Umuwi ako ng bahay kasabay si Claudine. Nag overtime ako para makakwentuhan pa sya at may makasama sya pauwi.
Naabutan ko si Logan na nakatulog sa sofa.
"Nako, nakatulog na yan sa kakahintay sa inyo." Sabi ni Manang Remie.
"Pero kumain na po sya?" Tanong ko.
"Oo. Kanina ayaw nya dahil hihintayin ka daw nya magluto pero sabi ko, baka gabihin kayo kaya kumain din bago matulog." Sabi nya pa.
"Napalapit na sya sa iyo Charlotte." Sabi ni Clau at ngumiti.
"Sana magkaroon din kami ng bonding." Sabi nya at humalik sa noo ni Logan bago umakyat.
"Sige na. Mauuna na ako." Sabi nya at kumaway.
Pinagmasdan ko lang si Logan.
Naaawa ako sa katulad nya. Kulang sa pagkalinga.
Binuhat ko na sya. Medyo magaan lang naman kaya naiakyat ko na sya.
Binuksan ko ang pinto at ihiniga sya sa kama.
Agad ko naman syang kinumutan at pinatay ang ilaw.
"Goodnight." Sabi ko at sinarado ang pinto.
Nakita ko naman si Darwin sa balcony ng third floor.
Kahit nakatalikod sya, alam kong sya yun. His lean, masculine and poise aura. It's very familiar.
Nakita ko ang pagdungaw nya sa baba.
Agad na akong bumaba.
Gusto ko syang iwasan.
I loathe him so much.
Pumasok ako ng kwarto at nakita ko ang kwarto ko.
Inaakit ako ng kama kaya hindi na ako nagpalit ng damit.
Natulog na ako kaagad.
--
Halos mag iisang buwan na ako rito.
So far, nakakasunod ako sa schedules ko.
I took the course Business administration.
I want to learn business.
Ganun lagi ang schedule ko.
Magigising ako ng maaga para sa trabaho ko at papasok ako ng ala una para sa pasok ko.
Umuwi ako ng maaga ngayon. Mga six o' clock pa lang dahil maaga kaming dinismiss ng prof ko.
--
"Logan!" Sabi ko pagpasok ko ng bahay.
Nakita ko naman ang mga katulong na naghahanda ng mga pagkain.
"Hi manang! Ano pong meron?" Tanong ko.
"Nandyan po si Miss Ramona. Yung huling nobya ni Mr. Darwin." Sabi ni Manang Remie.
"Ah. Okay po. Si logan po?" Tanong ko.
"Nasa itaas." Sabi nya at nagmamadaling inilapag ang mga plato.
Umakyat na ako at nagpalit ng damit.
Agad naman akong umakyat at nakita ko ang kwarto ni Logan na nakasara.Samantalang, ang kwarto naman ni Darwin ay ganoon rin.
Pumasok na ako sa kwarto ni Logan at sinilip sya.
Wala sya roon.
Kumunot ang noo ko.
Lumabas ako para silipin sya sa balcony.
YOU ARE READING
The Devil in Disguise✔(On-Going)
VampireThe Devil in Disguise. "Beyond the mask is a devil in Disguise." All rights reserved. Vampire story. Date Started: April 17,2017 Date Ended: