[19]

386 35 27
                                    

"Uno, Lance, saan kayo galing? Ang aga nyo yatang nawala. Wag nyong sabihing ang isa't isa ng ang trip nyo't nagsi-secret date kayo." malokong ani Green na kasalukuyang kumakain ng damo-- este ng brunch kasama ang iba pa nilang mga kaibigan. Saglit na sinulyapan ni Pierre ang mga bagong dating bago muling itinuon ang atensyon sa pagkain.

"Kumain na kayo, dude. Baka ubusan kayo ni Riggo." agad naman ang pag-angal ni Riggonsa sinabi ni Ynigo.

"Gago! Si Trent oh." turo naman nito kay Trent na tuon na tuon ang atensyon sa kinakain.

"Kumain nalang kaya kayo." saway ni Seb sa mga ito. "Uno, Lance, kumain na kayo. Saan ba kayo galing?"

"Hinatid lang namin ang kapatid ko at si Amanda sa airport. Bumalik na silang Manila. Bukas kasi ang flight nila pabalik ng America." Silang lahat na kumakain na ay halos sabay na natigilan. Maging si Pierre ay ganon din pero di iyon napansin ng iba.

"Akala ko dito na ulit kayo maninirahan sa Pilipinas." takang tanong ni Azul.

"Change of mind. Gusto nalang nya don sa America. Gusto nyang makapag-asawa ng kano." Kunot na kunot ang noo ni Pierre habang nakikinig sa pag-uusap ng mga kaibigan. Hindi nya pansin ang pasinpleng pag-obserba sa kanya ni Uno.

"Mas gwapo naman ako keysa mga foreigner na yan. Papakasalan ko nalang si Mariah." ani Calvin. Nakatanggap naman sya ng kontrang mga tingin mula sa ilan sa kanila.

"Ulol! Ayaw kitang maging brother-in-law. Malalahian kami ng pangit." Ikinanguso ni Calvin ang sinabi Uno na ikinatawa ng iba. "Biro lang naman yon, hindi naman sila babalik ng America. Bumalik silang Manila dahil mag-i-enroll sila para ngayon pasukan."

"Saang University?" curious na tanong ni Gray.

"Montgomery." si Lance ang sumagot.

"Woah!" nagsingisihan ang halos lahat sa kanila.

"Cool. Kuya, anong gusto mong regalo sa birthday mo?" todo ngiting ani Azul kay Uno.

"Gago. Di tayo magkapatid. Wala sa lahi namin ang kinulang sa height."

Naggulat nalang ang lahat ng biglang umalis si Pierre ng di tinatapos ang pagkain.

"Anyare don?" takang tanong ni Trent.

Bigla namang nagtawanan sina Green at Azul.

"Lam na."

Twist and ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon