Nakipag kita si Ji Woo at Mr.Kim kay Mr.Kobayashi para makausap na nila ito tungkol sa pagbili nila ng Bakery.
Office Ni Mr.Kobayashi
Mr.Kobayashi: Bakit parang interesado ka sa Bakery ng kaibigan mo Mr.Kim
Mr.Kim: Dahil sa gusto kasi ng aking anak na magkaroon ng Bakery nalaman ko na may utang sayo ang aking kaibigan
Mr.Kobayashi: Hindi ko akalain na papayag siyang ipag bili iyon sayo
Ji Woo: Mawalang galang na po pero nag mamadali kami ni Papa may meeting pa kaming pupuntahan ngayon. Gusto kong malaman agad kung babayaran na namin agad ngayon lahat ng pag kakautang ng Bakery na yun makukuha na ba namin ?
Mr.Kobayashi: Pasensya na pero hindi ko pwedeng ipagbili yun kahit pumayag pa si Mr.Ohno
Mr.Kim: Talaga bakit naman ?
Mr.Kobayashi: May iba kasi kaming usapan tungkol dyan
Ji Woo: Kung ganun pwede bang mabago ngayon ang usapan dahil dito ( Pinakita ang isang USB )
Mr.Kobayashi: Ano naman ang USB na yan ?
Mr.Kim: Alam kong malaki ang tinulong ko sayo Mr.Kobayashi pero alam ko din na hindi mo dapat kunsintehin ang anak mo
Ji Woo: Siya ang dahilan kung bakit bumagsak ang Bakery ni Mr.Ohno
Pinakita ni Ji Woo ang usapan ni Masaki at ng lalaki hindi nakapaniwala si Mr.Kobayashi sa nalaman niya. May pumasok na lalaki at umupo ito sa tabi ni Ji Woo.
Boy: Totoo po ang nakita at narinig ninyo ( inilapag sa mesa ang cheke ) ayan po ang katunayan na hindi po sila nag sisinunGaling
Mr.Kobayashi: ( Nagulat ito sa nakita niyang Cheke dahil alam niya na yun ang Cheke na ginagamit ni Ryoko ) Hindi ko na siguro kailangan pa ng iba pang ibedensiya sapat na ito. Ang batang yun talaga makuha lang ang gusto niya kahit na makakaapak o makakasira siya ng buhay wala siyang pakealam
Ji Woo: Ngayon Mr.Kobayashi babayaran namin ang lahat ng utang at ibigay mo sa amin ang titolo at lahat ng papeles ng Bakery ni Mr.Ohno
Mr.Kim: Kung hindi mo gagawin yun mapipilitan kaming ipaalam ito kay Mr.Ohno
Ji Woo: Tiyak kung ano man ang usapan ninyong dalawa ay mababaliwala at tiyak baka pwede siyang mag sampa ng kaso
Mr.Kobayashi: Ayoko ng palalain pa ang gulong ginawa ng anak ko wala akong alam sa ginawa niya kaya naman papayag ako sa kondisyon ninyo wag na lang ninyo ipaalam ito kay Mr.Ohno
Mr.Kim: Mr.Kobayashi kilala ko si Mr.Ohno mabait siya at tiyak maiintindihan niyang hindi mo kasalanan ito si Ryoko ang may kasalanan nito kaya naman gusto kong ikaw na ang humingi ng tawad kay Mr.Ohno tungkol dito
Mr.Kobayashi: Mukhang tama ka nga Mr.Kim pasensya na sa ginawa ng anak ko sa matalik mong kaibigan makakaasa kang hindi ko papalagpasin ito
Inayos na ni Mr.Kobayashi ang lahat ng papeles at ibinigay ito kay Mr.Kim binigay din ni Mr.Kim ang bayad para wala ng utang si Mr.Ohno kay Mr.Kim umalis na si Mr.Kim at Ji Woo.
