Maagang pumunta sa Arena ang Arashi para sa huling rehersal nila dahil sa kinabukasan naman may iba silang aasikasuhin tungkol sa kanilang concert.
Matapos ang kanilang practice tumupad sa usapan si Yeong Seung isinama niya si Ji Woo na mag dala ng pag kain nila.
Arena
Yeong Seung: Ito na ang pag kain ninyo ( habang papalapit sa Arashi )
Ji Woo: Tiyak na gutom na kayo ( masayang sabi nito sa lima )
Masaki: Ayon ang galing talaga ni Yeong Seung
Jun: Tamang tama ang dating ninyo gutom na kami
Kazunari: Oo nga tara na kayo sa backstage para kumain
Lalakad pa lang silang pito ng biglang dumating si Ryoko.
Ryoko: Darling Satoshi ko ( Inakap si Satoshi at hinalikan sa pisngi )
Satoshi: ( nagulat sa pag dating ni Ryoko ) Bakit ka nandito ?
Ryoko: Dinalhan kita ng food alam ko naman napagod ka kaya ito pinag luto kita
Bigla naman nag salita ng mahina si Jun.
Jun: May asungot na dumating ( mahinang sabi nito pero na rinig ito ni Sho )
Sho: Tama ka dyan Jun asungot talaga dapat mapaalis natin yan
Yeong Seung: Haaay naku Girl alam mo ba na hindi naman kailangan ni Satoshi yang pag kain na dala mo
Kazunari: Oo nga kasi alam mo tiyak na hindi masarap yang luto mo dahil ang alam ko yung dala ni Ji Woo ang gusto ni Satoshi
Ryoko: ( tinarayan si Kazunari ) Ahhh yan ba ang gusto ninyo para sa Leader ninyo yang cheap na babaeng yan ?
Satoshi: Ryoko hindi cheap si Ji Woo alam mo para wala na lang gulo iwan mo na lang yang pag kain na dala mo
Ryoko: Pero gusto ko kasama mo akong kakain nito
Sho: Haaay naku tingin ko dapat maiwan muna natin si Satoshi at Ryoko
Ji Woo: bakit hindi na lang tayo sa bahay ninyo kumain ng dala namin ni Yeong Seung pano naman kasi may masamang hangin na biglang pumasok dito sa Arena ( Tinignan si Ryoko ng mula ulo hanggang paa )
Ryoko: Hoy Babae bakit ganyan kang makatingin ?
Ji Woo: Wala naman tinitignan ko lang yung babaeng ipapakasal sa idol ko. Hindi pala ganun kagandahan ang ugali baka makasira ka sa career ng idol ko
Ryoko: Anong sabi mo ( Galit na lumapit kay Ji Woo ) Ito ang nababagay sayo
Sasampalin sana ni Ryoko si Ji Woo kaya lang hindi ito natuloy dahil sinawakan ni Ji Woo sa wrist si Ryoko.
Ji Woo: ( Hawak ng mahigpit ang wrist ni Ryoko ) Subukan mo lang na saktan ako ng mas makita ni Satoshi ang napaka bahong ugali mo. Isa pa sa susunod kikilalanin mo muna ang babanggain mo bago ka umastang ikaw lang ang mayaman at kayang bumili ng lahat ng bagay. Humanda ka sa akin hindi pa tayo tapos at sisiguraduhin ko sayo na magugulat ka kapag nag tagpo tayo ulit. ( binitawan niya ang wrist ni Ryoko )
Natulala naman ang lahat kay Ryoko at Ji Woo kaya walang nakaimik. Dahil sa hindi na makasagot pa si Ryoko umalis na lang ito ng galit.
Sho: Wow naman ngayon ko lang nakitang ganyan si Ji Woo
Kazunari: Nice ang tapang mo naman
Ji Woo: Masyado na kasi siya kung tignan niya ako akala mo kung sino hindi naman talaga ako cheap na babae
Jun: Hindi naman talaga. Pero maganda yung mga line mo kanina parang may ipinapahiwatig ka
Ji Woo: ( Natawa ito ) Acting lang yun ano ba kayo pano ko naman lalabanan yun tama siya mayaman siya at mahirap lang ako hindi ko pero hindi dahilan yun para laitin niya ako
Yeong Seung: Ayan ang bestfriend ko pero maganda yun bakit hindi na lang tayo sa bahay ng arashi kumain. Malapit na ang concert ninyo dapat lang tayong mag relax at mag enjoy muna
Jun: Magandang idea yan tara na sa bahay namin.
Pumunta na sila sa bahay ng Arashi tulad ng napag usapan nila.
Bahay Ng Arashi
Habang nasa salas silang lahat naisip nilang mag karaoke habang kumakain at para naman maging masaya sila sa gabing yun. Habang kumakanta si ang iba nag uusap naman ilan sa kanila
Masaki: Guys may naisip ako
Kazunari: Ano naman yun Masaki ?
Masaki: Dito na lang natin pa tulugin si Ji Woo at Yeong Seung
Jun: Okay yan at sa kwarto ni Oh-chan matutulog si Ji Woo
Satoshi: Huh !!! ( Medyo nagulat sa sinabi ni Jun ) Bakit naman sa kwarto ko ?
Jun: Para makausap mo siya
Masaki: Hindi ba madami kang gustong ipaliwanag sa kanya pag kakataon mo na ito. Isa pa ayaw mo ba syang makatabi matulog
Satoshi: Nakakahiya naman kasi yung ganyan pero maganda nga yan para naman makausap ko siya ng kaming dalawa lang
Jun: Walang eepal na Ryoko sa inyong dalawa. Malay naman namin baka bukas kayo na ni Ji Woo ( pabirong sabi nito )
Kazunari: Ji Woo Yeong Seung dito na lang kayo matulog sa bahay namin Ji Woo duon ka sa kwarto ni Satoshi matutulog at ikaw naman Yeong Seung sa kwarto ni Masaki
Masaki: Wag kang mag alala duon naman ako sa kwarto ni Sho matutulog. Ano Okay lang ba sa inyo yun
Yeong Seung: Okay sa akin yun tutal Gabi na din naman tsaka alam naman namin na hindi naman kayo masasamang tao
Ji Woo: Kung pumayag na si Yeong Seung papayag na din ako ^_^ pero bakit kailangan sa kwarto pa ako ni Satoshi matulog ?
Jun: Para makapag usap kayong dalawa alam mo naman na may dapat kayong pag usapan
Kazunari: Oo nga para naman wag na din kayong nag iiwasan pa
Ji Woo: Okay wala na akong sasabihin pa ( ngumiti ito )
Mayamaya lang ay nakaramdam na sila ng pagod kaya naman napag isipan na nilang mag pahinga tulad ng napag uspan si Masaki sa kwarto ni Sho natulog si Yeong Seung naman sa kwarto ni Masaki natulog at si Ji Woo sa kwarto naman ni Satoshi matutulog.
BINABASA MO ANG
Time Of Destiny
Fiksi PenggemarPaano kung ang matagal mo ng hinahanap na tao ay matagpuan mo ? Makakaya mo pa kaya syang iwan ulit ?