Makalipas ang dalawang linggo
Nakaupo si Ryoko sa kanyang sasakyan napag alaman niyang nasa studio ngayon si Satoshi. Gusto niya itong makausap kaya naman pinuntahan niya ito. Pero habang umaandar ang sasakyan nakatulala lang siya sa bintana. At naalala ang pag uusap nila ng kanyang tatay.
Flashback
Galit na dumating ng bahay si Ryoko at agad niyang pinuntahan ang tatay niya.
Ryoko: Papa akala ko ba ibibigay mo sa akin lahat ng gusto ko ? ( Galit ang tono ng boses nito ) Bakit ka pumayah na mapunta ulit kay Mr.Ohno ang Bakery at binenta mo pa yun sa babaeng kinaiinisan ko
Mr.Kobayashi: Ryoko may mga bagay na hindi mo pwedeng makuha lalo na ang pag ibig ng isang tao. Kaya kita tinulungan dahil alam kong gustong gusto mo si Satoshi. Pero hindi mo dapat pabagsakin ang Bakery nila.
Ryoko: Pero papa yun lang ang tanging paraan para lang makuha ko ang lalaking pinaka mamahal ko
Mr.Kobayashi: Pero mali ang paraan mo sa una pa lang hindi na dapat kita kinampihan kung alam ko lang na gagawin mo yun. Ryoko hindi kita pinalaking maging ganyan lahat ng gusto mo ibinigay ko para hindi mo masabing kahit busy ako sa trabaho mayroon pa din akong time para sayo. Ryoko kahit naman na ikasal kayo ni Satoshi hindi ka niya mamahalin ng tulad ng inaasahan mo
Ryoko: ( Tumulo ang luha nito )
Mr.Kobayashi: Mahihirapan lang kayong dalawa kung talagang mahal mo si Satoshi hahayaan mo siya kung saan siya magiging masaya. Hindi yung ikaw pa ang magbibigay sa kanya ng kalungkutan samantalang ikaw lang ang masaya.
Ryoko: Pero papa siya lang ang lalaking gusto kong makasama habang buhay ( Umiiyak ito )
Mr.Kobayashi: Alam mo may makikita ka pa dyang iba na kayang suklian ang lahat ng pag mamahal na kaya mong ibigay at hindi si Satoshi yun. Simula pa lang Highschool kayo kaibigan lang ang tingin niya sayo kaya ito na siguro ang tamang oras at panahon para tanggapin mo na hindi siya ang lalaling nakatadhana para sayo.
Ryoko: ( Iyak ito ng iyak )
Mr.Kobayashi: Tingin ko kailangan mo akong samahan sa New York para naman makapag isip isipa ka at makapag move on. Sabihin mo sa akin kung sasama ka sa akin O paiiwan ka dito
End Of Flashback
Biglang nawala pag katulala ni Ryoko ng sabihin ng driver niya na nanduon na siya. Kaya naman bumaba na siya sa kotse at pinuntahan na ang studio kung asan si Satoshi.
Studio
Nagulat naman ang Bandmates ni Satoshi ng makita si Ryoko.
Masaki: Ryoko ano nanaman ang ginagawa mo dito ?
Jun: Wag mo ng guluhin pa si Satoshi
Kazunari: Masaya na siya kay Ji Woo kaya pwede ba umalis ka na dito
Sho: O baka naman gusto mong mag patawag pa kami ng security guard para ipakaladkad ka palabas
Ryoko: Wag naman ninyong gawin yan gusto ko lang makausap si Satoshi. Gusto kong humingi ng tawad sa lahat ng nagawa ko bago manlang ako umalis
Jun: Ryoko baka naman isa nanaman ito sa plano mo para mapaghiwalay si Ji Woo at Satoshi
Masaki: Oo nga sa ginawa mo lang mahirap ng pagkatiwalaan ka
Ryoko: Alam ko naman na hindi na kayo magtitiwala sa akin pero totoo ang sinasabi ko
Bigla namang dumating si Satoshi at nagulat ng makita si Ryoko.
Satoshi: Ano ang ginagawa mo dito ?
Ryoko: Pwede ba kitang makausap kahit sandali lang
Satoshi: Sige kung ano man yan pagbibigayan kita ( Tumingin sa bandmates niya at sinenyasan na lumabas muna )
Sinunod naman ng apat si Satoshi lumabas muna sila sa studio.
Ryoko: Satoshi sorry sa lahat ng nagawa ko sayo at kay Ji Woo. Tama ang lahat ng sinabi sa akin ni Papa mas magandang ibigay ko sayo kung saan ka liligaya
Satoshi: Hindi ko alam kung kaya ko ng sabihing napatawad na kita. Sa ginawa mo lang sa Bakery alam mong yun ang pinaka mahalaga sa pamilya namin pero ikaw ang dahilan kung bakit montikang bumagsak iyon
Ryoko: Alam ko naman na hindi mo pa ako mapapatawad sa mga ginawa ko. Gusto ko lang sanang makita ka bago ako umalis dito sasama ako kay Papa sa New York. Pangako hindi ko na kayo guguluhin ni Ji Woo
Satoshi: Mag iingat ka sa pag punta mo sa New York at sana mahanap mo na din ang lalaking mag mamahal sayo ng totoo
Labas Ng Studio
Bigla namang dumating si Ji Woo at ng makita niya ang apat ay agad niya itong nilapitan.
Ji Woo: Guys asan si Satoshi ?
Kazunari: Nasa loob kausap si Ryoko
Ji Woo: ( Nagulat ito sa narinig niya ) Ano ?? Si Ryoko kausap niya bakit ?
Masaki: Basta pumunta dito si Ryoko at kakausapin daw niya si Satoshi at pumayag naman si Satoshi na mag usap sila
Ji Woo: Ano naman kaya ang pag uusapan nila ? ( nag lakad papunta sa pinto ng studio )
Sumunod naman ang bandmates ni Satoshi kay Ji Woo pumasok na sila sa studio.
Ji Woo: ( Lumapit kay Satoshi at Ryoko ) So anong meron dito ? ( Halata ang pag kainis sa tono ng boses nito )
Ryoko: Ji Woo kung ano man ang nasa isip mo nag kakamali ka
Satoshi: Nandito si Ryoko para humingi ng tawad at para mag paalam sa akin pupunta na siya ng New York
Ji Woo: Okay ( Halatang hindi naniniwala )
Ryoko: Maniwala ka man o hindi pero yun ang totoo
Satoshi: Ji Woo maniwala ka naman hindi naman siguro natin pag aawayan ang bagay na ito
Ji Woo: ( Hindi na ito kumibo pa inabot kay Satoshi ang box ng cupcake )
Satoshi: ( Kinuha ang box ng cupcake )
Mag sasalita pa lang sana si Satoshi pero nag lakad na agad si Ji Woo palabas ng studio.
Masaki: Naku mukhang may tampuhan ang dalawa
Jun: Mukha nga at dahil nanaman kay Ryoko yun
Kazunari: Tama ka dyan
Ryoko: Satoshi hindi ko naman hinahangad na mag away kayong dalawa dahil sa akin. Nasabi ko na ang lahat paano mauna na ako
Umalis na si Ryoko sa studio at dumaretso na ito sa Airport dahil iniintay na siya ng Papa niya duon.
--------------------------------------------------------
AN:
Matatapos na po ang story na ito salamat po sa lahat ng bumasa at sumuporta sa storya na ito 2 chapter na lang po at tapos na ito ^_^
BINABASA MO ANG
Time Of Destiny
Fiksi PenggemarPaano kung ang matagal mo ng hinahanap na tao ay matagpuan mo ? Makakaya mo pa kaya syang iwan ulit ?