Pero hindi na sumama si Ji Woo sa Papa niya nag paalam siya na may pupuntahan siya kasama ang Kuya Hyun Joong niya. Sinundo siya ni Hyun Joong sumakay na sila sa kotse at habang umaandar ang kotse nag uusap silang mag kapatid
Kotse
Hyun Joong: Saan ba tayo ngayon ?
Ji Woo: Sa Bakery gusto kong makita si Ryoko
Hyun Joong: Teka bakit mo naman gustong mong makita ang babaeng yun ?
Ji Woo: Ano pa para malaman niyang mali ang babaeng nilait lait niya ( Ngumiti ito kay Hyun Joong )
Hyun Joong: Wow naman palaban ang little sister ko
Ngumiti na lang si Ji Woo kay Hyun Joong at natahimik na ang maya maya lang ay nakarating na sila sa Bakery. Bumaba si Ji Woo ng kotse at agad na pumasok sa Bakery.
Bakery
Nangpumasok si Ji Woo nagulat si Ryoko at agad siyang pinuntahan.
Ryoko: Hoy babaeng cheap ano ang ginagawa mo dito ha ? ( mataray na sagot nito )
Ji Woo: Babaeng Cheap pa din ba ang tingin mo sa akin ngayon Ryoko ?
Ryoko: Kahit ano naman ang iayos mo sa sarili mo at kahit na mag suot ka pa ng magaganda at mahal na damit Cheap na waiter ka pa din
Ji Woo: Talaga mukhang hindi mo talaga kilala kung sino ako para malaman mo ako si Kim Ji Woo ang anak ng dating Boss ng Papa mong si Mr.Kobayashi
Ryoko: ( Tumawa ito ) Niloloko mo ba ako pano naman mangyayari na ikaw ang anak ni Mr.Kim matagal ng nawawala yun
Ji Woo: At ngayon bumalik na gusto mo ng ibedensiya bakit hindi mo itanong sa Papa mo nakausap ko lang kanina
Ryoko: Wag mo nga akong patawanin na babae ka
Ji Woo: Hindi kita pinapatawa sinabi ko lang sa Papa mo ang kalokohang ginawa mo sa Bakery na ito
Ryoko: ( Tinaasan ng kilay si Ji Woo )
Ji Woo: Ang kapal ng mukha mong ibenta sa iba ang recipe ng bakery na ito makuha mo lang ang gusto mo ( Tinignan mula ulo hanggang paa si Ryoko )
Ryoko: Wala akong alam sa sinasabi mo
Ji Woo: Wala ( Lumapit ito sa radio at inilagay ang USB at pinarinig sa lahat ang usapan ni Masaki at ng Lalaki ) Ngayon sino ang Cheap sa atin ?
Ryoko: Paano mo nalaman yan ? ( Sinampal ng malakas si Ji Woo ) Walang hiya ka talagang babae ka napakapeste mo sa buhay ko ( Galit na pagkakasabi nito kay Ji Woo )
Ji Woo: Ayan lang ba ang kaya mo ? ( Sinabunutan si Ryoko at kinaladkad palabas ng Bakery ) Ayan ang nababagay sayo dito sa labas ng Bakery na ito ( mataray na sabi nito at binitawan ang buhok ni Ryoko )
Ryoko: Humanda ka sa aking babae ka hindi pa tayo tapos ( Galit na sabi nito kay Ji Woo )
Ji Woo: Talaga hindi ka pa ba susuko alam na ng Papa mo ang ginawa mo at para malaman mo si Mr.Ohno na ulit ang nag mamay ari ng Bakery na ito dahil bayad na siya sa Papa mo
Ryoko: Hindi totoo yan
Ji Woo: Bakit hindi mo na lang tanungin ang papa mo ng malaman mo ang totoo ( nag lakad na ito papunta sa kotse at sumakay na )
Umalis na ang kotseng sinakyan ni Ji Woo at naiwan naman si Ryoko sa labas ng Bakery at galit na galit ito.
BINABASA MO ANG
Time Of Destiny
FanficPaano kung ang matagal mo ng hinahanap na tao ay matagpuan mo ? Makakaya mo pa kaya syang iwan ulit ?