Chapter 13

16 6 0
                                    

Nakarating na si Ji Woo sa Lugar kung saan gaganapin ang surprise dinner date nila ni Satoshi pero bago sya makarating sa talagang lugar sinalubong muna siya nina Kazunari, Masaki at Jun para ayusan dinala siya sa isang kwarto

Kwarto

Ji Woo: Masaki, Kazunari , Jun bakit nyo ba ako dinala dito sa kwartong ito ?

Masaki: Hindi ka pwedeng pumunta dun ng ganyan ka lang

Jun: may surprise sayo si Satoshi

Kazunari: at kailangan maganda ka kapag nakita ka nya ngayong gabi ^_^

Masaki: tama si Kazunari kaya buti pa umpisahan na ang pag aayos sayo at andyan na din sa kama ang isusuot mong dress tiyak bagay sayo yan

Jun: Tama si Masaki duon kaya mag palit kana at aayusan ka na para naman mapuntahan mo na si Satoshi duon sa Garden

Pumasok na ang mga mag aayos kay Ji Woo at inumpisahan na din nilang ayusan si Ji Woo pagkatapos nitong isuot ang dress na pinapasuot sa kanya.

Sa Isang Magandang Garden

Nag iintay si Satoshi sa pag dating ni Ji Woo excited na siya sa dinner date na magaganap sa tulong ng kanyang mga kaibigan. Maya maya lang may humawak na babae sa balikat ni Satoshi dahil nakatalikod sya hindi nya alam kung sino yun.

Satoshi: Ji Woo ikaw na siguro yan ( masayang sabi nito at humarap sa likod nya nagulat sya ng makita nya na hindi si Ji Woo ang kaharap nya ) Anong ginagawa mo dito Kobayashi Ryoko at pano mong nalamang andito ako ?

Ryoko: Hindi ka ba masayang andito ako ngayon sa harapan mo Ohno Satoshi ? Sinabi sa akin ng Papa mo na meron kang pinagkakaabalahang cheap na babae dito kaya naman pinuntahan kita dito para sabihin ko sayong bilang kabayaran ng lahat ng utang ng Papa mo sa Banko namin papakasalan mo ako ( masayang pag babalita nito kay Satoshi )

Satoshi: ( Nagulat sa sinabi ni Ryoko ) Ano !! ikaw papakasalan ko wala naman akong alam na may kasunduan kami ni Papa na ipapakasal nya ako at wala din akong alam na may utang kami sa banko nyo ( Gulong Gulo sa mga sinabi ni Ryoko )

Ryoko: ikwekwento ko na lang sayo kung bakit ganito kasi yun Darling Satoshi yung Bakery nyo naubusan na ng puhunan dahil may isang empleyado na ibinenta ang recipe ng pinaka sikat ninyong tinapay at dahil duon bumaba ang sales nyo at kesa malugi kayo umutang ang Papa mo sa Papa ko at sa madaling kwento hindi na kayang bayaran ng Papa mo ang inutang nya kaya naman kesa ilitin ni Papa ang Bakery ninyo sinabihan ko si Papa na ipakasal ka na lang sa akin at pumayag naman ang Papa mo at Papa ko. Ano Darling Satoshi naintindihan mo na ba ?

Satoshi: Ryoko sinabi ko naman sayo hindi ba na hindi kita gusto isa pa kakausapin ko muna si Papa about dyan sa sinabi mo kaya kung pwede lang sana umalis ka na mamaya dumating na ang kadate ko

Ryoko: What !!! Kadate sino nama yang kadate mo yun bang sinasabi ng Papa mong Cheap na babaeng palagi mong kasama dito ?

Satoshi: Ryoko hindi sya cheap na babae kaya pwede ba umalis ka na bukas na lang tayo mag usap tungkol dyan sa sinasabi mo

Ryoko: Okay Fine kung ayan ang gusto mo ( may napansin na paparating ) sige bukas na lang tayo mag usap ( Bigla nyang hinalikan sa labi si Satoshi hanggang sa makalapit ang natanawan nyang paparating kanina )

Kakarating lang nila Masaki, Kazunari, Jun at Ji Woo at nagulat sila sa nakita nila.

Kazunari: Satoshi ano ito ?

Ryoko: Hello sa inyo ( bati nito kay Masaki,Kazunari at Jun at tinignan naman mula ulo hanggang paa si Ji Woo ) So ito ba yung kadate mo ngayong gabi ?

Time Of DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon