Panay ang paglilibot ng mga mata ko sa buong labas ng bahay.
There's a big black gate with curves colored with gold and a cursive writing of the word vaughan.
I thought it was this homy but..it's creepy yet elegant.
Sinalubong kami ng dalawang guards na nagbukas ng gate at bumati pa kay Claudine.
Nakapasok na kami at nakita ko kung gaano ito kalaki sa loob.
May dalawang garden sa magkabilang gilid.
May fountain din sa gitna. Inikot ni Claudine ang sasakyan, sinusundan ang pabilog na fountain hanggang sa pumarada na kami sa tapat ng mansion nila.
Isang wooden mahogany door ang bumungad sa amin.
Ng tuluyan na kaming makapasok, bumungad sa amin ang napakalaking chandelier na nagbibigay liwanag sa buong first floor.
May kusina sa dulo at may mahabang mesa at mga upuang nakahilera sa dining area.
Ang living room naman ay may leather creamed color couch na L square at may maliit na glass table.
May mga libro rin sa shelves sa bawat corner.
The design of the house is very modern. Almost perfect.
"By the way, hindi ka pala matutulog sa room ko. Sa guest room ka. Wala kase akong extra bed." Sabi nya ng paakyat na kami sa wooden stairs nila.
"Okay. Salamat talaga Clau." Sabi ko.
She chuckled. "Sige na, ituturo ko na kung saan ang guest room." Sabi nya.
Ng makaakyat kami sa second floor, may maliit na mesa at L square couch ang sumalubong sa amin tapos mga nasa tatlong pintong kaharap ng couch ilang pulgada ang layo.
"This is my room. Dito mo ko hahanapin or sa kabilang door kase office slash study room yun." Sabi nya.
"And this is your room. Katabi lang ng office room." Sabi nya at binuksan ang pintuan ng guest room.
Nagulat ako sa nakita ko sa loob.
Almost surreal.
Cream colored ang theme ng kwarto. From the thick curtains to the bedsheets, the vanity, the door, the pillows and the corner chair.
This is..this is too much.
"This is too much Clau. I can stay at the living room. Or maid's room." Sabi ko.
"Nah. It's okay ano ka ba." Sabi nya at pinasok ang mga gamit ko.
"You can put your clothes inside the cabinet." Sabi nya at lumabas.
Sumunod naman ako.
"I just need to rest for a while. Marami pa akong paperworks na tatapusin." Sabi nya.
"Sandali, ano ba trabaho mo?" I hesitantly asked.
"Business. You know, blood source." Sabi nya at ngumiti.
Napalunok naman ako sa sinabi nya.
"Sige ha. Tawagin mo lang sila manang remie pag may kailangan ka." Sabi nya at nagwave ng papasok na sya sa kwarto.
Blood source.
Pumasok ako ng kwarto at umupo sa kama ng maisarado ko na ang pinto.
Kailangan ko ng blood source dahil ikamamatay ko pag tuluyang nag run out ako sa blood.
Yun ang sinabi ng nurse.
Hindi pala simpleng lagnat lang ang nangyari sa akin noong kailan lang.
YOU ARE READING
The Devil in Disguise✔(On-Going)
VampireThe Devil in Disguise. "Beyond the mask is a devil in Disguise." All rights reserved. Vampire story. Date Started: April 17,2017 Date Ended: