Hotel
Nag lalasing si Ryoko habang umiiyak ito.
Ryoko: ( nakahiga ang ulo sa may mesa habang umiiyak ) Ano ba ang dapat kong gawin para mahalin mo ako Satoshi. Bakit yung babaeng yun pa din ang sinasabi mong mahal mo hindi pwedeng hindi matuloy ang kasal nating dalawa. Planado ko ang lahat ng ito ginawa ko ang lahat lahat para lang makuha kita ( Umiiyak pa din ito habang kinakausap ang sarili niya )
Flashback
Naisip ni Ryoko na tawagan si Satoshi dahil alam niya na tapos na ang concert nila. Kaya naman kinuha niya ang cellphone niya at dinayal ang numero ni Satoshi.
Phone Conversation
Ryoko: ( narinig ang pag sasabi ng hello ni Satoshi ) Hello Darling Satoshi kamusta ang concert ninyo ?
Satoshi: Ryoko wala akong panahon makipag usap sayo ngayon may importante akong dapat gawin
Ryoko: Ano naman yun Darling Satoshi ?
Satoshi: Hindi mo naman na dapat pang malaman pa kung ano yun. Isa pa pwede bang wag mo na akong tawaging Darling. Dahil unang una hindi kita Girlfriend at pangalawa hindi darating ang panahon na magiging tayo
Ryoko: ( Nairita sa sinabi ni Satoshi ) Teka na baka nakakalimutan mo na pag balik mo sa Japan. Ikakasal na tayong dalawa at baka nakakalimutan mo din na hindi ka na makaka atras pa dahil mawawala sa Papa mo ang Bakery ninyo.
Satoshi: ( Medyo inis ang tono ng boses ) Alam mo Ryoko umaasa ka lang diyan sa sinasabi mo dahil pag uwi ko ng Japan walang magaganap na kasal
Ryoko: At bakit naman walang mang yayaring kasal ? Wag mong sabihin na dahil sa walang kwentang waitress na yan kaya hindi mo susundin ang Papa mo
Satoshi: ( Galit ang tono ng boses ) Pwede ba wag mong sasabihan ng ganyan si Ji Woo isa pa hindi kita papakasalan dahil kami na ni Ji Woo dahil mahal ko siya at hindi kita mahal. Alam mo naman na Highschool pa lang tayong dalawa kaibigan lang ang turing ko sayo. Kaya pwede ba tigilan mo na kami mi Ji Woo
Ryoko: ( Parang nadurog ang puso niya ng marinig niya ang sinabi ni Satoshi ) Anong sabi mo girlfriend mo na siya ? Kelan pa ?
Satoshi: Hindi mo na dapat pang malaman kaya pwede ba ayoko ng makita ka pa at ayoko na ding makausap ka pa tapos na ang usapan natin tungkol sa kasal na yan
Mag sasalita pa sana si Ryoko ng marinig niya ang tunog na
Tooooot Toooot Tooooot
End Of Flashback
Ryoko: ( Iyak ito ng iyak ) Hindi ako papayag na mawala sa akin si Satoshi dapat masira ko silang dalawa. Kailangan makabalik agad ako sa Japan ipapakita ko kay Satoshi na hindi dapat niya pinili ang babaeng yun ( kinuha niya ang cellphone niya at tinawagan niya ang isang utusan niya )
Nag pakuha agad siya ng ticket pabalik sa Japan. Nag ayos na din siya ng mga gamit niya at agad na umalis sa Hotel.
Bahay Ng Arashi
Nasa salas ang lima at kinausap nila si Satoshi.
Jun: Oh-chan sino yung kausap mo kanina ?
Sho: Mukhang nagagalit ka kanina
Kazunari: Oo nga sino ba yun ?
Satoshi: Si Ryoko yung kausap ko kanina hindi naman dapat ako magagalit sa kanya. Pero ang dami dami ko kasing iniisip tungkol sa pag alis ni Ji Woo tapos sasabay pa siya
Masaki: Kaya pala ano nanaman ba ang dahilan kung bakit siya tumawag sayo
Satoshi: Tungkol lang siguro sa kasal namin pero sinabi ko ang totoo sa kanya na hindi ko siya papakasalan kasi kami na ni Ji Woo.
Kazunari: Tiyak na galit na galit yun
Masaki: Malamang pano naman kasi gustong gusto ka niya mula pa ng highschool tayo
Satoshi: Ewan ko pero wala naman akong paki alam sa kanya. Hanggang ngayon hindi pa din ako makapaniwala na iniwan ako ni Ji Woo sa araw pa na ito. Kung kelan gusto ko sana na makasama siya ng buong gabi dahil bukas aalis na tayo dito
Masaki: Okay na din siguro na hindi kayo mag kasama ngayon
Jun: Malulungkot lang siya sa pag alis natin bukas. Hindi mo naman agad na masasama siya sa Japan
Kazunari: Tandaan mo andito siya sa Bansa niya hindi niya maiiwan agad agad ang trabaho at pamumuhay niya dito
Sho: Tama si Kazunari malulungkot lang siya na makita kang aalis. Hindi naman pwedeng hindi na tayo umalis dito. Nasa Japan ang pamilya at trabaho natin
Satoshi: May punto naman kayo pero bakit hindi niya ito sinabi sa akin. Bakit bigla na lang siyang mawawala ( Hindi na niya napigilan at sabay sabay na tumulo ang luha niya )
Natahimik naman ang bandmates niya at inakap na lang nila ang malungkot at umiiyak na si Satoshi.
BINABASA MO ANG
Time Of Destiny
FanfictionPaano kung ang matagal mo ng hinahanap na tao ay matagpuan mo ? Makakaya mo pa kaya syang iwan ulit ?