Honorable, Humble Seat
So He told a parable to those who were invited, when He noted how they chose the best places, saying to them:
“When you are invited by anyone to a wedding feast, do not sit down in the best place, lest one more honorable than you be invited by him; and he who invited you and him come and say to you, ‘Give place to this man,’ and then you begin with shame to take the lowest place. But when you are invited, go and sit down in the lowest place, so that when he who invited you comes he may say to you, ‘Friend, go up higher.’ Then you will have glory in the presence of those who sit at the table with you.
For whoever exalts himself will be humbled, and he who humbles himself will be exalted.”
Luke 14:7-11 NKJV
Mula sa mga parabula, na mga turo ng Cristo Jesus sa kaniyang mga taga-sunod, ito ay maisasabuhay natin at mabuting pamantayan upang maging mabuting mamamayan. Ngunit, marami ng tao na limot na ang mga magagandang asal ng buhay dahil sa pagtuntong ng panahon ng teknolohiya. Iilan na lamang ang makikitang tunay na tumatatak ang mga mabuting asal na turo ng mga nakatatanda sa kanila. Dahil doon nababawasan na ang makakita ng tunay na kabutihan.
Sa talinghagang ito, hindi lamang sa paraan ng handaan makikita ang uri ng tao o ugali ng tao sa kapanahunan ngayon.
Sa literal na paraan, ganito ang kadalasang makikita sa mga imbitado na may mataas na tingin sa sarili. Doon sila nauupo sa upuang pandangal. Kaya nauso ang paglalagay ng mga pangalan sa upuan na siyang palatandaan upang makita ng lahat na ang mga taong nakalista sa upuan na ito ay ang mga taong itinuturing na panauhing pandangal ng pagtitipon. Kadalasan ay nagiging bulong-bulungan ng marami ang mga pangalan lalo kung alam nila at tingin nila hindi karapatdapat ang nababasa nila, at sila ang naghahangad na makaupo sa puwestong iyon.
Kung minsan din ito ay nagagamit sa paraan na sila lamang ang pangunahin, at sila sila lamang ang tingin nilang nararapat na nakaupo sa itinuturing na pangunahing upuan. Sa mga prominenteng pagtitipon ganito, hindi maiaalis iyon, pero sa pampublikong pagtitipon minsan nagagamit ang ganitong paraan ng mga tao. Lahat ng magkakakilala lang ang pangunahin. Kung hindi kasapi ng samahan balewala ka.
Sa isa pang kahulugan ng talinghagang ito, ganito ang mabuting halimbawa nito: ang mga taong nasa parehong pananampalataya, na tinawagan sa isang pagtitipon tulad ng mga huling araw, tulad ng panahong ito; may mga posibilidad na mangyari o nangyayari ang ganito.
Sa dami ng taong imbitado, at sa dami ng taong nais maglingkod sa Panginoon, sa kanilang kagustuhan, posible na makakita tayo ng ganito, agawan ng tungkulin o upuan.
Sa pangkaluluwang paraan, ang upuan na ito ay tungkulin na makapagsilbi.
Ang pag-upo sa mataas na tungkulin ay nangangailangan ng sigasig. Dahil hindi ka puwedeng umupo lamang at tumingin sa paligid at mag-astang hari na binubusog ng mga tagpagsilbi sa tuwing nais niyang kumain.
Ang pagsisilbi ay buong puso at hindi kailangan ng mga luho. Dahil kung nauuna ang mapagsilbihan ng tauhan kaysa ang magsilbi sa tao, balewala na ikaw ay isang matatawag na mabuting tagapamuno, na siyang nakaupo sa mataas na upuan, na itinuturing na panauhing pandangal ng mga pagtitipon. Magiging isa kang pabigat na pasanin sa mga nasa ibabang upuan at ng mamamayan. Tunog politika, hindi ba?
Ganiyan ang madalas na mangyari sa matataas na tungkulin sa ating bansa, ang maluluklok upang mapagsilbihan at hindi ang magsilbi, lalo doon sa mga taong sanay sa luho.
Kaya ayaw ng Panginoon Jesus sa mga taong mayayaman o maraming yaman, na sila ay maging tagapaglingkod ng Kaniyang salita. Madalas Niyang hinahanap ay ang mga taong walang alam, mangmang, makasalanan at magaspang. Dahil advantage ang hanap Niya sa ugali ng tao hindi iyong tumitiklop sa oras ng kahirapan at kapighatian, na dadanasin ng mga ito sa sandaling masabak sa tunay na laban. Mapapansin mo iyan sa mga uri ng taong kaniyang nakasama, tulad din ng paratang ng mga Pariseo at Tagapagturo ng Kasulatan.
Sana nga ay hindi ganoon ang mangyari, na ang mga taong may kaalaman sa mga bagay na pagpapabuti ng kaluluwa ng tao ay maging agawan ng puwesto o upuan na tinutukoy sa talinghagang ito. Nakatatakot isipin na ang mga nakasulat sa Aklat ng mga Apostol ay nangyayari sa kapanahunang ito. At dahil ang lahat ng mga katuruan ng Cristo ay nakaayon sa kinabukasan at hindi lamang sa panahon kung kailan ito naisulat. At dahil buháy ang mga salita ng Panginoon kaya ito ay makikita sa lahat. At huwag sanang umabot doon sa punto na ang mga nag-aakalang pangunahin ay tunay na una bagkus ay wala pala sa listahan. Masaklap, kung iisipin, masakit, at doon pumapasok ang salitang gnashing of teeth and weeping outside. Nanggagalaiti sa galit dahil alam niya sa sarili niyang tunay siya ngunit hindi niya sinuri ang sarili niya noong hindi pa nagpapatawag ng pagtitipon para sa handaan.
BINABASA MO ANG
Behind The Story
EspiritualPinili ka ng Panginoon Jesus, ngunit hindi mo nais na sumama. Kapag kinalabit ka at kinausap sumagot ka. Pasok ka! Buksan mo ang pahina nang malaman mo ang ibig sabihin ng mga ito. Hindi lamang ito tungkol sa nakaraan at hinaharap kundi ay upang m...