Pagkain...Paniniwala at Pananampalataya

254 4 0
                                    

Pagkain isang hindi maunawaan ng mga tao at ng kanilang Paniniwala at Pananampalataya, ay ang usaping pagkain. Ano nga ba ang dapat? Ano ba ang bawal? Ano ba ang nakasasama? Ano nga ba?

Ito ang nais kong bigyang pansin ng lahat ukol sa usaping pagkain.

Sa biblia, ipinahayag ng Diyos ang lahat ng mga likha niya bilang kalugod-lugod sa kaniya maging ang tao nang ito ay likhain Niya. Ang lahat ay mahalaga. Ang lahat ay may silbi at ang lahat ay may buhay, kaya hindi kalugod-lugod sa kaniya na pinapatay kahit na alinman sa mga ito.

Kapag usapang likha, ang lahat ay natutuon sa unang panahon, ang paglikha sa mundo, sa tao at ibang bagay na makikita sa mundo.

Ang unang laging pumapasok sa isipan ng tao kapag ang usapan ay ang tao, ay si Adan.

Kapag usapang pinagmulan, palaging si Adan kasunod si Eba, ang mga anak nilang naging isang masama at isang mabuti. Ang buong lahi na pinagmulan ng lahat ng lahi.

Ngunit, nakalilimot ang lahat ng mga tao na PINARUSAHAN ang mundo noon dahil napuno na ito ng mga taong masasama at kasama dito mga anghel na bumaba sa lupa at naging isang dahilan ng malaking kasiraan ng lahat ng tao. Oo nga at makasalanan na ang tao dahil sa pagsuway at nagpauto sa ahas noon, at nadagdagan pa iyon dahil sa mga anghel na bumaba sa lupa at dumito upang tumira kasama ng mga tao. Lahat ng bagay na bawal ay itinuro nila sa tao kaya damay ang lahat sa KAPARUSAHAN.

Nalubog sa baha ang buong daigdig nang ito ang pinahayag ng Diyos sa lahing pinili niyang iligtas, ang angkan ni Noah.

Bago pa gunawin ang mundo sa tubig, ang bawat tao ay may sarili nang pamamaraan ng pamumuhay. Magbungkal ng lupa at mangaso. Nakasulat iyan sa Biblia. Walang punong-kahoy na may bunga sa paligid noon maliban sa mga puno na pagkain ng mga malalaking uri ng hayop. Mga halaman naman para sa mga hayop na hanggang dito lamang ang abot ng kanilang mga bibig. Ang tao ay sa pagbubungkal at pangangaso nabubuhay. Limitado ang paraan ng pagkukunan ng pagkain. Ang mga punong-kahoy noon ay nasa loob ng Garden of Eden.

Itinuro ng mga anghel ang isang paraan na pagtatanim at ibang mga paraan na alam natin ngayon. Nasa book of Enoch ang lahat ng ito.

Nang maging ganid na ang buong kapaligiran ay umabot na sa kamatayan ng mga tao at mga hayop ang lahat. Nagsimulang maging makasalanan ang tao dahil sa mga anak ng anghel na naging higante. Dito napuno ng galit at poot ang Diyos sa mga lumapastangan sa kaniyang nilikha. Pinasya niyang tapusin ang kasamaan, sa pamamagitan ng tubig. Nilunod ang lahat at pinili lamang ang mga dapat na mabuhay maging tao at hayop.

Sa Panibagong Pagkakataon, Panibagong Lahi, Panibagong Pamumuhay mula sa umpisa at balik sa wala.

Tanging ang angkan ni Noah at ng kaniyang tatlong anak kasama ang kanilang mga asawa, sila ang panibagong buhay sa panibagong mundo.

Mula sa lahi ng tatlong anak ni Noah muling dumami ang tao at kumalat sa buong mundo. Dito nagsimula ang iba't ibang paniniwala at pamamaraan na kanilang sinimulan sa kanilang panahon. Isa na dito ang paraan ng pagkain.

Sa kasunduan ng Diyos kay Noah at sa kaniyang tatlong anak ganito;

Si Noe at ang kanyang mga anak ay binasbasan ng Diyos: "Magkaroon kayo ng maraming anak at punuin ninyo ng inyong supling ang buong daigdig. Matatakot sa inyo ang lahat ng hayop, pati mga ibon, ang lahat ng gumagapang sa lupa at ang mga isda. Ang lahat ng ito ay inilalagay ko sa ilalim ng inyong kapangyarihan. Gaya ng mga halamang luntian na inyong kinakain, lahat ng mga ito'y maaari na ninyong kainin. Huwag lamang ninyong kakainin ang karneng hindi inalisan ng dugo sapagkat nasa dugo ang buhay. Genesis 9:1‭-‬4

Behind The StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon