22nd Chapter

181 12 2
                                    

Habang nasa sasakyan kami, hindi ko maiwasang magtanong ng mga bagay na ineexpect kong makikita ko roon.

"Darwin, do you think your family will like me for you?" Tanong ko.

Napasinghap sya at tumawa ng kaunti. But beyond those laughters, I know the melodic sound of worry from him.

"Of course they will. You are more than what I deserve." Sabi nya.

"And don't frustrate yourself. Just..just please calm down. Don't let them frustrate you." Sabi nya.

"Okay." Sabi ko lang at dinungaw ang bintana.

This is it. The atmosphere welcomes me again. I'm here again.

Pumasok na kami sa malaking gate ng mansion na ngayon ay okupado ang labas ng mga bisita at mga ilaw sa paligid.

"Seems like, the celebration's starting already." Sabi ni Darwin.

Hinawakan nya ang pisngi ko at ginalaw galaw ang thumb nya.

"You and I against the odds. Forever." He said.

Bumaba na sya at pinagbuksan ako.

Nilahad nya ang braso nya at naglakad na kami papasok sa maliwanag na mansion nila.

Habang naglalakad kami, parang gusto ko na lang tumakbo ulit pabalik at dun manatili. Nakabibingi ang tibok ng puso ko at hindi ko alam kung gaano ako namumutla ngayon.

Bumukas ang pinto at sinalubong kami ng mga halakhakan, usapan at ingay na mabilis na humupa dahil sa presensya namin.

"Kuya Darwin! Ate Charlotte!!" Masayang bati ni Logan atsaka ako niyakap sa baywang dahil yun ang height nya.

Ngumiti ako at binigay sa kanya ang regalo kong laruan. Yun ang alam kong makakapagpasaya sa kanya.

"Happy birthday Logan!" Sabi ko at yumakap.

Nakita ko ang pagningning ng mga mata nya. Ngumiti sya at niyakap ko naman.

"Thank you! I missed you!" Sabi nya.

"Happy birthday bro! You're a big boy now." Sabi ni Darwin at binigay ang regalo nyang damit.

"Thank you kuya! Yes I'm a big boy now." Sabi nya at ginulo naman ni Darwin ang buhok nya.

Sumalubong si Claudine sa amin na nakachampagne colored long hown at high silver heels.

"Hey Kuya Darwin!" Sabi nya at yumakap.

Nakita ko ang pag subok nyang ngitian ako. Ngumiti rin ako pabalik.

I missed them.

"Oh! Anak!" Sabi naman ni Mrs. Vaughan at niyakap sya as well as Mr. Vaughan.

Tinignan lang nila ako pero si Mr. Vaughan ay tumango lang sakin.

"Let's sit." Sabi ni Darwin at umupo kami sa pabilog na mesa para sa apat.

Si Logan at Claudine ang nakaupo sa dalawang bakanteng upuan katapat namin.

"You hungry?" Tanong niya.

"Uhm No. Hindi pa ako nagugutom eh." Sabi ko.

He nodded.

Sinalubong sya ng mga pinsan nya at titas and titos.

"Hey man! Who's this?" Tanong ng isang masiyahing lalake na sa tingin ko'y kaedad lang namin.

"Kevin, this is Charlotte. My girlfriend." Sabi nya.

"Man! You know, you missed a lot! Come join us!" Sabi naman ng isa pa na tinawag kanina bilang Joshuel.

"Charlotte can I?" Tanong nya.

The Devil in Disguise✔(On-Going)Where stories live. Discover now