[04]

459 39 12
                                    

"Oy! kanina ka pang nakatingin dyan sa phone mo? Ano bang meron?" Nang di ako umimik ay sumilip sya sa phone ko.

"Uhum! Gusto mong i-chat? Ano pang hinihintay mo?"

"Hindi ko alam ang sasabihin ko. At tsaka, baka di sya magreply." di ko maiwasang di mag-isip ng negatibo. Sa nangyari sa cafe ay malaki ang posibilidad na di nga sya magreply kung magmi-message ako sa kanya.

"Friendsis, there's no harm in trying. Malay mo, magreply sya. Para na rin mabawasan yang pagiging emotera mo. Nakakasakit sa bangs." aniya. Para namang may bangs sya, eh wala naman. "Five years mo na syang iniistalk dyan sa twitter. Masasama ka na sa Guinness book."

Napasimangot ako sa kanyang tinuran. Guinness talaga. At oo tama sya, iniistalk ko si Pierre sa twitter account sa loob ng limang taon. It's my only way para makabalita tungkol sa kanya. But sad to say, hindi na sya active user ng Twitter. Di ko nga alam kung ginagamit pa ba nya ang kanyang account.

Napahinga ako ng malalim. "Okay! susubukan ko."

"Good! and good luck." mataray nyang ani.

Good luck talaga sa'kin.

*

Apink's Naeun as Amanda

*

an: ipapaalam ko lang. expect nyo po ang maraming pov's dito. 😉

Twist and ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon