Nagising ng maaga si Satoshi at agad naman siyang pumunta sa may kitchen.
Kitchen
Pagpasok niya may nakita siyang box ng cupcake. Pamilyar ito sa kanya nilapitan agad niya at tinignan may nakita siyang heart shape na card at may nakalagay na " Miss You " at nakalagay ang pangalan ni Ji Woo.
Napangiti naman si Satoshi sa nakita niya parang lahat ng lungkot niya ay nawala. Agad niyang binuksan ang cupcake box at kumuha ng isang cupcake at kinain. Habang kumakain si Satoshi ng cupcake dumating naman si Sho.
Sho: Oh Satoshi ang saya mo ata dyan
Satoshi: Namiss ko kasi ang cupcake na ito eh ( masayang masaya ito sa pag kain ng cupcake ) Pero teka lang pano niya napadala ito kung nasa America siya ?
Sho: ( napangiti ito habang nag titimpla ng kape ) Ano ka ba ako ang bumili at nag sulat dyan sa card. Kahapon kasi nag message siya sa akin sabi niya bilhan daw kita nyan para wag ka na daw malungkot
Satoshi: Nag message siya sayo ? teka may communication ka sa kanya ?
Sho: Hehehe Oo nakakausap ko siya kapag nag memessage siya sa akin pinapabantayan ka niya sa akin ^_^
Satoshi: Bakit naman niya ako papabantayan sayo ?
Sho: Sinabi ko kasing malungkot ka dahil sa wala siya. Kaya gusto niyang malaman kung masaya ka o malungkot. Kung itatanong mo kung bakit hindi ka niya kinakausap dahil busy pa siya at gusto niya mag usap kayong dalawa sa pag balik niya.
Satoshi: Bakit naman ? At kelan pa yun ?
Sho: Malapit na siguro yung pag kikita ninyo ulit. At kung bakit hindi ko alam sya lang ang makakaalam nun
Lumapit naman si Masaki kay Sho at Satoshi
Masaki: Sho Oh-chan hindi muna ako sasama sa dance practice natin mamaya may lalakarin lang ako
Satoshi: Saan ka naman pupunta ?
Masaki: Pupunta lang ako sa restaurant namin dadalawin ko lang si Mama at Papa
Sho: Nice naman Oh-chan Okay lang ba na hindi makasama si Masaki ngayon ?
Satoshi: Okay lang naman sa akin yun
Masaki: ( Kumuha ng cupcake ) Salamat Oh-chan ang sarap naman ng cupcake na ito hehehe
Satoshi: Masaki naman eh ngayon ko na nga lang ulit ako binigyan ng ganito ni Ji Woo
Masaki: Haay naku ang damot mo naman ( tumingin ito sa orasan ) sige mauna na ako
Sho,Satoshi: Sige ingat ka
Umalis na si Masaki at pinuntahan niya ang sinasabing bakery ni Hyun Joong at hinanap ang taong sinabi ni Hyun Joong
Maya maya lang ay nakita na ni Masaki ang lalaking hinahanap niya
Boy: Bakit mo ako hinahanap ?
Masaki: May gusto lang akong malaman sayo
Boy: Ano naman ang gusto mong malaman ?
Masaki: Tungkol sa talagang dahilan mo sa pag alis sa Bakery nila Mr.Ohno ?
Boy: Yan lang ba ang itatanong mo ? Madali lang pabagsak na ang Bakery ni Mr.Ohno tatanggalin na din nya kami kaya kailangan ko ng makahanap ng bagong trabaho
Masaki: Ganun pero paano mong nalaman na babaksak na ang Bakery. Ang alam ko mismong si Mr.Ohno lang ang nakakaalam nito wala siyang pinag sabihang kahit sino about duon ?
Boy: ( Natahimik ito )
Masaki: Alam kong ang anak mo ay nasa Ospital ngayon at kailangan mo ng pera para mapagamot ka sasagutin ko ang lahat ng gastusin sa Ospital ng anak mo sabihin mo lang kung bakit ka umalis sa Bakery O mas mabuting sagutin mo kung kanino mo talaga binenta ang recipe ?
Boy: Paano mo nalaman ang tungkol sa anak ko ?
Masaki: Hindi na mahalaga pa kung paano. Kung sasabihin mo ang totoo sa akin wala ka ng iintindihing gastusin sa ospital para mapagamot mo ang anak mo
Boy: ( Natahimik ito ng sandali naisip nitong malaking tulong ang inaalok sa kanya kaya naman hindi na siya makakatanggi pa kailangang kailangan ng mapagamot ang anak niyang may sakit ) Sige sasabihin ko ang lahat ( Nag kwento ito )
Flashback
Pauwi na ang isang empleyado ng Bakery ng bahay ng harangin siya ni Ryoko.
Ryoko: Hello gusto mo bang mag kapera ?
Boy: Sino ka naman ? At ano yang sinasabi mong magkakapera ako ?
Ryoko: Madali lang naman ako si Kobayashi Ryoko. Babayaran kita ng malaki ibigay mo lang sa akin ang recipe ng pinaka sikat na tinapay ng Bakery ninyo
Boy: Bakit ko naman kailangan gawin yun ? Mabait si Mr.Ohno sa aming lahat at hindi ko kayang gawin yan
Ryoko: Kaya mong gawin yan dahil kapag nagawa mo yan mababago na ang buhay mo. Malaking pera ang ibibigay ko sayo at hindi lang yun kapag nagawa mo yan ako na ang bahala sa kapatid mo pag tatapusin ko siya ng pag aaral
Boy: ( Nag isip ito at dahil na din naman sa hirap ng buhay naisip niyang unahin na muna ang pera at oportunidad para makapag tapos na ang kapatid niya ) Sige bukas na bukas ibibigay ko sayo
Tulad naman ng napag usapan nila ni Ryoko ninakaw niya ang recipe at binigay kay Ryoko. At hindi rin nag tagal umalis din siya sa Bakery ni Mr.Ohno dahil na din sa konsensya niya hindi naman niya masabi ito kay Mr.Ohno dahil sa tumupad naman si Ryoko sa usapan nakatapos ng pag aaral ang kapatid niya at nakapag trabaho din sa tulong ni Ryoko.
End Of Flashback
Masaki: Kung ganun si Ryoko pala ang may plano ng lahat ng ito. Alam mo bang siya na ang nag papatakbo ng Bakery ngayon ?
Boy: Kasalanan ko ito ( Malungkot na sabi )
Masaki: Hindi mo kasalanan yan lahat tayo pwedeng masilaw sa iba't ibang bagay. Kung tutulungan mo akong patunayan yan makakabawi ka ulit kay Mr.Ohno
Boy: Mapapatunayan ko na sa kanya ko binenta dahil hanggang ngayon nasa akin pa din ang cheke na binayad niya hindi ko magamit yun dahil sa konsensya ko
Masaki: Kung ganun tulungan mo kami tatawagan kita kung kailangan ka na namin
Umalis na si Masaki at agad naman na umuwi si Masaki sa bahay nila at pinadala naman niya kay Hyun Joong ang recorded na usapan nila ng lalaki. Kinausap na din niya ang si Jun,Sho at Kazunari about sa nalaman niyang impormasyon sa lalaki.
BINABASA MO ANG
Time Of Destiny
Fiksi PenggemarPaano kung ang matagal mo ng hinahanap na tao ay matagpuan mo ? Makakaya mo pa kaya syang iwan ulit ?