Isa ka sa mga Nawawalang Tupa

272 4 0
                                    

Isa ka sa mga nawawalang tupa, totoo iyan!

Hindi ibig sabihin na ayos ka na ay hindi ka nawawala kung sa araw-araw ng buhay mo ay una mong naiisip ang problema mo, ang mga bagay na nasa paligid mo. Oo, siguro marunong ka magdasal pero gaano kaugnay ang ugnayan mo sa Panginoon. Minsan hindi iyon sapat na sa tuwing nangangailangan ka lang kaya ka nagdadasal. Hindi lang ang mga taong bumabali sa sampung utos ang siyang matatawag na ligaw na tupa. Kung minsan mas malala pa ang mga religious kind. Kasi madaling sabihin na "wala akong kasalanan" sa sarili kaysa aminin sa mga tao na mayroon kang pagkakamali. Mga denial king and queen ang mga taong religious o mga taong church goer.

Sa totoo lang, walang pambabatikos, doon hinahanap ng marami ang tunay na saya at pananampalataya. Nakalimutan ng marami na ang tunay na saya, kasiyahan ay nagmumula sa puso, at ang pananampalataya ay nasa puso rin kung paano itong nagiging pakiramdam na uhaw o gutom sa katawan. Ganoon ang madalas na maramdaman ng isang tao kapag siya ay uhaw at gutom sa kalooban, na kahit anong inom niya ng tubig at kain ng anomang uri ng pagkain ay mayroon pa rin siyang gutom at uhaw na nadarama. Hindi kasi kayang punan iyon ng payak na pagtitipon na dinadaluhan ng maraming tao at kaunting aral na binibigkas ng tagapagturo ng banal na salita. Minsan, hindi pa matumbok ng tagapagsalita ang nais niyang ipalaganap dahil may kulang rin sa kaniya bilang tao. Minsan din nagagawang punan ang kulang sa payak na aral na nakukuha ang iba, ngunit hindi lahat ng mga taong dumadalo sa pagtitipon na iyon ay nabubusog.

Kung ikaw ay isang uri ng tao na laging tama sa iyong paningin, maituturing na isa ka pa rin sa mga taong naliligaw. Kailan ba naging tama ang lahat sa taong ayaw magpatalo o tumanggap na siya ay isang hindi purong nilalang. Hindi nanujuwag ang tupa, ngunit ang kambing ay oo. Kaya nga ang hinahanap ng Panginoon ay tupa, at ang naiiwan ay ang kambing. Hindi ba't may talata sa Mateo na:

Behind The StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon