Maagang nagising si Ji Woo at Yeong Seung sila ang gumawa ng breakfast nilang lahat. Nang magising naman ang Arashi agad na silang nag ayos ng sarili para sa lakad nilang importante. Matapos silang mag bihis pumunta na agad sila sa dinning room.
Masaki: Wow sarap naman ng almusal
Yeong Seung: Syempre naman para naman ganahan kayong kumain
Satoshi: Ang swerte naman namin kasi talagang ginawan nyo pa kami ng breakfast
Ji Woo: Wala yun pangit na umalis kayo ng bahay ng hindi kumakain
Sho: May point naman si Ji Woo duon kaya ano pa ang iniintay natin kumain na tayo.
Kumain na ang lahat at habang kumakain ang lahat napansin nila na ang sweet ni Ji Woo at Satoshi. Pinag sisilbihan kasi nila ang isat isa kapag may dumi sa labi ang isa pinupunasan naman ng isa.
Yeong Seung: Aray ko!! may langgam ata dito ( pang aasar nito )
Masaki: Tama ka Yeong Seung parang nilalanggam na nga tayo pano naman kasi may matamis dito
Jun: Sinabi mo pa Masaki kawawa naman tayo pupupugin tayo ng langgam
Satoshi: Ingit lang kayo kaya kayo ganyan ( pang aasar nito sa bandmates niya )
Ji Woo: Hehehe ^_^ totoo ba yun naiingit kayo ?
Kazunari: Hindi kami naiingit ni Sho
Sho: Oo nga ( sinubuan ng pancake si Kazunari )
Kazunari: ( sinubuan ng pancake si Sho ) Ayan para na tayong silang dalawa
Natawa naman ang lahat sa ginawang pag bibiro ni Sho at Kazunari. Maya maya lang natapos na din ang isang masayang breakfast nila pumasok na si Ji Woo at Yeong Seung sa trabaho nila. Ang Arashi naman ay pumunta na sa kanilang pupuntahan
Cappuccino
Nakatulala si Ji Woo na alala kasi niya ang pag uusap nila ng kanyang Tatay.
Flashback
Gaya ng sinabi ni Ji Woo kay Hyun Joong pinapunta ni Hyun Joong ang papa nila sa coffee shop para makausap ito ni Ji Woo. Maraming nagulat ng dumating si Mr. Kim ng marinig nila ang pag salubong ni Ji Woo kay Mr. Kim.
Kakarating lang ni Mr. Kim at hindi nito inaasahan na hindi si Hyun Joong ang sasalubong sa kanya kundi si Ji Woo.
Ji Woo: ( nasa pinto pa lang si Mr. Kim nang salubungin niya ito ng isang yakap na mahigpit ) Papa buti naman at pumayag kang makausap kita
Mr. Kim: Matitiis ba naman kita na hindi puntahan at alam kong kailangan mo ang tulong ko
Umupo na ang dalawa at hindi makapaniwala ang lahat na si Ji Woo pala ang anak na babae ni Mr. Kim. Pinaghandaan ni Ji Woo ang Papa niya ng madalas niyang itimplang kape kay Mr. Kim. At inumpisahan na nilang mag usap kasama si Hyun Joong.
Ji Woo: Papa tinatanggap ko na po na ako ang mag papatakbo ng Hotel natin
Mr. Kim: Hyun Joong tama ba ang sinabi ng kapatid mo ? ( gulat na tanong nito kay hyun joong )
Hyun Joong: Opo Papa totoo yun gusto ng patakbuhin ni Ji Woo ang Hotel
Mr. Kim: Magandang balita yan. Pero anong pumasok sa isipan mo at naisip mong pumayag sa kagustuhan ko. Nung nag usap tayo sa Hotel ang sabi ko sayo bibigyan kita ng sarili mong Bakery kapag pumayag ka na kapag nawala na ako ikaw na ang papalit sa akin.
Ji Woo: Papa nag bago na po ang isip ko papatakbuhin ko ang Hotel natin sa Japan. Pero sa isang kondisyon
Mr. Kim: Anong kondisyon?
Hyun Joong: Kailangan kausapin mo si Mr. Ohno na kay Ji Woo ibenta ang bakery nila
Ji Woo: Papa ikaw lang ang makakagawa nun. Kapag alam niyang anak mo ako hindi siya mag dadalawang isip na ipagbili yun
Hyun Joong: At kahit naman mabili ni Ji Woo ang Bakery hindi niya kukunin yun
Mr. Kim: Naguguluhan ako bakit gusto ninyong mabili ang Bakery ni Mr. Ohno
Ji Woo: Dahil mahal na mahal ko ang anak ni Mr. Ohno. Papa ang anak ni Mr. Ohno siya ang batang lalaki na matagal ko ng hinahanap at hindi ako papayag na mapunta siya sa taong hindi naman niya gusto. Tulungan mo ako Papa
Mr. Kim: Si Ohno Satoshi ba ang kinuwento mo sa akin nung bata ka yung batang binigyan mo ng bracelet na galing pa sa Mama mo?
Hyun Joong: Oo Papa matagal na ding hinahanap ni Satoshi si Ji Woo at tiyak naman ako na mapapabuti si Ji Woo kay Satoshi
Ji Woo: Papa please tulungan mo ako kapalit nito gagawin ko na ang kagustuhan mo
Mr. Kim: Naiintindihan kita Ji Woo palagi mong sinasabi sa akin na ang taong may hawak ng bracelet mo ang gusto mong makasama habang buhay. Tutulungan kita pupunta agad tayo ng Japan binigyan kita ng dalawang araw para makapag isip isip kung yaan ba talaga ang gusto mo.
Ji Woo: Salamat Papa
End of Flashback
Tinapik ni Yeong Seung si Ji Woo dahil sa tulala ito.
Yeong Seung: Tulala ka dyan Bestfriend wag mo na syang isipin kasi ayan na si Satoshi sa pinto. Mukhang namiss ka din niya at pinuntahan ka pa niya dito.
Ji Woo: Huh !!! ako pinuntahan niya ( tumingin si Ji Woo sa may pinto )
Andun nga si Satoshi kaya naman agad niya itong pinuntahan.
Ji Woo: Anong Ginagawa mo dito ?
Satoshi: Gusto kasi kitang ayain na pumunta sa may Carnival
Ji Woo: Yun lang ba ang pinunta mo dito. Sana nag message ka na lang sa akin
Satoshi: Ayoko gusto ko din kasing makita ka
Ji Woo: ( ngumiti ito ) Sige papayag ako na pumunta tayo ngayon ng Carnival. Mag papaalam lang ako kay Hyun Joong
Satoshi: Sige ba iintayin kita dito
Nag paalam si Ji Woo kay Hyun Joong na aalis sila ni Satoshi. Pinayagan naman siya nito kaya naman lumabas na ulit siya ng Coffee shop at inaya na si Satoshi papunta sa Carnival.
BINABASA MO ANG
Time Of Destiny
FanfictionPaano kung ang matagal mo ng hinahanap na tao ay matagpuan mo ? Makakaya mo pa kaya syang iwan ulit ?