Kwarto Ni Satoshi
Inayos na ni Satoshi ang kama niya para duon matutulog si Ji Woo. Pagkatapos niya ayusin ang kama inayos naman niya ang tutulugan niya sa lapag nag lagay siya ng maliit na kutson, unan at kumot.
Satoshi: Ji Woo ito na ang kamang tutulugan mo
Ji Woo: Salamat ( ngumiti ito at umupo sa kama ) Aamm.. Totoo bang papakasalan mo si Ryoko ?
Satoshi: Alam mo na pala ang tungkol dyan. Sinabi ba ng bandmates ko sayo ? ( Umupo sa tabi ni Ji Woo )
Ji Woo: Mismong si Ryoko ang nag sabi sa akin na ipapakasal ka sa kanya
Satoshi: Ganun ba. Mukhang nag kita na pala kayo pagkatapos ng nangyari sa Garden. Pero hindi ko naman siya gusto sa totoo lang ikaw ang gusto ko Ji Woo
Ji Woo: ( Natahimik ito sandali sa sinabi ni Satoshi ) Paano yung gusto ng Papa mo ? Hindi mo naman siya pwedeng wag sundin dahil Papa mo siya
Satoshi: Ewan ko ang alam ko lang ngayon ay ikaw ang gusto ko ayaw kong pakasalan si Ryoko. Gusto ko isama kita sa Japan kapag bumalik na kami pag katapos ng concert namin
Ji Woo: Paano si Ryoko ?
Satoshi: Bahala na lang siya sa buhay niya. Kapag nag pakasal ako sa kanya hindi ko rin naman siya mapapasaya dahil asawa nga niya ako pero hindi ko naman siya mahal. Ikaw ang mahal ko Ji Woo mahal mo din ba ako ?
Ji Woo: ( Napayuko si Ji Woo )
Satoshi: Ano Ji Woo mahal mo din ba ako ?
Ji Woo: ( Tumingin ito sa mga mata ni Satoshi ) Oo Satoshi mahal na mahal kita. Sa totoo lang nung makita kita sa Garden nung gabing yun ang sakit sakit. Hindi ko mapigilan na umiyak kasi sa sandaling nakasama kita minahal na kita ng higit pa sa idol. Kaya ng malaman ko na ikakaaal ka na kay Ryoko mas lalo lang akong nasaktan
Satoshi: Pero hindi mo naman kailangan masaktan dahil ikaw ang mahal ko hindi si Ryoko
Ji Woo: Masasaktan pa rin ako dahil kahit hindi mo siya mahal. Andyan pa din siya para paghiwalayin tayong dalawa
Satoshi: Hindi niya magagawa yun dahil kahit anong gawin niya hindi mababagong ikaw ang gusto ko
Ji Woo: ( Yumuko ito ) Sorry kung hindi kita kinausap agad pagkatapos ng gabing yun
Satoshi: ( Hinawakan ang dalawang pisngi ni Ji Woo at inangat nito ang mukha ni Ji Woo ) Ayos lang yun alam ko naman na nasaktan kita ng gabing yun
Nag katitigan si Ji Woo at Satoshi at unti unting nilapit ni Satoshi ang mukha niya sa mukha ni Ji Woo. Habang si Ji Woo naman tahimik lang na nakatitig kay Ji Woo para bang na freeze siya. Nang sobrang malapit na ang mukha nila sa isat isa at malapit na ding mag dikit ang labi nila.
Bigla namang pumasok sa kwarto si Kazunari at Jun.
Kazunari: Naku naman mukhang nakaistorbo tayo
Jun: Oo nga eh parang ayon na kaso hindi pa natuloy hehehehe
Napatingin naman si Ji Woo at Satoshi kay Kazunari at Jun. Umayos na din ang dalawa.
Satoshi: Hindi ba kayo marunong kumatok na dalawa ?
Ji Woo: ( Napangiti ito ) Ayos ang pasok ninyong dalawa ha
Kazunari: Pasensya naman hindi naman namin sinasadya ni Jun
Jun: Oo nga hindi naman namin alam na bad timing kaming dalawa ni Kazunari
Satoshi: Okay lang yun ano ba ang kailangan ninyong dalawa ?
Kazunari: Tatanongin kasi namin kung nakapag usap na kayo
Jun: Pero sa nakita namin mukhang super Okay na kayong dalawa
Kazunari: Mukhang hindi na namin kailangan pang mag tanong
Ji Woo: Yun lang pala ang pinunta ninyong dalawa dito
Satoshi: Haay naku kayong dalawa talaga ang chismoso ninyo grave
Jun: Makasabi ka ng chismoso bakit ito bang mga tao sa Likod namin ni Kazunari hindi ?
Sumilip naman mula sa Likod ni Kazunari at Jun sina Masaki, Sho at Yeong Seung.
Napailing na lang si Satoshi at Ji Woo ng makita ang mga kaibigan nila.
Satoshi: So hindi lang pala kayong dalawa ang makikichismis
Kazunari: Oo pano naman kasi kaninang umaga pa kami excited sa kakalabasan ng pag uusap ninyong dalawa
Sho: At mukhang maganda ang kinalabasan ng pag uusap ninyong dalawa. Pano naman kasi ang ganda ng nakita namin
Yeong Seung: Kaso nga lang hindi natuloy. Ji Woo kayo na ba ni Satoshi ?
Nag katinginan si Satoshi at Ji Woo dahil sa tanong ni Yeong Seung.
Ji Woo: Yeong Seung naman ano bang klaseng tanong yan ?
Satoshi: Oo nga kayo talaga bumalik na kayo sa kwarto ninyo at matulog na kayo. Para naman bukas magising kayo ng maaga lalo na kayong apat may lakad tayo bukas ng maaga
Ji Woo: Ikaw din Yeong Seung matulog ka na may pasok pa tayo sa Cappuccino bukas
Masaki: Galing ninyong umiwas sa tanong
Jun: Oo nga basta bukas Satoshi hindi kami titigil ng pag tatanong sayo
Kazunari: Sige na tara na nga sa kwarto natin. Para matuloy na nila ang 1st Kiss nila ( pag bibirong sabi nito )
Natawa naman ang lahat at umalis na din sina Masaki,Sho,Kazunari,Jun at Yeong Seung pumunta na sila sa kanikanilang kwarto at nagpahinga na solo na ulit ni Ji Woo at Satoshi ang kwarto.
Ji Woo: Pasaway talaga ang mga yun ^_^ ( masayang sabi nito )
Satoshi: Pero ano nga ba ang sagot sa tanong ni Yeong Seung ? Tayo na ba ?
Ji Woo: Oy ang bilis mo naman hindi ka pa nga nanliligaw sa akin tapos tayo na agad agad. Baka nakakalimutan mo nasira ang 1st dinner date natin. Alam mo buti pa matulog na tayo kasi may trabaho pa ako bukas.
Satoshi: Buti pa nga ( Tatayo na sana si Satoshi para pumunta sa tutulugan niya ng biglang hawakan ni Ji Woo ang wrist niya )
Ji Woo: Dito ka na lang sa tabi ko matulog. Wala ka namang gagawing masama sa akin kaya ayos lang sa akin na magtabi tayo ^_^
Satoshi: Sigurado ka ba na gusto mo akong katabi ?
Ji Woo: Oo naman bakit ayaw mo ba ?
Satoshi: ( ngumiti na lang ito )
Humiga na si Satoshi at Ji Woo sa kama at natulog na sila inakap ni Ji Woo si Satoshi hanggang sa makatulog siya. Nakatulog naman silang dalawa ng mahimbing at payapa.
BINABASA MO ANG
Time Of Destiny
FanfictionPaano kung ang matagal mo ng hinahanap na tao ay matagpuan mo ? Makakaya mo pa kaya syang iwan ulit ?