Ang Talinghaga tungkol sa Kasalan

1K 6 0
                                    

[1] Muling nagsalita sa kanila si Jesus sa pamamagitan ng talinghaga. Sinabi niya,

[2] "Ang kaharian ng langit ay katulad ng isang haring nagdaos ng isang handaan para sa kasal ng kanyang anak na lalaki.

[3] Isinugo niya ang kanyang mga lingkod upang tawagin ang mga inanyayahan, ngunit ayaw nilang dumalo.

[4] Muli siyang nagsugo ng ibang mga lingkod at kanyang pinagbilinan ng ganito: 'Sabihin ninyo sa mga inanyayahan na nakahanda na ang mga pagkain, napatay na ang aking mga baka at mga pinatabang guya, at handa na ang lahat. Halina kayo!'

[5] Ngunit hindi ito pinansin ng mga inanyayahan. Sa halip, pumunta sila sa kani-kanilang lakad. May nagpunta sa kanyang bukid at mayroon namang nag-asikaso ng kanyang negosyo.

[6] Sinunggaban naman ng iba ang mga lingkod, hinamak at pinatay.

[7] Galit na galit ang hari kaya't pinapunta niya ang kanyang mga kawal upang puksain ang mga mamamatay-taong iyon at sunugin ang kanilang lungsod.

[8] Pagkatapos, sinabi niya sa kanyang mga lingkod, 'Nakahanda na ang mga pagkain ngunit hindi karapat-dapat ang mga inanyayahan.

[9] Pumunta kayo sa mga lansangang matao at inyong anyayahan sa kasalan ang lahat ng makita ninyo.'

[10] Pumunta nga sa mga pangunahing lansangan ang mga lingkod at isinama nila ang lahat ng kanilang natagpuan, masasama't mabubuti, at napuno ng mga panauhin ang bulwagang pangkasalan.

[11] "Pumasok ang hari upang tingnan ang mga panauhin. Nakita niya ang isang taong hindi nakadamit pangkasalan.

[12] Tinanong niya ito, 'Kaibigan, bakit ka pumasok dito nang hindi nakasuot ng damit pangkasalan?' Hindi nakasagot ang tao,

[13] kaya't sinabi ng hari sa mga lingkod, 'Talian ninyo ang kanyang kamay at paa, at itapon siya sa kadiliman sa labas. Doo'y mananangis siya at magngangalit ang kanyang mga ngipin."

[14] Pagkatapos nito'y sinabi ni Jesus, "Marami ang tinatawag, ngunit kakaunti ang pinili."

Mateo 22:1‭-‬14

----- Paliwanag upang iyong maunawaan -----

Sa unang dalawang talata, ang ibig sabihin nito ay ang mismong kaharian ng Langit kung saan naroon ang Diyos Ama at ang Kristo Jesus na mula sa lupa at umakyat sa langit upang siyang maging daan sa ating kaligtasan. Ang Hari ng Langit ay naghahanda ng isang malaking pagtitipon na dadaluhan ng mga pinagsama-samang nilalang sa Langit at sa Lupa.

Ang mga isinugo (anghel) niya ay bumaba sa lupa upang humikayat ng mga (kaluluwa ng) tao na buhay pa, na siyang pinili nila na tutupad sa kalooban ng Hari, na siyang magbibigay babala sa nalalapit na pagtitipon (pagdating ni Kristo) ngunit ang mga ito ay hindi dumating (hindi sumagot sa kahilingan o kaya naman ay tumanggi sa kahit na anong paraan).

Muling nagpadala ang Hari upang humikayat. Nagbilin siya ng mga bagay na magdadala sa mga ito sa kabutihan ngunit marami pa rin ang tumanggi na sa halip ay mas inuna nila ang kanilang mga gawain at trabaho.

Ang iba naman ay hinamak nang ipahayag ang tungkol sa bagay na ito at pinaslang . Sila'y mga lingkod na mismo ng Hari. (Mga propeta)

Nagtangis sa galit ang Hari dahil sa mga kasamaan ng mga tao kaya't muli niyang pinababa sa lupa ang mga kawal ng Langit at sila ang pumuksa sa mga mamamatay-tao na hindi marunong makinig. Ang bahaging ito ay tungkol sa pagwasak sa mga bansa na hindi mainam. Ibig nitong ipakita na kung wala ng kabutihan sa bahaging iyon ay kaagad na itong uunahin.

Sa bersikulo sampu; ibig sabihin nito ay ang mga taong nasa malapad na daan na walang patutunguhan, sila ang mga taong nakapila sa dalawang pintuan. Sila'y mga taong mabuti at masama noong panahon na sila'y nabubuhay. Sila ang huling haharapin ng Hari at dadaan sa huling hatol. Sa buhay o sa kamatayan.

Sa bersikulo labing-isa hanggang labing-tatlo; ang taong ito ay hindi kabilang sa dapat na naroon, na dumalo. Sila ay ipatatapon at dadalhin sa Impiyerno. Ang nilalang na ito ay ang mga hindi puro nang mapasama, na humihingi pa rin ng kapatawaran sa kanilang mga nagawang kasalanan.

.....

Sana'y malinaw ang aking paliwanag tungkol dito.

Hindi naman na sikreto ang tungkol dito ngunit nais kong ibigay ang Talinghaga na ito sa mga taong makababasa nito.

The Son God is the way to eternity. God bless us.

Sana'y maraming makinig gamit ang kanilang kaluluwa. Minsan din akong tinawag ngunit hindi ko alam na senyales iyon. Unang pumasok sa akin ay nahihiya ako sa taong kaharap ko dahil mabuti siya, at sa paraan nila ng pananampalataya. Hindi ako sanay sa paraan na iyon. At ngayon, kahit hindi ako nakatanggap ay kusa akong lumalapit.

Behind The StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon