Chapter 27

13 4 6
                                    

Isang hapon pag katapos mag practice ng sayaw ng Arashi ay pumunta si Jun,Masaki,Sho at Kazunari sa isang Restaurant. Nag message kasi si Hyun Joong kay Jun na pumunta sila sa isang restaurant kaya naman pumunta sila. Hindi nila sinabi kay Satoshi na makikipag kita sila kay Hyun Joong dahil ayaw din naman ipaalam ni Hyun Joong na makikipag kita siya sa Arashi. Hindi rin naman alam ni Satoshi dahil sa may taping siya ng bago niyang commercial.

Restaurant

Sho: Oh Hyun Joong anong meron ?

Masaki: Oo nga kamusta na si Ji Woo ?

Kazunari: Makikipag kita na ba siya kay Satoshi ?

Jun: Inuumpisahan nya na ba ang plano niya ?

Hyun Joong: ( Natawa ito ) Ano ba ang dami nyo namang tanong isa isa lang mahina ang kalaban ( Tumawa ulit ito ) Sige sasagutin ko na ang tanong ninyo. Kaya ako nandito dahil gusto kayong makita ni Ji Woo. Maayos lang ang lagay ni Ji Woo sa totoo lang mukhang mas bagay sa kanya na maging president ng hotel dito sa Japan kesa maging waitress sa Cappuccino Coffee Shop ko. Hindi pa siya makikipag kita kay Satoshi dahil hindi pa ito ang tamang oras para mag kita sila. At para sa huling tanong Oo inumpisahan na niya ang plano niya

Masaki: Ano ba talaga ang plano ng kapatid mo ?

Hyun Joong: Ang tulungan ang Papa ni Satoshi hindi lang para sa hindi matuloy ang kasal ni Ryoko at ni Satoshi

Kazunari: Bakit ano pa ba ang dahilan ?

Sasagot pa sana si Hyun Joong ng may umupong babae sa upuan na katabi ni Hyun Joong. Nagulat naman si Jun,Kazunari,Masaki at Sho sa babae

Ji Woo: Bakit Masaki ano bang dahilan ang gusto mong malaman ? ( ngumiti ito )

Masaki: Ji Woo ikaw na ba yan ?

Jun: Kakaiba ka na ngayon ha ?

Sho: Oo nga parang nakakapanibagong makita kang ganyan

Kazunari: Kung andito ngayon si Satoshi tiyak ako tulala sayo yun

Ji Woo: ( Natawa ito ) Ano ba kayo ang OA ninyo ha ako pa din naman ang Ji Woo na nakilala ninyo sa South Korea. Walang pinagbago sa akin pananamit ko lang ang nabago pero ako pa din ang waitress na nakilala niyo

Hyun Joong: Pero ngayon siya na yung batang babae dati yung nag mamay ari ng hotel

Jun: Pero Ji Woo ano ba talaga ang iba mo pang dahilan bakit mo ginagawa na ito

Ji Woo: Bata pa lang ako gusto ko ng matulungan ang batang lalaki na nakilala ko dati. Kaya ngayon magagawa ko na yun

Kazunari: Yun naman pala ang dahilan mo pero ano ba talaga ang plano mo ?

Ji Woo: Bibilhin ko ang Bakery nila Satoshi kay Mr.Kobayashi pero kapag nabili ko yun ibabalik ko kay Mr.Ohno ang Bakery

Hyun Joong: May gusto sana kaming pagawa sa inyong apat

Masaki: Ano naman yun ?

Ji Woo: Hanapin ninyo kung sino ang nag benta ng Recipe sa kabilang bakery

Hyun Joong: Hindi naman kayo mahihirapan dahil isa sa nag tratrabaho sa bakery na pinagbentahan ng Recipe ang dating empleyado ni Mr.Ohno

Ji Woo: Nasa ospital ang anak ng taong yun kaya pwede nating gamitin yun para mapaamin natin siya

Masaki: Madali lang yan ako na ang bahala diyan

Kazunari: Nice Masaki basta back up mo kami dyan

Sho: Maiba lang tayo Ji Woo kelan ka ba makikipag kita kay Satoshi

Ji Woo: Kapag nabawi ko na ang bakery nila ( natahimik ito at halata sa mukha ang pag kalungkot )

Jun: Miss mo na siya no

Ji Woo: ( Tumango ito ) Sobrang na mimiss ko na si Satoshi. Gusto ko man siyang makita pero hindi ko pwedeng gawin dahil kapag nalaman ni Mr.Kobayashi na kilala ako ni Satoshi tiyak hindi niya ipagbibili sa akin ang Bakery

Hyun Joong: Kaya nga sana wag ninyong ipaalam ito kay Satoshi

Jun: Makakaasa kayong hindi niya malalaman ito

Masaki: Oo nga isa pa ginagawa mo din naman ito para sa kanya

Sho: Pero simula nung umalis ka sa South Korea palagi na lang siyang tahimik hindi nga nakikipag biruan sa amin

Kazunari: Sobrang miss ka na niya gustong gusto ka na talaga niyang makita

Masaki: Sinubukan pa namin na pumunta sa airport para lang pigilan ka kaso hindi ka namin inabot

Ji Woo: Halata naman na gagawin niya yun pero naniwala ba siya duon sa sulat ko ?

Jun: Sa totoo lang naniniwala siya at mukhang nag seselos siya kay Hyun Joong

Hyun Joong: ( natawa ito ) kung alam lang niya ang totoo baka hindi na siya mag seselos sa akin

Kazunari: Tiyak hindi na yan magseselos kapag nalaman niyang magkapatid kayo

Sho: Pero goodluck sa plano mo Ji Woo sana mag wagi yan

Ji Woo: Sana nga para naman makita ko na siya ulit ^_^

Nag usap na sila ng ibat iba pang topic pero matapos ang madaming Oras napag pasyahan na din nilang umuwi pero bago umalis si Ji Woo at Hyun Joong

Ji Woo: ( Inabot kay Sho ang isang box ng cupcake ) Paki bigay yan kay Satoshi. Sabihin mo sa kanya nag message lang ako sayo na bilhan mo siya ng ganyan

Sho: Sige ako na ang bahala dito ^_^

Hyun Joong: Pano mauna na kami

Masaki: Ingat kayo ha

Umalis na ang dalawa kaya naman napag pasyahan na din nila na umuwi para maibigay na din nila kay Satoshi ang cupcake galing kay Ji Woo

Time Of DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon