Sa aklat ng Mateo, may isang parabula doon na may kinalaman sa Fig Tree, na natuyo nang sumpain ito ni Jesus.
Mateo 21:18-22 Kinaumagahan, nang si Jesus ay pabalik sa lunsod, siya'y nakaramdam ng gutom. Nakita niya ang isang puno ng igos sa tabi ng daan at nilapitan iyon. Wala siyang nakitang bunga kundi mga dahon lamang. Kaya't sinabi niya dito, "Hindi ka na mamumunga kailanman!" Agad natuyo ang puno. Nakita ng mga alagad ang nangyari at sila'y namangha. "Paanong natuyo agad ang puno ng igos?" tanong nila. Sumagot si Jesus, "Tandaan ninyo: kung kayo'y mananalig sa Diyos at hindi mag-aalinlangan, magagawa rin ninyo ang ginawa ko sa puno ng igos na ito. Hindi lamang iyan, kung sasabihin ninyo sa bundok na ito, 'Umalis ka riyan, at tumalon ka sa dagat,' mangyayari ang inyong sinabi. Anomang hingin ninyo sa panalangin ay tatanggapin ninyo kung nananalig kayo."
Marcos 11:12-14 Kinabukasan, nang pabalik na sila mula sa Bethania, si Jesus ay nakaramdam ng gutom. Nakita niya sa di-kalayuan ang isang malagong puno ng igos. Nilapitan niya ito upang tingnan kung may bunga. Dahil hindi pa panahon ng igos noon, wala siyang nakita kundi mga dahon lamang. Kaya't sinabi niya sa puno ng igos, "Wala nang makakakain pa ng iyong bunga." Ang sinabi niyang iyon ay narinig ng kanyang mga alagad.
Marcos 11:20-26 Kinaumagahan, pagdaan nila'y nakita nilang natuyo ang puno ng igos hanggang sa mga ugat nito. Naalala ni Pedro ang nangyari dito kaya't kanyang sinabi kay Jesus, "Guro, tingnan ninyo! Patay na ang puno ng igos na isinumpa ninyo." Sumagot si Jesus, "Manalig kayo sa Diyos. Tandaan ninyo ito: kung kayo'y nananampalataya sa Diyos at hindi kayo nag-aalinlangan, maaari ninyong sabihin sa bundok na ito, 'Umalis ka riyan at tumalon ka sa dagat,' at ito nga ay mangyayari. Kaya't sinasabi ko sa inyo, anuman ang hingin ninyo sa inyong panalangin, maniwala kayong natanggap na ninyo iyon, at matatanggap nga ninyo iyon. Kapag kayo'y tumayo upang manalangin, patawarin muna ninyo ang nagkasala sa inyo upang ang inyong mga kasalanan ay patawarin din ng inyong Ama na nasa langit."
Sa paliwanag na iba bukod sa isang nabasa ko na rin sa isang website tungkol rin sa Fig tree,
Kung ito ay isang halimbawa ng tao, at siya ay makasalanan napakadali niyang matutuyo kung siya ay isusumpa o bibigyan ng katapusan.
Ang puno ay nagbubunga kung ito ay mabuti, ganoon din ang tao, kung ito ay may ginagawang mabuti. Ang bawat bunga ay katumbas ng bawat isang kabutihan anomang uri ng kabutihan ang mga ito. Ang puno rin ay halimbawa ng isang naglilingkod sa Panginoon, na kapag hindi naibibigay ang kahilingan niya, na isang nagugutom, ang puno ay walang mabuting bunga. Ang puno na ito ay walang tubig na nakukuha sa kaniyang mismong tagapagdilig, ang Langit, kung saan naroon ang Panginoon. Ang sustansiya ay nagmumula sa lupa at sa tubig, sa mismong tagapagbungkal, tagapagtanim, at tagapag-ani, na rin.
Katulad ng panaginip ko, isang puno ng mangga na may bungang mangga at atis. Ang atis ang simbolo ng taliwas na bunga. Inaalis namin iyon at nahuhulog hindi katulad ng bungang mangga na hindi napipitas sa kaniyang sanga.
Positibo ang ibig iparating dito.
Katulad ng puno ng igos na walang bunga ito ay nararapat na matuyo na lang at pagkatapos ay puputulin ng mga mangangahoy at gagawing panggatong hanggang maging abo na lang. Iyan ang isang aral mula sa Puno ng Igos. Kapag walang bunga ang iyong buhay walang duda na matutuyo ka at pakiramdam na laging uhaw, gutom, naghahanap ng kaginhawaan sa gitna ng mainit na sitwasiyon, parang literal na nararamdaman ito, akala mo minsan tunay na gutom pero hindi, spiritual na gutom iyon. Sabi nga; hindi lamang sa tinapay nabubuhay ang tao, sa salita niya rin.
Katanungan:
Ikaw, puno ka rin ba na hindi nagbubunga?
Nais mo bang maging panggatong na lang?
Saan ba may apoy na hindi natatapos?
Isa Pang Kahulugan na Tungkol sa Puno ng Igos:
Pero, kung susuriin ang tungkol sa igos, may isang bahagi pa na siyang magbibigay ng panibagong kahulugan. Ang pananalig, tungkol sa pagtataboy ng mga masamang espiritu ang isang tinutukoy dito.
Kung nananalig ka sa Diyos magagawa mong magpalayas ng masamang espiritu sa taong may sanib ngunit kung wala, pati ikaw ay madadamay sa nangyayari sa taong iyon.
Gamitin sa Tama ang iyong Kapangyarihan hindi sa kawalanghiyaan o kamunduhan lamang.
Salamat sa panahon mo, alam kong kahit paano ay may mapupulot ka dito, dahil ang kaalaman ay nakatago sa mga pahina ng Aklat na Banal. Hindi lamang dahil kabutihan ang mayroon dito, higit pa doon.
God is Watching Us.
Be Fruitful not only by Money but in Good thoughts and Deeds. Money is just a Piece of Metal but Wisdom is Forever.
BINABASA MO ANG
Behind The Story
SpiritualPinili ka ng Panginoon Jesus, ngunit hindi mo nais na sumama. Kapag kinalabit ka at kinausap sumagot ka. Pasok ka! Buksan mo ang pahina nang malaman mo ang ibig sabihin ng mga ito. Hindi lamang ito tungkol sa nakaraan at hinaharap kundi ay upang m...