Wala ng Pag-aasawa

81 4 0
                                    

Wala ng Pag-aasawa

Mateo 22:29‭-‬33 MBB05

Sumagot si Jesus, "Maling-mali ang iniisip ninyo, palibhasa'y hindi ninyo nauunawaan ang mga Kasulatan ni ang kapangyarihan ng Diyos. Sa muling pagkabuhay, ang mga tao'y hindi na mag-aasawa; sila ay magiging tulad ng mga anghel sa langit. Tungkol naman sa muling pagkabuhay ng mga patay, hindi pa ba ninyo nababasa sa Kasulatan ang sinabi sa inyo ng Diyos? Sabi niya, 'Ako nga ang Diyos ni Abraham, Diyos ni Isaac, at Diyos ni Jacob.' Ang Diyos ay hindi Diyos ng mga patay, kundi ng mga buháy." Nang marinig ito ng mga tao, namangha sila sa kanyang katuruan.

Paliwanag:

Narinig na ba ninyo ang salitang "Hihintayin Kita sa Langit"? Isang titulo ng pelikula ito. Ang kuwento nang naudlot na pag-iibigan. Mali ang idea nito dahil nakasulat sa mismong talata na wala nang pag-aasawa sa langit.

Aminin mo, ikaw mismo ay hindi alam na walang pag-aasawa na magaganap sa langit kung ikaw ay mapunta sa langit.

Ako, mula noon, kahit sa batang gulang ko hindi sumagi sa isipan ko na mag-asawa. Nadala lang ako ng inggit sa mga taong nakikita ko at mga taong panay ang tanong tungkol sa relasyon at kung ano-anong bagay na may kinalaman sa pag-aasawa at pagkakaroon ng anak. Nagkaroon ako ng karelasyon noon pero ang damdamin ko ay walang sigla. Hindi ko nga alam kung bakit ko hiniling na magkaroon ng boyfriend kahit wala naman talagang spark. Marunong din namang kumilala ng guwapo at pogi ang mata ko at marunong din namang makaramdam ng kilig at paghanga ang katawan ko pero sa taong nais ko lang titigan dahil iyon ang pasok sa panlasa ko. Marami din namang nanligaw pero hindi sila gusto ng mga mata ko. Nagkasala lang ako sa ginawa ko dahil walang nangyari sa relasyon, fake feelings kaya nauwi sa wala.

Hindi lahat ng tao ay nakatakda sa pag-aasawa, isa ito sa mga turo ni Jesus Christ sa mga apostol niya. May inilagay ako nito sa Sampung Kautusan at Ten Commandments na ginawa ko.

At pagdating ng takdang panahon kung sakaling nasa langit na ang lahat ng tao, at baguhin na ang anyo natin, wala nang pag-aasawa na magaganap. Katulad na tayo ng mga anghel na makinang kung titingnan. Iyong madalas na kagustuhan ng mga gumagawa ng fairy fiction story, pero walang pakpak. Ganoon ang magiging anyo ng tao. Kaya lang ang magiging kaibahan natin sa mga anghel ay may laman at buto tayo samantalang sila ay espiritu.

At hindi lahat ng tao ay mapupunta sa langit, ang mga taong nabuhay sa kasamaan ay mananatili sa poder ng kadiliman habangbuhay. Kung gaano katagal man bago tuluyang tupukin sa walang hanggang apoy ng impiyerno, walang makapagsasabi. Pero kung ang mga taong maagang magbabalik-loob sa Diyos at magsisikap na talikuran ang kasamaan, mapapasama sa mga makinang na nilalang sa langit.

May narinig na ba tayong makinang at nagniningning na kadiliman? Di ba ang liwanag lang ang kumikinang sa anomang kapaligiran ito mapunta? Ang itim ay kabaliktaran ang ginagawa, paghigop. Ang puti ay pagsabog. Mas mahirap titigan, kaysa sa dilim na ipagmumulagat mo nang husto ang iyong mata dahil madilim at kakapain kahit hindi naman nahahawakan.

Iyon ang mangyayari, isang kakilala na lang ang turing mo sa dating karelasyon mo noon. Mawawala na ang pagnanasa sa katawan. Dahil ang magiging gawain ng tao ay katulad na rin ng mga anghel. Kung ang iba ay tanglaw sa gabi, o bantay ng aklatan, o bantay ng taniman, o bantay ng daanan, o bantay ng tempo at kung ano-ano pa, magiging ganoon na rin ang ating gawain.

Ang mga taong namatay na makasalanan ay pag-aari na ng impiyerno. At dahil ang taong nabubuhay sa mundo ay pag-aari ng mundo.

Ang taong nabubuhay sa pamamaraan ng Diyos ay para sa Diyos.

Kaya sikapin mong maging mabuting tao hanggang sa huling hininga mo nang hindi ang madilim na mundo ng mga patay ang kam'tin mo.

Ipagkalat mo ang totoong mga salita mula sa biblia.

Good luck and God blessed you, in your task in this earth while still here.

Behind The StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon