi you fall in love with a broken man and I know you are already hurting knowing that Quell was still madly inlove with Gianne and I'm sorry for that princess"
gusto man niyang pumalakpak sa taas ng speech nito peru di niya namalayan na kanina pa pala bumugso ang luha niya nararamdaman na lamang niya na hinapit siya nito at mahigpit na yumakap.
"I'm so sorry..." sabi nito na marahang hinaplos ang kanyang likod.
Bawat sinabi nito ay nagpapatunay lamang na iniingatan siya ng pamilya niya na di siya masaktan at dahil dun mas lalo niyang minahal ang pamilyang meron siya.
"Wag mo nang iyakan ang kagwapuhan ko Adi tanggap ko na iyon matagal na" napakalas siya ng yakap rito. At pabirong itinulak ang dibdib. Pinunasan niya ang luha sa kanyang pisngi
"Sino ka? Di kita kilala!"
Umirap naman ito sa kanya. Nagmukha na talaga itong kasali sa federasyon.
"Palibhasa walang binatbat sila sa kagwapuhan ko. How to be me po?."
God! ito na naman siya ang kanyang di mamatay matay na sariling pagsisikap.
"Salamat Finn" she smile heartily.
"I'm so lucky to have you guys peru malaki na ako. May sariling desisiyon I might be amateur sa larangan ng pagmamahal or I don't know meron bang pang pro level ang mga ganyan but I am human Finn, love and pain is a great part of human nature. I want to explore " paliwanag niya dito.
"Just choose the right person to explore with Adi to make the whole thing worthwhile "
Hanggang napagpasyahan niyang umuwi ng Mindanao muna namimis din kasi niya ang dalawang best friend at masaya siya ng tawagan si Izang ay uuwi din ito.
Kaya lang isang broken hearted na Chid ang naabutan nila. Niloloko ito ni Cyril ang fianće nito. Nag liwaliw nagkainuman binuhos din niya sa alak ang pagkalitong nararamdaman
"Minahal ko ---gag--ong---yun--" humikbing palahaw ni Chid.
Umiiyak na lamang sila ni Izang dahil nararamdaman din nila ang sobrang lungkot at sakit na nararamdaman ng kaibigan.
"Sumpain ang mga lalaki!!!!" palahaw din ni Izang halata na ding tinamaan ito ng alak.
"Broken hearted ka rin bhe?" kunot noong tanong niya rito.
"Hindi bhe nag ready lamang ako kung saka sakali matulad ako kay chid hehehe"
Napatawa siya baliw talaga ang kaibigan niyang ito walang araw ata itong walang ginawang kabaliwan.
At ilang sandali pa lahat sila ay parang mga baliw na nilalang na pag makita sa kanilang mga magulang malamang sila ang isumpa.
Sa kanilang bahay sila tumuloy pinatulog niya ang dalawa sa guestroom samantalang kulang na lamang gumapang siya sa kalasingan
Kinabukasan halos mahati ang ulo niya sa sakit. Damn!
Napatitig na lamang siya sa kisame.
Mag isang linggo na niyang di nakita si Quell wala din siyang nabalitaan dito at habang tumatagal ay mas lalo niyang napatunayan na sobra na niyang miss si Quell.
May ibang pakiramdam na hatid sa kanya si Quell pagkasama niya ito kahit puro lang panlaladi ang alam nito at bumibigay rin siya sa kalandian nito.
She misses seeing him.
She misses the feeling being with him.
Napabuntonghinga siya the feeling is somewhat confusing.
Landiin ko nalang kaya din hanggang mahalin ako.
Napangiti siya at napailing sa iniisip. Hibang ka na Adrienne.
BINABASA MO ANG
"Sa Kanya Parin"
Romance"TSF-BOOK 1 - QUELL" "If love is a gamble I am too stupid to lay my card and let you play with me" *Scene and language are not suitable for young readers* *Ang kwentong ito ay kathang isip lamang ano mang pagkakahawig nito sa ibang kwento at tunay n...