Ang Galit ng Diyos.

92 3 0
                                    

Ang Galit ng Diyos.

Isaias 1:28‭-‬31

Mapupuksang lahat ang mga suwail at makasalanan, malilipol ang mga tumalikod kay Yahweh.  Mapapahiya kayo dahil sa mga punongkahoy na inyong sinamba, at sa mga halamanang itinuring ninyong banal.  Makakatulad ninyo'y mga nalalagas na dahon ng puno at halamanang hindi na nadidilig.  Ang malalakas na tao'y matutulad sa mga tuyong kahoy, mga gawa nila'y madaling magliliyab, parehong matutupok, sa apoy na walang makapipigil. - Isaias 1:28‭-‬31

Ang Parusa sa mga Bayang Sumasamba sa diyos-diyusan.

Isaias 10:10‭-‬11

Kung paanong pinarusahan ko ang mga kahariang sumasamba sa mga diyus-diyosan; na higit na marami ang mga larawang inanyuan kaysa naroon sa Jerusalem at Samaria,  hindi ko rin ba gagawin sa Jerusalem at sa mga diyos-diyosan nito, ang ginawa ko sa Samaria at sa mga imahen nito?” Isaias 10:10‭-‬11

Nakarasan mo na ba na maramdaman ang Galit ng Diyos? Nasaan ka nang mga panahong iyon? Nasa loob ka ba ng simbahan? Nasa lugar na turing ay banal kahit hindi ito banal?

Nababasa mo ba ang talata na nakasulat na mula mismo sa Panginoong Diyos na Makapangyarihan? Pinaparusahan niya ang mga bayang hindi kumikilala sa kaniya o kumikilala man ay may iba pang ginagawa sa kabila, nag-aalay ng dasal at pagkain sa mga rebulto o imahen anomang anyo nito.

Ilang simbahan na ba ang giniba ng Diyos dahil sa pagiging taliwas nito sa nararapat? Ilang simbahan pa ba ang dapat na gibain upang iyong malaman na nagbababala ang Diyos sa bansa na tigilan na ang pagdulog sa mga santo-santuhang bato, imahen ng kung sino-sino. Manhid ka ba? O hindi ka talaga matitinag sa gawing iyan?

Kapag niyanig uli ng Diyos ang kalupaan at ito ay tumama sa mga lugar na akala mo ay wala lang, magnilay-nilay ka at isiping mabuti kung ano ang dahilan. Kung ang sabi ng mga eksperto ay walang kinalaman sa bulkan puwes isa lang ang ibig sabihin, nagbababala Siya na gumising kayong mga tulog na mantika! Isasalang na lang kayo sa apoy ay matigas pa rin ang inyong mga sebo! Kailangan pa bang itaob ang lalagyan ninyo bago ninyo malaman na galit ang Diyos sa mga gawain ninyo kahit ang mga kapistahan na ginagawa dahil sa diyos-diyusan. Basahin mo uli ang talata.

Huwag mong ikatwiran na tungkol sa Jerusalem at Israel ang nilalaman ng mga talata dahil batayan ang lahat ng iyan upang iparating sa buong mundo na ganito siya kung magalit at mapoot sa mga taong matigas ang ulo.

Matigas ka ba? Kaya mo ba ang kapangyarihan ng Diyos?

Mapatay ka man ng mga masamang tao, buhay ka pa rin at makararating sa impiyerno. Malalaman mo iyan kapag naroon ka na.

Sana'y hindi ka supporter ng mga kapistahan ng mga batong imahen at kahoy na imahen. Sana'y magising ka sa mensaheng ito.

Good luck sa iyong pananampalataya. Dahil ang tunay mananampalataya ay hindi lumilihis ng paniniwala dahil lang sa paghanga.
God is the ONLY God.

Behind The StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon