Nagtanim ka ba ng Buto ng Mustasa?

522 4 1
                                    

Sa pagpapatuloy, isa pang talinghaga ang isinalaysay ni Jesus sa kanila. "Ang kaharian ng langit ay katulad ng isang buto ng mustasa na itinanim ng isang tao sa kanyang bukid. Ang buto ng mustasa ang pinakamaliit sa lahat ng binhi. Ngunit pagtubo nito, ito'y nagiging mas malaki kaysa alin mang halaman at nagiging punong-kahoy, kaya't nakapagpupugad ang mga ibon sa mga sanga nito."

Mateo 13:31‭-‬32

Paliwanag:

Ang buto ng mustasa ay siyang mabuting aral na ipupunla sa puso ng isang tao. Kung tumubo ito magiging mayabong at maaring kalugdan ng Diyos.

Kung ang buto ng mustasa ay itinanim sa masamang lupa at tuyo, ito ay hindi tutubo at hindi yayabong. Magiging kasama lang ito sa lupa hanggang matuyo.

At kung ang buto ng mustasa ay itinanim sa mabuting lupa, ito ay maaaring tumubo at yumabong. Magbubunga pa ito, lalaki at tumayog patungo sa langit.

Nakapagtanim ka na ba ng mustasa sa iyong puso?

Gaano na ba ito kataas? O gaano ba ba ito kayabong?

Ang pagtatanim ay hindi madaling patubuin lalo kung maraming peste sa paligid na handang puksain ang iyong binhi upang ito ay mabulok.

Kailangan mong alagaan ang iyong tanim nang hindi ito lapitan ng mga peste. Katulad ng mga salita ng taong kumukutya sa iyo dahil nais mong tumuwid ang iyong nilalakaran, at nais mong makasama sa Kasalan ng Kordero (Wedding of the Lamb).

Ano ang paraan upang makasama?

Pagsisisi sa mga kasalanan maliit man o malaking uri ng kasalanan.

Behind The StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon