10. Ang Alay Mong Banal na Tupa ay nasa Langit
Walang Taong Di-makasalanan
Ang laman nito ay tumatalakay sa mga tao, kasama ka anomang katayuan mo sa buhay. Dahil maraming tao na nagsasabing kilala nila ang Diyos ngunit hindi nila ginagawa ang mga Utos ng Diyos.
Sa isang website na aking hinanap at dahil may nais akong malaman tungkol sa mga relihiyon ng tao sa buong mundo, nalaman kong humigit dalawampu ang bilang ng mga tinalagang relihiyon ng mga tao alinsunod sa kanilang paniniwala, at hawak ng Christianity ang kalahati sa papulasyon nito, bukod sa ibang mga hindi 'christian' ang tawag sa relihiyon nila. Hindi lahat ng Christian ay tunay na Christian, dahil hindi nila ginagawa ang nakasaad sa pagiging Christian, nabinyagan lang sila pero walang actuality ng gawaing Christian. Iyon ang masaklap!
Ang salitang Christian ay nagsimula noong tawagin ni Saul o Pablo na 'kapatid kay Cristo' ang mga tao at doon nagsimula na madugtungan ito hanggang maging isang katawagang pantao at katawagan sa mga naniniwala at nabinyagan sa pangalan ni Cristo o Messiah.
Ang Messiah o Messenger o Taga-pamagitan ay iisa lamang. Anoman ang gamit mong salita magtatapos ito sa salitang "Cristo": ang Espiritu na nagkatawang tao.
Sa Anong Dahilan at Bakit Kailangan ng "Cristo"?
Dahil makasalanan ang tao sa simula't simula pa lang! Si Eba at Adan, at ang lahat ng mga naging anak nila hanggang pati mga anghel ay dumamay na gumawa ng kasalanan. Pinarusahan at binura sa mundo, natira ang angkang pinili, si Noa at ang pamilya niya. Ngunit hindi pa rin tumigil ang kasamaan ng tao dahil dala ng mga ito ang nakaraan bago sila maligtas kasama ang maraming uri ng hayop.
May kaugalian ang mga sinaunang angkan ng tao noon, ang pag-aalay sa Diyos ng kanilang mga tinamasang grasya mula sa paligid.
Si Moises ang kauna-unahang pinagawa ng paraan ng pag-aalay ng kinatay na hayop sa Diyos upang basbasan sa pamamagitan ng dugo ng mga ito, nasa biblia ang paraang ito. Kay Moises din pinasimulan ang paraang pagsamba na gumagamit ng mga bagay na banal o binasbasan mula sa dugo ng hayop at dasal na kahilingan sa pagtanggap ng Diyos sa anomang iyong nais idulog, ang kandila, insenso at pag-aalay ng pagkain.
Naging kagawian ito ng mga Hudyo, ang lahing pinili ng Diyos.
Nawala ang lahat ng kagawiang ito nang magsimulang maging makasalanan ang mga tao na kaniyang pinili. Nabalewala ang halaga ng pag-aalay ng kinatay na hayop at dasal ng kahilingan at gabay dahil ang mga tao noon --panahon bago si David at ang mga sumunod sa kaniya-- naging makasalanan. Dahil sa mga kasalanan nila "hindi na tinanggap" ng mismong Amang Diyos ang mga ganitong ritwal na gawain nila.
Dahil dito, isinusumpa kong hindi mapapawi ng anumang handog ang kalapastanganang ginawa ng sambahayan ni Eli." 1 Samuel 3:14
Nagalit sa kanila at iyon ang umpisa ng mga malalagim na panahon ng Israel hanggang dumating ang panahon na magbalik-loob sila. Naging payapa uli kahit paano ang bayan ng Jerusalem. Jerusalem muna noon bago Israel, ngayon Israel na ang pinaka pangalan nilang lahat. Nasa ilalim ng Roman Empire ang Israel ng isilang ang Diyos Anak bilang tao. Nasa Isaiah ang propesiya dito, na ang mga bansang nasa Israel noon ay magiging maamo, lahat ng mabangis ay hindi mangangagat at lahat ng maamo ay hindi matatakot. Nangyari iyon nang si Cristo ay dumating at nangaral na.
Ito ang malaking isipin ng mga taong hindi naniniwala sa Cristo, paanong naging Diyos ang isang tao kung hindi naman nag-asawa ang Diyos ng tao?
Walang physical contact dito, espiritu at katuparang salita nang sumagot si Maria na tinatanggap niya ang kagustuhan ng Diyos na mangyari. Natupad iyon at kaagad nabuhay sa sinapupunan niya ang espiritu ng Diyos. Nagkaroon ng laman ang isang espiritung nilalang.
Hindi katulad ng mga anghel na bumaba sa lupa at pumili ng mapapangasawang tao at sumiping dito, anong kinalabasan? Higante! Dahil higante ang tunay na anyo ng mga anghel sa langit. Hindi ka maniniwala alam ko na iyon. Ako, kahit paano, nakakita na ng anghel, iyon lang sa panaginip nangyari. Malaki sila, katulad ng panaginip kong pinamagatan kong Panganib-an. Hawak niya sa kilikili ang taong nakikita ko at hindi man lang nahirap na gawin iyon. Imagine iyong taong may hawak ng malnourish na bata, ganoon ang eksena.
Anong purpose ni Cristo?
Imbes na kumatay ng hayop ang lahat ng tao sa tuwing sumasamba sa Diyos o lumalapit ay hindi na kailangan. Ang Taong pinatay sa krus na banal, na may Espiritu ng Diyos ay sapat na upang mamagitan sa buong sangkatauhan sa tuwing nais mong lumapit sa Diyos.
Si Jesus ang tupa na alay ng mga tao sa tuwing lalapit sa Diyos.
Si Jesus ang makapangyarihang alay na kailangan mong tawagin higit kaysa sa mismong Diyos.
Ang pangalan ni Jesus o Hesus o anoman ang bigkas mo dito ang tanging batingaw na maririnig sa langit kung ikaw ay nagdadasal o humihingi ng kapatawaran sa anomang kasalanan.
Ikaw ba, nag-aalay ka pa ba ng kinatay na hayop sa tuwing nagpupunta ka sa bahay-dasalan kung kailangan mong magdasal o mag-alay sa kung anoman ang gagawin mo dito? Hindi na di ba? Didiretso ka na lang lumuhod o kaya ay tahimik na mauupo habang nakapikit sa iyong puwesto. Wala kang ibang bitbit kundi ang iyong pitaka at sarili.
Sana'y may katuturan kang mapulot sa bahaging ito ng aking sulatin.
Ang bahaging ito ng sulatin ay inaalay ko sa Diyos.
To God be the Glory!
Amen.
BINABASA MO ANG
Behind The Story
SpiritualPinili ka ng Panginoon Jesus, ngunit hindi mo nais na sumama. Kapag kinalabit ka at kinausap sumagot ka. Pasok ka! Buksan mo ang pahina nang malaman mo ang ibig sabihin ng mga ito. Hindi lamang ito tungkol sa nakaraan at hinaharap kundi ay upang m...