[37]

411 40 32
                                    

"Pierre, akin nalang yang pagkain mo. Di mo naman ginagalaw." Matalim ang tinging ibinigay ni Pierre kay Azul na kinuha nalang basta-basta ang pagkain nya.

"Hoy! Azul, di maganda sayo ang kumain ng kumain. Pandak ka na nga, magpapataba ka pa. Magiging tatay ka na ng mga unano. Dapat cherifer ang laklakin mo. Nang tumangkad ka naman kagit one inch lang." Para namang naglalabas ng apoy ang mata na tiningnan ni Azul si Green.

"Eh kumain ka na lang kaya ng damo, kabayo ka di ba?" ganti nito.

"Eh kung pag-untugin ko kayo." iritang ani Ynigo sa mga ito. Agad naman ang mga itong nagsitahimik.

"Mga dude." halos sabay na bumaling ang lahat maliban kay Pierre sa dumating na si Lay. Malawak ang ngiti nito.

"Dude, parang ang saya natin ah." puna ni Gray dito. Mas lalo naman itong ngumiti saka ito naupo sa bakanteng upuan na katabi nya.

"Hmm! May ipapakilala ako sa inyo." di maitatago ang excitement sa boses nito. Nanatiling syang tahimik habang ang mga kaibigan nya ay curious na nakikinig kay Lay.

"Chics ba yan." nakangising tanong ni Azul.

"She's an angel." sagot na Lay na nagpahiyaw sa mga kaibigan nya. Mas lalong nawalan sya ng gana sa sinabi nito. "They're here."

Di sya nag-abalang tumingin sa kinawayan nito. May hula na sya kung sino. Ang laging bukambibig nito.

*

Napahinto sa tuluyang paglapit si Mariah sa mesang kinaroroonan ni Lay ng makilala nya ang mga kasama nito. She blinked few times baka kasi nagkakamali lang ang paningin nya pero talagang ang mga ito ang kasama ni Lay. Nagtataka sya kung bakit magkakilala ang mga ito. Bakit kilala nito sina Pierre?

Her eyes settled on someone na tahimik lang na nakaupo at walang pakialam sa paligid nya.

"Friendsis, sila ang mga kaibigan ni Lay mo. Small world." Nagsalubong ang mga kilay nya sa sinabi ni Amanda. 'Lay mo?' Where on hell did she get that? Sasawayin pa sana nya ito ng lumapit si Lay sa kanila.

"Oh my god! friendsis, ang gwapo nya. Bagay kayo." Inis na siniko nya ito at pinandilatan. Sinimangutan naman sya nito.

"Mariah, Amanda. Halika kayo." anito at iginiya sila sa mesa na inuukopa nito at ng mga kasama. Nasa kanila ang lahat ng mga tingin ng mga naroon sa mesa maliban kay Pierre.

"Guys! I want you to meet--" Hindi naituloy ang pagpapakilala ni Lay sa kanila dahil sumabat si Azul.

"We know her." anito na sinundan ng tawa. "You have mentioned her to us and we know her coz she Uno's sister."

Umawang naman bahagya ang bibig ni Lay dahil nagulat ito sa nalaman pero agad din itong nakabawi at ngumiti.

"Really! Magkapatid pala kayo ni Uno. Wow." tuwang anito. Tumango naman sya at pilit na ngumiti. Wala sa pag-uusap ng mga ito ang kanyang focus. Na kay Pierre na di man lang nag-abalang tumingin sa kanya o di yata batid ang presensya.

Lihim nyang kinagalitan ang sarili. Bakit nga ba naman sya nito papansinin? Ni ayaw nga yata sya nitong makita. Gusto nyang umalis nalang sana dahil di nya kayang umaktong normal kapag nasa malapit lang ito.

"Amanda, have a seat. Mariah, dito ka na maupo." Parang sasabog sa kaba ang kanyang puso ng ang itinurong upuan ni Lay ay ang katabing upuan ni Pierre. Para yatang nanadya ang pagkakataon. Di naman nya magawang magreklamo. Kung pwede lang sana na malaho nalang sya na parang bula.

Wala syang nagawa kundi umupo na katabi nito. Si Lay naman sa kanan nya. Napapagitnaan sya ng dalawa. Pansin nya ang mga pigil na ngisi ng kaharap nyang sina Azul at Green.

Bakit kaya?

"Uhm! Mariah, si Pierre at Ynigo nga pala ang mga pinsan ko." tumingin sya kay Amanda na nakatingin din sa kanya. Pasimple syang lumunok saka pilit na ngumiti at tumango-tango. Wala kasi syang maisip na sasabihin.

"Saan nga pala kayo nagkakilala?" si Gray ang nagtanong.

"Sa restaurant. We bump into each other ng galing akong comfort room at sya naman papuntang ladies room." pagkikwento ni Lay. Parang naman di remote control na sabay na tumango-tango sina Gray, Green at Azul.

"Fate." komento ni Azul.

"Hindi. It's destiny." ani Green.

Nangunot ang noo ni Mariah sa mga pinagsasabi ng mga ito. Si Lay naman ay bahagyang natawa.

"Isn't it me being lucky?" naramdaman nyang nakatingin sa kanya si Lay kaya nilingon nya ito at di nga sya nagkakamali. Mataman itong nakatingin sa kanya na parang wala itong ibang nakikita kundi sya lang. "I'm lucky I met Mariah. I'm lucky I finally meet my angel."

Matamis sya nitong nginitian. Ngiting pagpapahulog sa kahit na kanino dito. Ang tingin ay parang may pinapahiwatig sa kanya. It was something--

Naputol ang kanyang iniisip ng madinig nya ang maingay na tunog ng pagbagsak ng kubyertos. Lumingon sya kay Pierre na ngayon ay nakatayo na.

"Tapos na akong kumain. I'm going." anito't umalis na di na hinintay na may sabihin pa ang mga kasama. Di na naman nya maiwasang makaramdam ng sakit. Sobrang bigat ng kanyang pakiramdam.

Ganon na ba talaga nito kaayaw na makita sya? O di ito makatagal na makasama sya sa iisang lugar?

Habang kaya pa nyang pigilan ang luha ay nagpaalam sya sa mga kasama na pupuntang comfort room. Mabilis syang umalis pero imbes na sa comfort room pumunta ay sinundan nya si Pierre.

She wants to talk to him. She have to talk to him. Bahala nang itaboy sya nito.

Twist and ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon