Chapter 32

14 4 10
                                    

Dumating naman sa Park ang tatlo nakita naman agad nila si Jun at Masaki nagtaka naman si Satoshi kung bakit anduon si Hyun Joong nang matanawan ni Hyun Joong si Satoshi agad niyang nilapitan ito

Park

Hyun Joong: Satoshi puntahan mo duon ang bunso kong kapatid gusto ka niyang makausap

Lumapit naman si Jun at Masaki

Masaki: Gusto ka na niyang makilala

Kazunari: Mukhang yung iniintay mo kanina pa andito na ( masayang sabi nito )

Satoshi: ( Hindi niya mapaliwanag ang nararamdaman niya sobrang saya niya at may halong kaba din dahil sa makikilala na niya ang bunsong anak ni Mr.Kim )

Hyun Joong: Lapitan mo na siya tiyak ako na ito din ang pinaka iniintay niyang araw ang makilala ka

Satoshi: ( Tumango ito at nag lakad na papalapit sa babaeng nakaupo sa bench )

Naiwan naman sa hindi kalayuan sina Jun,Kazunari,Masaki,Sho at si Hyun Joong pinapanuod lang nila ang mangyayari.

Nang makalapit si Satoshi sa babaeng nakaupo hinawakan niya ang balikat ng babae. Nagulat naman si Satoshi ng makita niya ang mukha ng babae ng humarap sa kanya.

Satoshi: ( Gulat na Gulat ito ) Ji Woo ?

Ji Woo: ( Tumayo ito sa pag kakaupo sa Bench ) Satoshi ( masayang pag babangit ng pangalan ni Satoshi )

Satoshi: Anong ginagawa mo dito ? ( Gulong Gulong tanong nito ) Sabi ni Hyun Joong andito daw ang bunsong kapatid niya

Ji Woo: ( napangiti iyon ) Oo andito nga siya ang bunsong kapatid niya si Kim Ji Woo

Satoshi: ( nanlaki ang mata nito ) Kung ganun ikaw ang bunsong kapatid ni Hyun Joong ?

Ji Woo: Oo ako yun ang bunsong anak ni Mr.Kim at ang batang tinulungan mo na nagbigay sayo ng bracelet na suot mo ngayon ( masayang sabi nito kay Satoshi )

Satoshi: ( Hindi makapaniwala si Satoshi sa lahat ng sinabi ni Ji Woo )

Ji Woo: Gusto kong mag sorry sayo dahil nag sinungaling ako sa sulat. Kaya talaga ako umalis dahil sa gusto kong matulungan ang Papa mo para hindi ka na mapakasal pa kay Ryoko. Hindi ko naman talaga gustong iwan ka pero yun la-

Hindi na natapos ni Ji Woo ang sinasabi niya dahil hinalikan siya sa labi ni Satoshi. Hindi naman agad nakagalaw si Ji Woo dahil nagulat siya sa ginawa ni Satoshi

Satoshi: ( malapit pa rin ang mukha kay Ji Woo ) Hindi mo na kailangan pang ipaliwanag ang lahat alam kong kaya mo ginawa ito para matulungan ako at para hindi tayo mag kahiwalay. Ang pinaka mahalaga ngayon ay yung mag kasama na tayong dalawa

Ji Woo: ( Nakatitig sa mukha ni Satoshi at napangiti sa mga sinabi nito at nilapit ang labi niya sa labi ni Satoshi hanggang sa mahalikan niya ang labi nito )

Bigla namang pumunta sina Masaki,Jun,Kazunari,Sho at Hyun Joong

Hyun Joong: Eheeem

Umayos naman na si Ji Woo at Satoshi ng marinig ang boses ni Hyun Joong

Masaki: Ang sweet nyo naman na dalawa

Jun: Oo nga baka makalimutan ninyong nasa Park tayo

Ji Woo: Hindi naman namin nakakalimutan yun na miss lang naman namin ang isat isa

Satoshi: Oo nga alam nyo naman na super miss na miss ko itong si Ji Woo

Masaki: Alam naman namin yun

Ji Woo: Nga pala Masaki,Jun,Kazunari at Sho salamat sa tulong ninyong apat ( masayang sabi nito )

Satoshi: Teka anong tulong yun ?

Kazunari: Sorry Satoshi pero alam namin na andito si Ji Woo habang malungkot kang nag aantay kay Ji Woo

Jun: Nakakausap namin siya at alam namin ang lahat ng plano niya

Sho: Kami din ang tumulong sa kanya para magawa niya ang plano niya

Hyun Joong: Pasensya na Satoshi kung ikaw lang ang hindi nakakaalam ng lahat matagal na din alam ng bandmates mo na siya ang anak ni Mr.Kim

Satoshi: ( Nagulat ito sa lahat ng nalaman niya ) Ang daya naman ninyong apat bakit hindi ninyo sinabi sa akin ?

Jun: Dahil gusto namin na si Ji Woo mismo ang mag sabi sayo na siya ang batang yun

Kazunari: Mas magandang malaman mo sa ganitong paraan

Sho: Tama si Kazunari duon isa pa ayaw mo ba yung surprice ni Ji Woo

Kazunari: Sa pag kikita ninyo ngayon siya na talaga ang tunay na Ji Woo

Ji Woo: Tama ang Kim Ji Woo na may ari ng Hotel ang Kim Ji Woo na tinulungan mo at batang nag bigay sayo nyang bracelet na yan. Hindi yung Ji Woo na nakilala mong isang waiter at nag tatago sa papa niya

Satoshi: ( Hinawakan ang kamay ni Ji Woo ) Alam mo kahit naman na ikaw pa yung Ji Woo na nakilala ko sa South Korea ikaw pa din naman ang mahal ko. At kahit na hindi ikaw yung batang hinahanap ko ikaw pa din ang mamahalin ko dahil ikaw lang ang babaeng minahal ko ng ganito

Ji Woo: Talaga ang sweet mo naman ( ngumiti ito )

Hyun Joong: Ngayon Satoshi wag ka ng mag seselos sa akin ha

Satoshi: ( Natawa ito sa sinabi ni Hyun Joong ) Ngayon ko lang nalaman na hindi naman pala dapat kita pag selosan dahil kaya palagi kayong mag kasama ni Ji Woo dahil ikaw ang Kuya niya

Hyun Joong: Naiintindihan ko naman yun hindi mo naman kasi alam dati na mag kapatid kami

Ji Woo: ( Natawa ito ) Ngayon ko lang nalaman na nag seselos ka pala sa Oppa Hyun Joong ko Hehehe

Satoshi: Akala ko kasi may gusto siya sayo nuon kaya palagi kayong mag kasama pero mali pala ako

Jun: Ngayong magkasama na kayong dalawa siguro naman babalik na tayo sa Bakery

Kazunari: Oo nga tiyak nag iintay na duon ang mga Tatay ninyo

Sho: Kaya tara na kayo sa Bakery

Bumalik na sila sa Bakery at ng bumalik sila duon ay nag karuon ng kaunting salo salo masayang kumain ang lahat sa Bakery. Masaya din naman ang mag kaibigang Mr.Kim at Mr.Ohno sa relasyon ng kanilang anak

Time Of DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon