Hindi lang Tinapay ang Umaalsa

136 4 0
                                    

Hindi lang Tinapay ang Umaalsa

Kuha mo ba ang ibig sabihin ng titulo?

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kuha mo ba ang ibig sabihin ng titulo?

Hindi lang naman talaga tinapay lang ang umaalsa.

Bilin iyan ni Jesus Christ sa kaniyang mga apostol noong sila ay nagpunta sa lugar na alam niyang muli silang susubukin ng mga Pariseo.

Dalawang Uri ng Pampaalsa

NEGATIBONG PAMPAALSA

Mateo 16:5‭-‬12 MBB05

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Mateo 16:5‭-‬12 MBB05

Nang tumawid sa ibayo ang mga alagad, nakalimutan nilang magdala ng tinapay. Sinabi ni Jesus sa kanila, "Mag-ingat kayo sa pampaalsang ginagamit ng mga Pariseo at mga Saduseo." Nag-usap-usap ang mga alagad, "Kasi wala tayong dalang tinapay, kaya sinabi niya iyon." Alam ni Jesus ang pinag-uusapan nila kaya't sila'y tinanong, "Bakit ninyo pinag-uusapang kayo'y walang dalang tinapay? Napakaliit ng inyong pananampalataya! Wala pa ba kayong pagkaunawa hanggang ngayon? Nakalimutan na ba ninyo kung paanong pinaghati-hati ang limang tinapay para sa limanlibong tao? Ilang kaing na tinapay ang lumabis? Gayundin ang pitong tinapay para sa apat na libo! Ilang kaing na tinapay ang lumabis? Hindi tungkol sa tinapay ang sinasabi ko nang sabihin ko sa inyong mag-ingat kayo sa pampaalsang ginagamit ng mga Pariseo at mga Saduseo! Hindi ba ninyo maunawaan ito?" At naunawaan nila na sila'y pinag-iingat niya sa mga katuruan ng mga Pariseo at mga Saduseo, at hindi sa pampaalsang ginagamit sa tinapay.

Paliwanag:

Ang pampaalsa na tinutukoy dito ay ang paraan ng mga Pariseo ng pananalita upang kanilang mapagsalita si Jesus tungkol sa kaniyang pagkatao.

Pari silang naturingan ngunit wala silang pananalig bukod dahil sa katuparan iyon upang madala sa krus ang Cristo, ay wala talaga silang kahit maliit na paniniwala na si Jesus ang tinutukoy sa mga pahayag na sinabi ni Isaias, na kanilang madalas na basahin sa loob ng sinagoga sa tuwing araw ng pagsamba. Ang pagninilay nila sa kasulatan ay hindi pumapasok sa kanilang isipan at katauhan. Hindi nila maunawaan ang nakasaad na pahayag tungkol sa darating na Cristo. Hindi sila naniniwala dahil ang alam nila taga-Nazareth siya at ang nakasaad sa kasulatan ay Anak siya ni David at magmumula sa bayan ng Judah.

Iniiwasan din sila ni Jesus dahil sila ang katuparan ng mga nakatakda sa buhay niya at hindi maaaring mapaaga o mapabilis ang kamatayan niya dahil hindi pa tapos ang tungkulin niya sa mga tupang bulag noon sa katotohanan.

Ang paraang ito ay madalas na nasa mga taong hindi marunong magtimpi o kaya at nasasagad na ang kanilang kabaitan, umaalsa ang damdamin na magdadala sa kanila ng mainit na pakiramdam at masamang pakikitungo sa kausap o usapin. Nagiging dahil upang maging makasalanan.

POSITIBONG PAMPAALSA

Mateo 13:33 MBB05

Nagsalaysay pa si Jesus ng ibang talinhaga. "Ang kaharian ng langit ay katulad ng pampaalsa na hinahalo ng isang babae sa tatlong bakol na harina, kaya't umalsa ang minasang harina."

Paliwanag:

Ito naman ay positibong pampaalsa.

Ito ang tungkol sa mga salita ng Diyos na pumapasok sa puso natin at sumasakop sa buong katauhan. Magiging bahagi tayo ng langit kung mapapasama tayo at kakain ng tinapay na mula sa langit.

Ang salita ng Diyos ay hinahalintulad sa tinapay.

At ang tinapay na may pampaalsa ay hindi mabuti kung ang dala nito ay masiraan ng tiyan o pagdighay nang maraming beses.

Literal man o hindi, kagawian na ito ng mga Hudyo na maghain ng tinapay na walang pampaalsa.

Alam ba ninyo na nakakain na ako ng tinapay na walang pampaalsa?

Iyong hotcake o pancake na dati kong niluto na walang pampaalsa. Tinusta ng kaunti para magmukhang kaaya-aya. Masarap naman iyon, iyon lang manipis. Kung afford mong gatas imbes na tubig, mas masarap. Madalas kasi tubig ang gamit ng ibang nagbebenta niyon kaya hindi masarap kahit na ginamitan nila ng baking powder. Wala sa pampaalsa ang lasa ng isang homemade tinapay, nasa ingredients.

Ganoon din iyan sa mga salita ng Diyos, hindi puwedeng idaan sa paalsahan o payabangan, na ikaw ay nakapagtuturo sa isanlibo, siya ay isandaan lang, samantalang iyong isa walang pumapansin.

Minsan din bulag ang mga kasapi ng malaking grupo dahil lahat sila nakatingin sa de-tuksedong mangangaral, tapos iyong iba sa bahay-bahay lang at iyong isa sa kalye lang.

Iisa ang paniniwala, si Cristo, pero ayaw naman makinig ng isa sa isang nangangaral. Mas marunong ang isa sa isa, hindi nila nauunawaan ang isa't isa. Pareho silang bulag at bingi sa gawain nila.

Behind The StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon