Matapos ang Concert agad na hinanap ni Satoshi si Ji Woo.
Satoshi: Masaki baka naman makita mo si Ji Woo sa labas papuntahin mo naman siya dito
Masaki: Bakit Miss mo na agad
Satoshi: Oo naman miss ko na kasi siya isa pa gusto ko siyang makasama para naman maalis ang pagod ko
Jun: Oh-chan hindi na mahahanap ni Masaki si Ji Woo malamang wala na yun ngayon dito sa Arena
Satoshi: Bakit naman siya umuwi agad wala ba siyang balak na sumabay sa atin O baka naman umepal nanaman yang Boss niya ?
Jun: Oh-chan may pinabibigay nga pala si Ji Woo sayo ( ibinigay ang envelope kay satoshi )
Satoshi: Ano ito ? ( kinuha ang envelope )
Jun: Hindi ko alam kung pano ko sayo sasabihin pero tiyak ako na andyan sa sulat na yan ang dahilan kung bakit wala siya ngayon dito
Satoshi: ( agad naman na binuksan niya ang envelope at binasa ang sulat )
Dear Satoshi
Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sayo ito pero sa panahon na binabasa mo ito ay papunta na ako ng airport. Sorry kung hindi ko nasabi sayo pupunta ako ng America sasamahan ko si Hyun Joong duon kasi mag bubukas siya ng bagong coffee shop duon. Hindi ko siya kayang hindian dahil sa malaki ang bahagi niya sa buhay ko.
Pero pinapangako ko sayo sa muling pag kikita natin hinding hindi na tayo mag kakahiwalay pa. Sana intayin mo ang pag babalik ko dahil pangako na babalik ako at pangako ko sayo sa pag babalik ko malalaman mo na kung sino ang tunay na ako. Sana palagi mong alagaan ang sarili mo. Mahal na Mahal kita Satoshi
- Ji Woo
Pag katapos basahin ni Satoshi ito agad nitong kinuha ang susi ng van nilang lima. Nagulat naman ang apat kaya nag tanong sila kay Satoshi
Sho: Bakit Satoshi anong problema ?
Kazunari: Oo nga anong nasa sulat ?
Masaki: May masama bang balita ?
Satoshi: Wala na tayong Oras pa tara na kayo sa Van. Baka maabutan pa natin sa Airport si Ji Woo
Agad naman kumilos ang Lima at pumunta sa Van at pumunta na sila sa Airport.
Nakarating na sa Airport si Ji Woo, Hyun Joong at Mr. Kim
Airport
Mr.Kim: Ji Woo anak ito ba talaga ang gusto mo ?
Ji Woo: Opo Papa wala na pong atrasan ito
Hyun Joong: Nasabihan mo na ba si Satoshi na aalis ka ?
Ji Woo: Oo pero nag sinungaling ako sa kanya gusto kong matapos ko muna ang gusto kong gawin bago ko siya harapin ulit
Mr. Kim: Wag na tayong mag aksaya pa ng Oras tara na sa eroplano
Ji Woo: Tama ka papa dapat umalis na tayo
Nag lakad na sila papunta sa Private Plain na gagamitin nila. Nang makapasok sila sa private plain tumabi si Ji Woo kay Hyun Joong.
Ji Woo: Kuya sa tingin mo mag tatagumpay tayo sa plano natin ?
Hyun Joong: Oo naman ( Nilagay ang isang headset niya sa tenga ni Ji Woo ) Mag relax ka na lang muna mamaya aalis na ang eroplano natin.
Ji Woo: ang ganda naman ng kantang ito ( tinignan niya ang cellphone ni Hyun Joong tinignan niya ang title ng kanta nakita niya ang title ng kanta ay Time Of Destiny ng SS501 )
Hyun Joong: Maganda naman talaga ang kantang yan ( ngumiti ito kay Ji Woo )
Ji Woo: ( Tumingin ito sa bintana habang nakikinig ) Tiyak ako sa pag kikita naming dalawa mabibigla siya kapag nalaman na niya na ako ang batang hinahanap niya.
Hyun Joong: Tiyak yun
Ji Woo: Ayoko siyang iwan dito Kuya Hyun Joong pero kailangan kong gawin ito para wag siyang mapakasal sa iba ( Tumulo ang luha nito )
Dumating ang Arashi sa Airport agad nilang hinanap si Ji Woo.
Kazunari: Oh-chan Pasensya na hindi ko siya nakita
Jun: Miski ako hindi ko siya nakita
Masaki: Ganun din ako Oh-chan hindi ko siya nakita
Sho: Tulad nila hindi ko din siya nakita
Satoshi: ( nanlugmo si Satoshi ) Mukhang hindi na natin siya inabutan
Jun: Satoshi wag ka ng malungkot diyan sige na magkikita pa naman kayo ulit
Sho: Oo nga tiyak yun mag kikita pa kayo ulit
Masaki: Hahanapin namin siya tutulungan ka namin
Satoshi: ( hindi na ito kumibo at nag punta na sa van nila )
Kazunari: Haaay pano na ito ang lungkot ni Satoshi ?
Masaki: Paano kaya natin siya mapapasaya ?
Sho: Mukhang hindi natin magagawa yan ngayon. Si Ji Woo ang mag papasaya sa kanya
Jun: Pero wala naman na si Ji Woo dito
Sinundan na nila Sho,Jun,Masaki, at Kazunari si Satoshi. Nang makita nila ito sa Van may kausap ito sa cellphone niya sa tono ng boses niya mukhang nagagalit siya parang inaaway niya ang kausap niya sa cellphone.
Jun: sino kaya ang kausap niya
Sho: ewan ko
Kazunari: Parang may kaaway siya
Masaki: Hindi kaya si Ji Woo ang kausap niya ?
Jun: Paano mukhang nasa biyahe na si Ji Woo bawal ang phone call habang nakasakay sa eroplano hindi ba ?
Kazunari: Eh sino naman kaya ang kaaway niya ?
Masaki: malalaman din natin yan
Jun: Tanungin na lang natin siya mamaya
BINABASA MO ANG
Time Of Destiny
FanficPaano kung ang matagal mo ng hinahanap na tao ay matagpuan mo ? Makakaya mo pa kaya syang iwan ulit ?